Chapter 21

87 3 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 21

May's POV

Hindi pa rin ako makatingin ng maayos kay Sofronio.Nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari, baka kasi kung anong isipin niya dahil sa naging puwesto namin ni Nathan kanina.Ang awkward kaya non!

We're still in the park.Nakaupo ako sa swing habang magka-usap naman si Sofronio at Nathan sa isang tabi.

Nagha-hum lang ako ng kanta habang nagmumuni-muni dito sa isang tabi.Nakaka-miss palang maging bata.

Ilang sandali lang ay lumapit sa akin yung isang batang babae na kausap ko kanina habang nakanguso. "Ate akala ko po ba, maglalaro tayo." nagtatampo pa siya habang sinasabi niya iyon na lalong nagpa-cute sa kanya.

Ngumiti ako, "Sige ba, tara na?" tumango siya kaya hinila ko ulit ang kamay niya at magka-holding hands kaming lumakad palapit sa kanyang mga kaibigan.

"Reychell!" may lumapit sa aming isa pang batang babae, siya marahil si Reychell na tinawag ng bata.

"Bakit Zen?" inosenteng tanong ng bata habang nakatingin sa batang hawak-hawak ko na tumawag sa kanya.

So Zen pala ang pangalan niya, how cute.Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila.Nagbubulungan kasi sila kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

Nakita ko lamang na tumango si Reychell sa sinabi ni Zen saka sila nag-apir.Medyo naku-curious ako sa pinag-uusapan nila.Tumakbo si Zen sa kinaroroonan nina Sofronio saka niya kinulbit ang binata na walang kaalam-alam.

Naiwan kaming dalawa ni Reychell na nakatayo dito kaya agad ko siyang tinanong. "Ano bang pinag-usapan niyo ni Zen?"

Nag-isip pa siya kung dapat bang sagutin ang tanong ko pero kalaunay sumagot din.

"Sabi po kasi ni Zen maglalaro daw po tayong bahay-bahayan." tumango ako, alam ko naman yon eh."Kung ikaw daw po ang nanay syempre kailangan daw po ng tatay kaya nagpunta po siya don.Maghahanap daw po siya ng magiging asawa niyo." nanlaki ang mata ko sa sinasabi ng bata.Parang wala lang ang sinabi niya na akala mo'y yun ang pinaka-normal na dapat sabihin ng isang bata.

Agad akong lumapit sa kinaroroonan nina Sofronio para pigilan ang gagawin ni Zen.Jusko! hindi pa nga ako nakakabawi sa una kong kahihiyan tas may susunod na naman? Grabeng mga bata ito. tsk.

"Kuya payag ka na po ba?" rinig kong tanong ni Zen kay Sofronio.

Ilang segundong hindi sumagot si Sofronio na sa tingin ko ay tutol sa sinabi ng bata ngunit hindi niya lang masabi dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng bata.

"Ako pwede ako!" biglang singit ni Nathan ng hindi pa rin sumasagot si Sofronio.Lumiwanag ang mukha ng bata saka lumapit kay Nathan.

"Talaga po?!" nakangiting tumango si Nathan sa bata.

"No need, ako na." pagtutol ni Sofronio.Hala! tama to may mood swing!

Naguluhang tumingin si Zen sa dalawa niyang kuya saka humarap sa akin na parang humihingi ng tulong.

"Ate, sino pong aasawahin niyo sa kanilang dalawa?" tanong niya na parang problemadong-problemado.Sumulyap ako kay Nathan at Sofronio saka nagbalik ng tingin kay Zen.

"Alam mo Zen, pwede naman tayong maglaro ng tayo lang.Baka kasi busy sina kuya kaya wag na natin silang abalahin, okay?" paliwanag ko sa kanya.Malungkot siyang tumango sa akin.

"Pero ate, diba ang nanay dapat may asawa?" hindi paawat niyang tanong.Napahilot na lang ako sa sintido ko, saan ba nalalaman ng batang ito ang ganoong mga bagay?

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now