Chapter 7

158 6 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 7

May's POV

5 Months Later...

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo May?" Nakayuko akong tumango kay Harvey.

"Wala na naman sigurong dahilan para mag-stay ako.Mas gugustuhin ko pang makasama si mama bago ako mamatay Harvey"

Alam kong pangarap ko talagang makita si Sofronio pero parang ayaw talaga ni Lord.Ilang beses pa kasi akong pumunta sa mga fan meet niya pero palaging sablay.

"Siya sige basta mag-iingat ka" tumango lang ako tsaka yumakap kay Harvey.

"A-aalis ka po M-mommy May?" Nagulat kami ni Harvey ng may magsalita ang alam kasi namin ay kaming dalawa lang dito.

Hinanap namin ang boses then yun nakita namin si Angeline nakasilip siya sa pinto umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod para magpantay kami. "Baby, bibisita pa rin naman si Mommy May, kailangan ko lang kasi talagang umalis,ok?" Nakangiti ko pang tanong sa kanya.

"Iiwan mona po ako?" Nakanguso niyang tanong.

Tumawa naman ako. "I swear babalik si Mommy May baby" Tumango lang siya sa sinabi ko.

Lumapit din sa amin si Harvey, "Ihahatid ka na namin"

Tumanggi ako sa sinabi niya, mas lalo lang malulungkot si Angeline. "Ihatid niyo na lang ako hanggang sa gate"Tumango lang sila.

Bumaba muna ako saglit para magpaalam sa mga kasamahan ko.

"May" malulungkot na tawag nila sa akin.Ngumiti lang ako sa kanila saka sila niyakap. "Ma-mimiss ka namin" bulong nila sa akin.

"Teka? asan nga pala si Anghel?" Nagkibit-balikat lang sila, hinanap siya ng mga mata ko at nakita ko siya sa gilid umiiyak.

Nagpaalam muna ako sa kanila saka lumapit sa kinatatayuan ni Anghel.

"Anghel" tawag ko sa kaniya.Mabilis niyang pinunasan ang mga luha na pumatak sa mata niya.

"Ate May" niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit kaya ganoon rin ang ginawa ko.

"Mamimiss kita"

"Mamimiss rin kita Anghel" sa lahat kasi ng katrabaho ko dito si Anghel yung pinaka-close ko,sobrang gaan kasi ng loob ko sa kanya.

"Sige na Anghel kailangan ko nang umalis eh" Tumango lang siya saka kumalas sa yakap.

"Ba-bye mommy May, I love you" Niyakap ko ulit si Angeline. "I Love you too baby"

Nagpaalam na ako sa kanila na aalis na dahil baka ma- traffic ako sa daan.

Namasyal muna ako dito sa Maynila siyempre naman baka ito na ang last time ko na makapunta dito kaya sagad-sagarin na.

Nagpunta muna ako sa Divisoria dahil balita ko ito daw yung kadalasang pinupuntahan ng mga tao dito,mura daw kasi ang presyo.

Nagtingin-tingin ako sa mga gadgets balak ko na kasing palitan yung di-keypad kong cellphone.Makabili man lang ng touch screen kahit mumurahin.

"Ate magkano yung ganito?" Tinuro ko yung touch screen na cellphone na kulay black.

"2700 ineng" Naku! Ang mahal kulang ang budget ko!

"Ate wala nang tawad?" Umiling yung aleng nagtitinda.

"Mura na yan ineng"

"Sige na naman po" napakamot sa ulo yung ale. Saka tumango,mukhang naawa sa akin.

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now