Chapter 4

172 4 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 4

May's POV

"Sir nandito na po yung nag-aaply na bagong yaya ni Angeline" Rinig kong sabi nung kasambahay sa amo niya.

Nandoon kasi sila sa gilid may dingding at naka-side view pa yung lalaki kaya di ko sya masyadong makita.

Maya- maya nakita kong tumalikod at lumakad paalis yung lalaki na 'amo' ata nila.Lumapit sakin yung kasambahay na kausap niya kanina.Bata pa ito at tantiya ko ay nasa disi-nuebe pa lamang ang edad, matangkad siya at may itsura,mapungay ang mga mata na nagbibigay dating sa kanya.

"Sandali lamang ho, may inaasikaso lamang si sir pero susunod na po siya" Tumango lang ako at ngumiti.

"Ahh miss pwede bang makahingi ng tubig"

"Oo naman po" Ngumiti lang siya sakin saka umalis para kumuha ng tubig.

"Salamat" Pagka-abot niya ng tubig ay kinuha ko na agad ang gamot ko sa bag.Masama kasing mamali sa oras ang pag-inom ng gamot.

"Where is she?" Tanong ng isang baritonong boses.Itinuro naman ako noong  babaeng nagbigay rin sakin ng tubig.

Lumapit sakin yung amo nila, nakayuko lang ako nakakatakot kasi sya eh. "Hey"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang lalaking yon.

"Harvey?!" Nanlaki rin ang mata niya at gulat na gulat na tumingin sa akin.

"May? Anong ginagawa mo rito,ikaw yung nag-aaply?" Ngumiti ako ng pagkalaki-laki sa kanya saka tumango.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

"Anong bakit?! Bawal ba? eh di kung bawal edi sana umalis na lang ako" Sabi ko ng nakakunot ang noo tsaka magwo-walk out sana pero hinila niya lang ang kamay ko.

Ngumiti lang siya sakin.

"Easy May! Ikaw naman tinatanong lang eh" Inirapan ko siya.

"Ayaw mo ata eh" parang batang maktol ko.

"Sige na tanggap ka na" Nanlaki ang mata ko at napayakap sa kaniya.

"Thank you Harvey! The best ka talaga!"Sobrang lawak ng mga ngiti ko na parang aabot na hanggang tenga.

"Dito ka na tumuloy, magsimula ka na ngayon tutal kilala naman na kita eh" Tumango ako sa kaniya.

Ipinahatid niya ako sa isang kasambahay nya papunta sa kuwarto na tutuluyan ko.

Hindi ko mapigilan na hindi humanga sa ganda ng bahay niya dito sa Maynila.Tsk. Di man lang to nagsasabi na mayaman pala sya.

Kulay white and black ang wallpaper ng kuwartong ito.May tv, at sariling refrigerator. Napapatanong tuloy ako sa isip ko.Ganito ba talaga ang kuwarto ng katulong?

Inayos ko na ang mga gamit ko saka lumabas ng kwarto para itanong kung nasaan si Angeline.

Pagkababa ko nakita kong may kausap si Harvey sa telepono at seryosong-seryoso ang mukha nya kaya naghanap nalang ako ng kasambahay para hindi ko na siya maabala.

"Ms!" tawag ko don sa nakita kong kasambahay siya din yong babaeng nakausap ko kanina.

Tumigil siya sa paglalakad at lumapit sakin.

"Bakit po ma'am,may kailangan po ba kayo?" Nakangiti niyang pahayag.

"Ahh ehh itatanong ko lang sana saan ang kuwarto ni Angeline?"

"Diretsyuhin nyo lang po yan ma'am tas kumaliwa kayo dun sa may hagdan yung last door po sa dulo na pink ang color kay Angeline po yon"

Nagpasalamat ako at tumango lang siya pero bago pa siya makapaglakad ulit tinawag ko siya.

Nakangiti siyang humarap sakin saka naglakad palapit.Bakit ang lakas maka-anghel ng mukha nito? palagi kasing nakangiti haha.

"Ano po yon ma'am?" Ngumiti din ako sa kanya.Syempre baka magmukha din akong anghel pag ngumiti,ay! ayaw ko pala para namang patay na ako kasi diba nasa langit yung mga anghel?

Napailing at napatawa ako sa iniisip ko.Inaatake na naman ako ng kabaliwan.

Humarap na ulit ako sakanya. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Angel po ma'am" napatawa ako ng kaunti.

Pfffftt.. Kaya naman pala ang lakas maka-anghel ng itsura anghel naman pala talaga haha.

Kumunot ang noo niya  "May nakakatawa po ba sa pangalan ko?" inosente niyang tanong.

Umiling lang ako saka winagayway ang kamay ko sa harap niya para malaman niyang walang nakakatawa na baliw lang talaga ako.

"Wala pero pwede bang Anghel nalang ang itawag ko sayo?" nawe-weirduhan siyang humarap sakin pero kalaunay tumango din..

"Payag naman po ako ma'am kayo po bahala"

"Naku! ano ka ba anghel wag mo na kong tawaging ma'am May na lang,tutal pareho lang naman tayong nagta-trabaho dito"

Ngumiwi siya saka nagsalita "Para po kasing hindi kayo nagta-trabaho dito."

Ako naman ang napakunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?"

Kumamot siya sa batok niya at nahihiyang tumingin sakin. "Para po kasi kayo ma'am asawa ni sir Harvey,iba po kasi ang pagtrato niya sayo hehe"

Tumawa ako at tinapik ang balikat

"Magkababata kasi kami Anghel, ikaw naman gumagawa ka agad ng malisya, masama yan ha?"

"Sorry po ate May" Tumango na lang ako sakanya saka nagpaalam.Masyado na kasing napahaba ang kuwentuhan namin.
niya.

Binagtas ko na ang daan patungo sa kuwarto ni Angeline. Nang makarating ako sa kuwarto ni Angeline kumatok muna ako saglit.

Walang sumasagot kaya pumasok na ko dahil hindi naman naka-lock ang pinto.

Nabungaran ko don ang isang batang babae na tulala habang nakahawak sa laruan niyang barbie.

Nilapitan ko siya at nginitian pero hindi niya ko pinapansin.

"Baby?" Lumingon siya sakin pero bumalik din sa pagkatulala.

Kumuha ako ng isang laruan at nagsimulang maglaro na parang bata.Sa pagkakataong iyon humarap na siya sakin.

"S-shino po ikaw?" medyo utal pang tanong niya.

Ngumiti ako sakanya at nagpakilala. "Hi baby I am ate May"

Tinignan niya ko gamit ang inosente niyang mukha. "A-ate May?" Ulit niya sa pangalan ko.

Tumango ako sa kanya nagulat ako sa kanya dahil bigla na lang sumaya ang mukha niya at bigla na lang akong niyakap.

Maya-maya pa ay humarap ulit siya sakin. "Ikaw po ba yong bago kong mommy?" Nagulat ako sa tanong niya.Bagong mommy? ako? Jusko Lord!

Napakamot ako sa likod ko "Hehe p-pwede naman?" patanong kong sagot. Bigla siyang nagtatalon saka yumakap at humalik sa pisngi ko.

"Then I should call you mommy not ate May" Napatulala at napanganga ang bibig ko sa sinabi niya bigla akong nagkaanak ng wala sa oras.

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now