Chapter 19

101 4 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 19

May's POV

"How's Nathan?" humahangos na tanong ni Sofronio.

Ngumiti ako sa kanya. "Nathan's okay, sabi ng mga doctor kailangan lang niyang manatili dito sa hospital ng ilan pang araw para ma-obserbahan." nakahinga siya ng maluwag saka ngumiti at humarap sa akin.

"Thank you so much May!" nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong niyakap. Yumakap rin ako pabalik saka tinapik-tapik ang likod niya.

"You're welcome?" sabi ko saka kinalas ang pagkakayakap niya sa akin.

"Halika na sa loob baka hinahanap ka na ni Nathan." tumango siya saka ako hinila papasok.

Humarap agad sa amin si Nathan at ngumiti.Agad siyang dinaluhan ni Sofronio saka yinakap.

"Oh? I love you too bro!"pabirong sabi ni Nathan kay Sofronio na nagpangiti rin sa akin.

Ang cute lang nila pagmasdan.I didn't know na ganito pala sila ka-sweet dalawa.

"Hey, Nathan may dala ditong mga prutas si Harvey baka gusto mo?" pag-singit ko sa kanilang dalawa.

"Sige May, pahingi please!" ngumiti ako tsaka kumuha ng isang mansanas.

"Wait lang ipagbabalat lang kita." tumango siya sa akin.

Kumuha muna ako ng kutsilyo bilang panghiwa, napapailing na lang ako kapag napapalingon sa kanilang dalawa, ang kulit-kulit kasi nila para silang mga bata na ngayon lang ulit nagkita.

"Oh." inilagay ko yung mansanas sa table sa tabi ni Nathan saka ako umupo sa isa sa mga silya malapit sa kanila.

Wala na ang mga apparatus na nakakabit kay Nathan tinanggal na yun kahapon nung magising siya pinalitan at itinira na lang yung mga benda sa kamay, paa, ulo at leeg niya.

Hindi pa rin siya pwedeng maggagalaw masyado kaya talagang dapat lagi siyang may kasama baka kasi ma-puwersa yung katawan niya.

"Hay nako Nathan ano bang nangyari sa iyo at naisip mong ibangga yang kotse mo?! Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala sa iyo?!" pagse-sermon ko sa kanya na tinawanan lang niya, aba't talagang!

"Sorry na May, loko kasi yung kotse ko bigla na lang nawalan ng preno." tumawa muli siya "Ang mahalaga ay naririto pa rin ako at buhay pa." dagdag niya na tinanguan ko.

"Wag na wag ka lang talagang uulit at ako na mismo ang papatay sa iyo!" pagbibirong sermon ko.

"Hindi na nga po, ito naman masyadong concern may gusto ka siguro sa akin noh?" pang-aasar niya sa akin. Baliw talaga to!

Sinamaan ko siya ng tingin saka siya hinampas tumawa lang naman siya ng malakas.

"Ehem."

Napatigil lang kami sa pagkukulitan ng may biglang umubo ng peke sa tabi namin.

Sabay kaming napatingin sa seryosong mukha ni Sofronio saka nag-peace sign, inirapan niya lang kami saka humakbang papaalis.

Sinundan namin ng tingin si Sofronio hanggang sa tuluyan siya maka-alis.

"Anong nangyari doon?" tanong ko kay Nathan.

Nagkibit-balikat siya. "Baka nag-selos."

Nag-selos si Sofronio, weh? Hindi ako makapaniwala pero nakakakilig bes!

"Sundan ko lang si Sofronio, Nathan."

"Sige, siya lang naman yung mahalaga sa iyo eh!" patampong sabi niya pero alam ko namang nagbibiro lang siya.

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now