Chapter 12

86 3 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 12

May's POV

"Halika na Sof, akyat na tayo sa groto" pamimilit ko kay Sofronio with matching hila pa sa damit niya.

Ayaw pa kasi niyang umakyat sa groto namamagod pa daw kasi siya, pero syempre hindi ako papayag.

Ilang ulit ko pa siyang kinulit ang nang hindi ko talaga siya mapilit ay iniwan ko na siya.

"Eh di wag. Intayin mo na lang ako dito, ako na lang ang aakyat" nagtatampong sabi ko na may kasamang irap.

Akmang lalakad na ko papunta sa entrance nang bigla siyang tumayo at sumunod sa akin.

Bumuntong- hininga siya bago humarap. "Okay fine I am giving up, let's go Trése"

Ngiting tagumpay naman akong humarap sa kanya at hinila ko na siya paakyat ng groto.

"Teka, picture muna tayo" Tumango siya at inintay na mag-picture ako pero imbis na ilabas ang cellphone ko inilahad ko lang ang palad ko sa kanya.

"Ha?" hindi maintindihang tanong niya.

"Akin na yung cellphone mo, pangit kasi yung camera ko eh hehe" Kakamot-kamot sa ulong sagot ko.

Binigay naman niya agad yung cellphone niya.

"Password?"

"1124" What's with his password? wala namang important date sa araw na iyon as far as I know ah? sa tagal ko na bang stalker ni Sof halos alam ko na talambuhay niya.

Hindi ko na lang pinansin baka mamaya trip niya lang naman.

Pinindot ko na lang yung camera saka nagpicture.

After ilang minutes binalik ko na din agad yun sa kanya.

"Tag mo ko ha? pag magpo-post ka" utos ko kay Sofronio.Tumango na lang ito, siguro naiinis na din to sakin pag-minsan.

Tinuloy na namin ang paglalakad hanggang sa marating namin ang  tuktok ng groto.

Naupo muna kami saglit dahil medyo napagod at hiningal din kami sa paglalakad.

Nang makabawi ng lakas ay agad na kong nagdasal kay Hesus.Ito ang isa sa dahilan ng pag-akyat namin dito,pagsasakripisyo.Sabi kasi nila kapag nag-sakripisyo ka daw tutuparin ni Hesus yung hiling mo.

Isa lang naman ang hiling ko.Ang mabuhay pa ng mas mahaba.Kung dati handa na kong mamatay ngayon hindi na ulit.Nagkaroon na ulit ng direksyon at inspirasyon ang buhay ko, parang hindi ko kayang iwanan siya.

Napangiti na lang ako ng mapait habang tinititigan siya sa malayo.Nakangiti siya at tinitignan ang mga taong nasa ibaba na parang mga langgam.How I wish na makakangiti pa rin siya ng ganyan kahit wala ako.

Hindi naman sa naga-assume ako na malulungkot si Sof pag nawala ako. Sofronio is fragile and kind, he loves everybody and he cares for anyone.

Hindi ko na lang muna yun inisip at bumalik sa pwesto niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Baba na tayo?"

"Sige, marami pa atang pasyalan sa baba"

Dumiretsyo kami so Noah's Arc at muli ay doon nagpicture- picture.Nang makakita kami ng wishing well ay huminto kami saglit at nag-try.

"Yes!" sigaw ko ng maka-shoot si Sofronio.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "What's your wish?"

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now