Chapter 1: MX7

86 6 0
                                    

Author’s Point of View

“Grupong MX7, muling naiuwi ang lahat ng awards sa kanilang pagdalo sa AGA o Asian Groups Awards. Kabilang dito ang Best Male Group Award at ang Most Watched Group Award.”

“MX-Ls, these are all for you! Thank you so much! I love you!” sabi ni Shin, ang pinakamatanda sa grupo.

“Thank you for your huge support, guys! Let’s keep soaring high! We love you, MX-Ls!” ang leader naman nilang si Rille.

“I can’t believe na sikat na tayo, Kuya!” si Andrex, ang pinakabata sa grupo. “At dahil ‘yon sa mga supporters natin.” dagdag niya.

“Masyado ka atang masaya diyan, Andrex. Hurry! Kailangan nating mag-practice for our up-coming concert in Las Vegas.” sabi ni One. Siya ang pinaka-workaholic sa grupo. “Tsaka, pwede ba, 'wag mong i-open ang topic na 'yan.” reklamo niya.

“Kuya One, ayan ka na naman  e. Bakit hindi mo pa kasi aminin na, sumikat tayo dahil sa tulong ng mga fans natin?” nakangiting sabi ni Andrex.

Sinamaan siya ng tingin ni One. “Hindi ‘yon dahil sa kanila, okay? Dahil ‘yon sa atin. Tayo ang nagkakanda sakit na kaka-practice. Tayo. Hindi sila.” sabi ni One at galit na tinalikuran siya.

Bakit ba ganun si Kuya One? Tanong niya sa kanyang isip.

Kilala si One Knight Valeroso sa harap ng camera bilang isang idol na malapit sa kanyang fans. Pero, pagdating sa likod ng camera ay parang gusto niya ng ipakulam ang mga ito dahil sa mga iba’t-ibang regalong ipinapadala sa kanya, sa mga pag-comment nila sa mga posts niya, at sa kung anong bagay na normal lang naman na nangyayari sa isang artista.

“O, bakit ka nakasimangot diyan?” tanong ni Jairus, isa pang miyembro ng grupo, nang makabalik na siya galing sa pamimili sa malapit na convenient store. Inilapag niya ang mga pagkaing binili sa lamesa at sinimulang ilabas ‘yon sa plastic. “Nag-away na naman kayo ni Kuya One?” tanong niya. Alam ng bawat isang miyembro ng grupo ang alitan sa pagitan ng dalawa tungkol sa topic na ‘yon.

Napabuntong-hininga siya bago lapitan si Jairus at tumulong sa paglabas ng mga pagkain. “Yeah. Kuya, bakit ba siya ganun?” sabi niya.

Napatigil si Jairus. “Mataas ang pride ni Kuya One. Hayaan mo nalang siya. Nasa sa kanya naman ‘yan kung babaguhin niya ang pananaw niyang ‘yon o hindi.” sabi niya at tinapik si Andrex sa balikat. “Shower muna ako.”

Napatango nalang si Andrex. Tama ang Kuya Jairus niya. Sa ngayon, hahayaan n’ya nalang muna ang Kuya One niya at hindi nalang ulit io-open ang ganung topic.

“Seriously, One? Alak?” si Shin. Nakita niya kasi itong umiinom ng alak sa veranda ng bahay na para sa kanilang pito. Alam niyang mainit na naman ang ulo nito. Pero, nagawa niya pa rin itong lapitan dahil kahit anong mangyari ay siya pa rin ang pinakamatanda sa grupo.

Saglit siyang tinignan ni One na parang nandidiri rito pagkatapos ay lumipat ulit ang tingin sa malayo. “What do you need?” tanong ni One.

“Uhm…” umupo si Shin sa katabi nitong upuan at nilaro ang basong nasa harapan niya. “Wala naman. Ikaw? May problema ka ba? Mainit na naman ‘yang ulo mo.” sabi niya. “Did he opened up that topic again?” pahabol na tanong niya.

Umayos ng upo si One. “As usual.” simpleng sagot nito. “Sanay naman na ako.” dagdag niya.

“Sanay ka na?” tanong ni Shin. “E, bakit ka diyan nagagalit kung sanay ka na pala?”

“Ang sabi ko, sanay na ‘ko. Hindi ko naman sinabing hindi na ako magagalit.” pagtatama ni One.

Nagulat si Shin sa biglaang pagtayo ni One pagkatapos niyang sabihin ‘yon. “Where are you going?” tanong niya. Sa halip na sagutin ay dire-diretsong naglakad si One paalis sa veranda. “Hey, come back here! You bastard!” sigaw ni Shin ngunit hindi siya nito pinakinggan.

Lost StarsWhere stories live. Discover now