Chapter 17: Love Team

13 1 0
                                    

Amethyst's POV

Tapos na kami mag linis ng bahay, at literal talaga akong napanganga dahil sa gulat, dumoble ang linis ng bahay namin ng tumulong sila sa amin. Bilib din ako sa kanila eh! mga responsable, mabait din naman sila maliban lang kay Rille, pero sa totoo lang 'medyo' mabait 'din naman siya eh! Medyo lang. Ang gulo ko! Langya. Mga guwapo na responsable pa, sa'n ka pa?

"Hoy! mukha kang tanga diyan, nakatulala." natatawang sabi ni Rille. Sinabi ko bang guwapo at mabait siya? Kung oo, binabawi ko na. (:

"Pwede bang pakihanap?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ang ano?" takhang tanong naman niya, nginitian ko naman siya bago sumagot.

"Ang pake ko, pakihanap." sabi ko na ikinanganga niya.

"Savage!" sabay na sabi naman ng mga lalaki kaya naman siniko sila ni Rille.

"Tss. Sungit!" bulong niya na narinig ko naman.

"May sinasabi ka?" maangas na tanong ko.

"Narinig mo na nga nagtatanong ka pa. Tsk!" nakangising sabi niya. Taena! Bumabawe amp. Huminga ako ng malalim bago siya nginitian ng pagkalake-lake.

"E! Sa hindi ko narinig eh, masama ba mag-tanong? May batas na bang bawal mag-tanong?" asar na sagot ko pero hindi ko inaalis ang ngiti sa labi ko.

"May sinabi ba ako? Wala naman ah!" nakangising pa ring sabi niya na ikinainis ko lalo. Sinamaan ko siya ng tingin, magsasalita na sana ako ng bigla na lang akong putulin ng mga kapatid ko.

"Nandito tayo para magpahinga, hindi mag landian." sabay sabay na sabi nila na ikinangisi naman ni Rille.

"Nilalandi niya ako eh! Tsk! Na-inlove na ata!" nakangising sabi niya na lalong ikinainis ko. Asar!

"Kapal mo! Yakee, mahiya ka naman." inis na sabi ko.

"Inuulit ko, magpapahinga hindi maglalandian." nakangising asar ni Dhara. Taena talaga! Arggggh!

"Ewan ko sa inyo!" inis na lang na sabi ko sabay irap at upo sa tabi ni Calista.

"Lupet nun! May katapat kana." natatawang asar ni Calista. Inirapan ko naman siya.

"Ewan ko sayo."

"Asus, Amethyst tapos Rille. Raethist, parang rapist. Ang sagwa, HAHAHA." natatawang asar ni Luna na ikinatawa din ni Calista.

"Taena! Tigilan niyo nga ako, nakakairita." naiiritang sabi ko, sinamahan pa ng irap para maniwala talaga sila na naiinis ako. Tinigilan naman nila ako pero tumatawa parin sila. Langya!

Nag-aasaran, nagkwekwentuhan at kung ano ano pang ginagawa namin na nagsasanhi ng ingay, natahimik naman kaming lahat ng biglang lumabas sa balita ang MX7.

"Kasalukuyan pa ring hinahanap ang sikat na bandang MX7 ng mga otoridad, dalwang-araw na sila hinahanap ngunit ni kahit anong bagay na may kinalaman at makakatulong sa paghahanap sa kanila ay wala silang makita, tumutulong na din sa paghahanap ang kanilang mga taga-hanga, hinahanap na din sila sa lahat ng islang maaari nilang kinaroroonan, sa lahat ng nagmamahal sa MX7 wag kayong mag-alala dahil hindi titigil ang otoridad sa paghahanap sa kanila. Ako si Claire Batungbakal, nagbabalita." sabi ng balita at ipinakita din ang mga pulis na naghahanap sa gitna ng dagat pati na din ang mga taga-hanga nila na pursigido sa paghahanap sa kanila. Ganon ba talaga sila kasikat? Na halos buong mundo tutulong para mahanap sila.

Napatingin kami sa isa't-isa ng mga kapatid ko, nang mapatingin ako sa direksiyon ni Rille ay nanlaki ang nga mata ko ng makitang nakatingin din siya sa akin, dali-dali ko namang binago ang reaksiyon ko at sinamaan siya ng tingin sabay tingin sa ibang direksiyon. Hindi ko alam kung bakit naisipan kung tumingin sa kaniya ng mapanood ko ang balita, ewan ko pero parang nalungkot ako ng malaman na malapit na silang umalis dito. Bowset talaga!

Lost StarsWhere stories live. Discover now