Chapter 16: Partner

10 2 1
                                    

Hera's POV

Asaan na kaya sila Venus at Luna? Kanina pa yun wala ah. Sabi ni Luna hahanapin niya lang si Venus, pero bakit 'di na sila bumalik? 'di kaya...

"Arayy!" napahawak ako sa ulo ko ng bigla nalang akong batukan ni Naila.

"Hoy! Hera kung ano ano na naman iniisip mo ano?!" maangas na sabi niya. Ang sadista din talaga ng babaeng 'to! Bakit ba ang sadista, sungit at taray ng mga kapatid ko-pati na ako! Minsan. Walangya.

"Hindi ah!" maang-maangan namang sabi ko sabay himas ng binatukan niya. Ang sakit kaya!

"Talaga lang ah! Kung ganon ano iniisip mo?" tanong niya na nagpabalik sa mga iniisip ko kanina.

"Baka kinuha na sila ng sirena, 'di kaya kinain na sila ng pating, o 'di kaya..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya na naman akong batukan. Ba' t ba ang hilig niyang mambatok?

"Kung ano anong iniisip mo, samahan mo na nga lang akong hanapin sila, tara!" aya niya sabay hila sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang samahan siya.

Aalis na sana kami ng bigla nalang dumating si Venus at Luna na hingal na hingal at pawis na pawis habang naghahabulan. Akala ko ba broken hearted si Venus? Ba't parang hindi?

"Venus! Luna!" sigaw ni Naila kaya napatingn sa amin yung dalawa. Tumakbo naman agad sila palapit sa amin.

"Sa'n kayo galing?" tanong ko sa kanila ng makalapit na sila.

"Diyan-diyan lang, bakit?" hinihingal na sagot ni Venus.

"Okay ka lang Venus?" tanong naman ni Naila. Napakunot naman ang noo ni Venus.

"Oo naman, bakit?" takhang tanong niya. Napatingin naman ako kay Luna kaya lang nag kibit-balikat lang siya. May ginawa ba siya kay Venus?

"Ah! Mabuti naman." kunyareng nakangiting sabi naman ni Naila. "Tara na, baka hinahanap na tayo nila nanay at tatay." dagdag pa niya. Tumango naman silang dalawa at nagsimula ng maglakad papunta sa bahay.

Nagpahuli naman kami ni Naila, nang medyo malayo na sila sa amin tinanong ko na si Naila.

"May napapansin kaba kay Venus?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, parang hindi naman siya nasaktan, pero diba kanina halos umiyak na siya ng marinig yung mga sinabi ni Clerk?" sabi naman niya.

"Baka naman may ginawa si Luna." sigurado akong may ginawa si Luna, dahil kung hindi, hindi naman magigiging maayos agad si Venus, kilala namin siya, masyado siyang malambot kaya madali siyang masaktan. Pero sadista din yan, mataray at masungit din. Haysst! Venus.

"Tanungin na lang natin si Luna mamaya, para sigurado tayo." sabi niya tumango naman ako at nagsimula na kaming bumalik papunta sa bahay.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin sila Ame na naglilinis. Ang mga lalaki naman ay nakaupo lang sa isang tabi at pinapanood sila sa ginagawa nila.

"Oh! Andiyan na pala kayo, tulungan niyo nga kami maglinis. Hindi katulad nung iba diyan paupo-upo lang." sabi niya, napailing naman ako. Halata naman na may pinaparinggan siya at alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Ame talaga!

"Sige, para naman mag kasilbi ako dito sa bahay 'di tulad ng iba diyan." pag paparinig din ni Naila, kaya naman nginitian siya ni Ame. Ang sama talaga ng dalawang 'to.

"Hi Hera!" nakangiting bati ni Niel. Nginitian ko naman siya tsaka sinagot.

"Hello."

"Sa'n ka galing?"

Lost StarsWhere stories live. Discover now