Chapter 11: Caught

11 2 3
                                    

Amethyst's POV

NAPAPADIYAK-PADIYAK ako habang nakanguso at marahas na sinasabunutan ang buhok ko dahil sa mga lalaking iyon. Sa totoo lang, hindi ko talaga sila gustong nandirito. Itong sila Nanay at Tatay lang naman ang may gusto ng lahat.

Lahat kami ay natapos nang kumain, pero sa dinami-rami namin sa bahay ay ako lang talaga ang nag-hugas ng plato. Nakakainis! Pu-puwede namang paghugasin ng pinggan ang mga lalaking iyon, pero hindi nila ginawa. Nga lang, baka ako lang din ang mag-uulit ng mga iyon dahil mukhang hindi naman sila marunong sa mga ganoong bagay.

Tss. Biniyayaan nga ng mga magagandang mukha at katawan, hindi man lang naambunan ng kasipagan.

"Ame, ano'ng ginagawa mo riyan?" nilingon ko si Venus na nakasunod pala sa akin. Hindi ko siya sinagot at muli na lang tumingin sa madilim na dagat. "Hinahanap ka ni Nanay sa kusina kanina. Kamuntik na ngang himatayin dahil baka kinain ka na raw." pagbibiro niya ngunit hindi ako natawa.

Tss. Akala ko ay hindi na nila napansin ang pagkawala ko.

"Ame, sa tingin ko naman ay mababait naman ang mga lalaking iyon," doon ko na siya nilingon at masamang tinignan. "Kung iisipin mo kasi, kung mayroon talaga silang balak na masama, e 'di sana ay kanina pa nila ginawa." pagpapaliwanag niya.

Napabuntong-hininga ako, malalim. "Venus, kahit naman gustong-gusto ko na silang ipagtabuyan o kaya ipain na lang sa mga isda, hindi ko naman kayang suwayin sila Nanay." sabi ko sa kaniya. "Hayaan ko na lang. Susubukan ko na lang na hindi mainis sa kanila maliban na lang siguro kung may dalaw ako." pinilit kong magbiro at nagtagumpay naman ako.

"Uhm... Ame..." nakita ko siyang nakayuko at kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Mukhang may gusto siyang sabihin pero nahihiya lang siya.

"Sabihin mo na." utos ko.

Napakamot siya ng pisngi bago sumagot. "Hindi ko kasi matandaan ang pangalan noong lalaking medyo maliit sa kanila." ramdam ko ang kilig niya habang sinasabi iyon. Malande na siya. "Alam mo ba?"

"Sa pagkakatanda ko, Creek ang pangalan niya—"

"Ginawa mo pang kanal ang pangalan ko!"

Parehas na nanlaki ang mga mata namin ni Venus nang may magsalita sa likuran ko. Alam kong namumula na rin si Venus ngayon dahil paniguradong narinig nito ang sinabi niya. Parehas namin siyang—silang nilingon. Kasama niya iyong Chin ba iyon?

"Hindi ba iyon ang pangalan mo?" sabi ko. Umiling siya. "Akala ko kasi iyon ang pangalan mo," pagbibiro ko pero walang tumawa ni isa. "Ayos na iyon, mukha ka namang kanal—"

"How dare you?!" akma siyang susugod pero natigilan siya nang magsalita ang kasama.

"Stop it, Clerk," pinagdiinan niya ang pangalan nito at tumingin sa akin bago ngumisi. "She just misunderstood your name." dagdag nito pero hindi ko maintindihan at paniguradong ganoon din si Venus. Nakita naming may ibinulong ito sa Creek—este Clerk na lumapit naman kay Venus.

"Venus, right?" sunod-sunod na tango ang naisagot ni Venus. "I-tour mo naman ako rito sa isla—"

"Hoy! Kung sino ka mang ulupong ka! Tanga ka ba?" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Maglilibot ka sa isla ng ganitong gabi na? Ano pa kaya ang nakita mo?"

"Panira," bulong niya pero sapat pa rin para marinig ko. "Tara, Venus!" aangal pa sana ako pero agad niya nang hinila ang kapatid ko.

"Kapag hindi iyan nakauwi, ipapahanap ko iyan sa'yo, dog style! Naiintindihan mo?!" sigaw pero nakita ko lang siyang tumawa. "Marapa ka sana."

"You're so mean," bigla kong naalala na may isa pa pa lang punyetang natitira. Muli kong hinarap ang direksyon niya. Medyo nagulat pa ako dahil nakalapit na pala siya.

Lost StarsWhere stories live. Discover now