Chapter 9: Run

12 2 2
                                    

Hera's POV

TUMATAKBO kami palayo dun sa mga guwapong lalaki! Sheet ang gu-guwapo! Kinurot ko ang sarili ko, maya na ang lande. Sumigaw naman bigla si Amethyst. Oo Amethyst lang dahil hindi kami nagtatawagan ng Ate kahit nakakatanda sa amin dahil wala lang.

"Woi. Saglet lang! Tangna! Hintayin niyo ako." sigaw niya. Natatawa naman kami habang tumatakbo. "Humanda kayo sa'kin!" dagdag pa niya.

Nang makadating na kami sa pang-pang ay napaupo kami at hingal na hingal. Hinahabol namin ang hininga namin ng dumating si Amethyst.

"Kayo! Bakit niyo ako iniwan? Ha!" inis na pasigaw na tanong niya sa amin.

"Sabi ko kasi pag bilang ng tatlo tatakbo na tayo. Ano ba kasing ginagawa mo bakit 'di ka tumakbo agad?" tanong naman ni Luna.

"Tss. Malay ko ba, eh sa may iniisip ako eh!" sagot niya sabay iwas ng tingin.

"Sus! Baka nahumaling ka lang dun sa lalaki. Tsk! Ikaw ahh. Ano ngang pangalan nun? Rille?" pang aasar naman ni Dhara.

"Tumigil ka Dhara!" namumulang saad ni Amethyst.

Nagtatawanan naman kami habang naglalakad na pabalik sa bahay namin ng matigilan kami ng may biglang sumigaw sa likod namin.

"Wait lang miss!" sigaw nung mga lalaki kanina sa may balsa.

Naglalakad sila palapit sa amin. Pero wait, tama ba nakikita ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila habang naglalakd. Sheett! Ang ho-hot at ang gu-guwapo, tao ba sila? Nagkatinginan naman kami, sa mga tingin pa lang namin alam na nanamin ang gagawin namin.

"Ehem." tikhim ni Luna. Sa mga ganitong bagay talaga ang dami niyang alam. "Maya na ang lande ah!" sabi niya. Sabay bilang.

"Isa." hinanda ko na ang sarili ko at ganun din sila. Naglalakad pa din yung mga lalaki palapit saamin, medyo malayo pa naman sila. "Dalawa." nasa kalahati na yung mga lalaki, malapit na sila. "Tatlo. Takbooo!" magsasalita na sana ulit yung lalaki ng tumakbo nanaman kami palayo sa kanila.

"Bakit ba lagi na lang tayo tumatakbo?" tanong ko habang tumatakbo.

"Wala ng ibang paraan Hera. Takbo lang." hirap na paliwanag ni Luna habang tumatakbo. Natawa naman kami.

Malapit na kami sa bahay namin ng tumigil na kami sa pagtatakbo.

"Haysst! Sa susunod pwedeng wag na takbo? Bugbugin na lang natin." inis na sabi ni Calista. Sinapok naman siya ni Naila.

"Napaka sadista mo talaga. Sa payat mong yan? Kaya mo sila? Hindi pa nga natin kilala yung mga tao eh! Kung ano ano na iniisip mo." Sus! HAHAHA.

"Suss, may crush ka lang dun eh!" pang aasar ko.

"Tigilan mo ako Hera. Pagod ako." Asar na sabi niya.

"Alam ko. Sino bang hindi mapapagod kakatakbo sige nga?" tanong ko. Umirap naman siya. HAHAHA! Pikon.

"Tara na baka hinaha-." hindi na natuloy ni Amethyst ang sasabihin niya ng may nagsalita na naman sa likod namin. Ano to? Takbo na naman? Pagod na ako at wala na kaming mapupuntahan. Ba't ba sila sunod ng sunod! Langya! Mga stalker siguro to. Tsk!

Calista's POV

"Tara na baka hinaha-." hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil may nagsalita na naman sa likod namin. Pagkaharap namin napairap ako, sino pa ba? Edi yung pitong makukulit na lalaki. Kanina pa sila ah! Uupakan ko na talaga to.

"Ano bang kailangan niyo at sunod kayo ng sunod?" madiing tanong ko.

"Calm down, miss. We just need your help. Can you help us." taena! Nosebleed ako men! Marunong naman kami mag english at makaintindi nito pero hindi ganon kagrabe! Taenang mga lalaki to, papatayin pa kami. Pag naubos lang talaga ang dugo namin, kita nila!

Lost StarsWhere stories live. Discover now