Chapter 18: Improving

7 2 0
                                    

Sorry guyss dahil ngayon lang ulit ako naka-update. Again pasensiya na.💜

Enjoy your reading!

One's POV

"Sabi sa inyo magaling kami maglinis e! Ano naniniwala na ba kayo?" pagmamayabang ni Jairus. 

Nakaupo kami at nagpapahinga, mag-gagabi na din kanina pa kasi lumubog yung araw. I'm exhausted. Andami ba naman naming ginawa buong maghapon, take note, 'maghapon'. I think I can't move my whole body. Paano ba naman kasi yung babaeng mukhang tomboy utos pa nang utos and I'm so stupid because I obeyed all what she said.

Tsk! Paano ba naman kasing hindi ko susundin, eh mukhang malungkot siya. Eh ano bang paki ko?! Aishh! Ewan. Kainis kasi, nauto ako.

"Haysst! Nakakainis!" wala sa sariling sabi ko sabay gulo sa buhok ko.

"La parang tenge!" nakakunot-noong sabi niya. Speaking of the devil. Guguluhin na naman niya ang nananahimik kong buhay.

"Ano na naman?!" nakakunot-noong tanong ko. Kainis kasi, nananahimik ako dito tapos guguluhin ako.

"Para ka kasing tanga! Bigla bigla ka na lang nagsasalita diyan mag-isa." nakangiwing sabi niya. "Baliw." pabulong pa na dagdag niya. Ano ba talaga problema ng babaeng to? Kanina malungkot tapos ngayon ganiyan na naman?

"'Wag mo akong simulan tomboy, pagod ako." simpleng sabi ko sabay tayo at lakad palabas.

Umupo ako sa seashore at tumingin-tingin sa paligid.

Nakaluto naman na sina Calista at Shin, hinihintay na lang sila Tatay at Nanay. Yeah, Nanay at Tatay. I'm not that type na tinatawag na lang basta-basta ang mga tao ng ganiyan. Pero iba sila, I just can't stop myself calling them that and I don't know why! Maybe because they help us? But I know that there are more reason. Yeah, there's more.

I'm thankful because they accepted us fully; they treated us as their own child. Two days pa lang kaming nandito pero ang gaan na ng loob ko—namin sa kanila.

They are kind, yeah, I admit it. The girls are kind and soft-hearted too, but minsan nga lang masungit, mataray, maldita, sadista at suplada sila. Tsk!

"Woi, anong iniisip mo?" tanong ng pinaka-makulit na nakilala kong babae, si Dhara. Umupo siya sa tabi ko pero may distansya.

"Anong ginagawa mo dito?" takhang tanong ko. Pa'no ba naman kasi, bigla nalang susulpot-sulpot kung saan.

"Ha? 'Di ko din alam e. Bakit nga ba ako nandito? Siguro naglakad ako?" nagtatakhang tanong niya, ang weird talaga ng babaeng 'to. Kinunotan ko lang siya ng noo. "Malamang sinundan kita. Ang hina mo talaga." iiling-iling na sabi niya pa na may pa 'tsk-tsk!' pang nalalaman.

Ako pa talaga ang slow ha? Ibang klase talaga. Hindi ko mapigilan ang munting ngiti na lumabas sa mga labi ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka ba ka—teka, ngumiti ka?" gulat na tanong niya. Nagseryoso naman agad ako.
Kinunot ko ang noo ko at tsaka siya tinignan.

"Anong pinagsasabi mo? Bulag ka na ata." maang-maangang sabi ko.

"'Wag mo akong pinagloloko, One. Nakita kaya ng mga mata kong mas malinaw pa sa tubig na ngumiti ka, kaya hindi mo ako maloloko." nagulat ako sa sinabi niya.

Did she just call me by my name? First time niya akong tinawag sa pangalan ko. Anong nangyari? Pero hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap kasi pakinggan ng pagkakasabi niya. Wait! Wtf am I saying?!

"Huy, naengkanto ka na ba?" kinakabahang tanong niya.

Ano'ng akala niya sa akin, kapre? Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?!

"What the hell are you talking about? Engkanto?! Anong tingin mo sa akin, kapre?" nakakunot-noong tanong ko. Natawa naman siya bigla. Anong tinatawa-tawa neto? She's so weird.

"Ano? Kapre? Sa 'liit' at sa 'puti' mong yan pagkakamalan kitang kapre? Ano ako tanga?" natatawang sabi niya at diininan pa talaga yung salitang 'liit' at 'puti'.

I know na maliit ako but I'm cute and handsome. Am I right? Wait! Wtf is hapenning to me? Yuck! Ako ba talaga 'to? Okay! Siya na panalo sa pang-aasar.

Tumingin na lang ako sa dagat at nanahimik.

"Woi, galit ka na niyan?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin dahilan para mapabuntong-hininga naman siya. "Woi, sorry pala kanina ah! Pinagod kita masyado sa paglilinis." seryosong sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nakatingin din naman siya sa akin. Ngingitian ko na sana siya ng magsalita siyang muli. "Uto-uto ka rin kasi eh, may pagka-tanga ka rin pala, bakla?" nakangising dagdag niya pa, kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Nag-apologize nga, nang lait naman. Napangisi ako sa kaloob-looban ko ng may maisip akong kalokohan.

"Anong sinabi mo?" kunyare seryosong tanong ko at tiningnan siya sa mga mata.

"M-May tenga ka 'di ba, gamitin mo naman." nauutal na sabi niya pero halata mong kinakabahan na siya. Napangisi naman ako sa loob loob ko.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" mahinang sabi ko and this time lumapit na ako sa kaniya.

Lalayo na sana siya nang iharang ko ang mga kamay ko sa gilid niya kaya wala siyang nagawa kundi ang mapalunok na lamang.

"Pakiulit nga, Dhara the tomboy." mahinang sabi ko sa tenga niya. naramdaman ko naman na nanigas siya sa kinauupuan niya. Tsk!

"H-ha? A-ano b-bang p-pinagsasabi m-mo?" nauutal pa ring tanong niya.

Lalo naman akong ginanahan sa ginagawa ko.  Lalo pa akong lumapit sa kaniya at onti na lang ang distansiya naming dalawa. "O-one, a-ano b-bang g-ginagawa m-mo?"

"Wala naman." sabi ko sabay tulak sa kaniya pahiga sa buhangin. "Bakit Dhara? Natatakot ka ba?" nakangising tanong ko, napalunok naman siya.

Hindi ko alam pero may kung anong nag tutulak sa akin na lumapit pa lalo sa kaniya kaya ginawa ko. Nagka-titigan kaming dalawa at napaka-ganda niya lalo sa malapitan. Two inches na lang ang layo namin sa isa't-isa. Wala na talaga ako sa sarili ko kaya lalapit pa sana ako nang biglang may nagsalita.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan ha?! Taena." sabay na nanlaki ang mga mata namin ni tomboy dahil sa gulat. Damn! May tao!

Dali-dali akong tinulak ni tomboy. Dahil sa gulat ay hindi ako nakapaghanda kaya napasubsub ako sa buhangin. Langya! Dali-dali ko namang pinagpagan ang mukha ko sabay tingin nang masama kay tomboy na busy sa pag-aayos sa sarili niya. Tsk!

"Hoy! Kayong dalawa anong ginagawa niyo ha?!" nakataas kilay na tanong ni Naila. Si Hera at Naila pala ang dumating. Damn it!

"W-wala ah! K-kung ano-anong pinagsasabi niyo!" nauutal na sabi naman ni tomboy at dali-daling tumayo. Tumayo na din ako at seryoso silang tinignan.

"Bakit ba kayo nandito?" tanong ko, para hindi na sila magtanong pa at para malihis ang usapan.

"Hinahanap namin kayo dahil andiyan na sila Nanay at Tatay at kakain na." sabi ni Hera sabay tingin ng nagtatakha sa akin. Tumango naman ako at walang lingon-lingon na naglakad na palayo. Um-acting ako na parang hindi kinakabahan pero sa loob-loob ko ay parang hina-hammer na ni Thor ang puso ko. Muntik na yun ah! Shit! Kinabahan talaga ako dun ah! Tsk!

Lakad lang ako nang lakad kaya hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa bahay. Kung hindi pa nagsalita si Niel, hindi ko namalayan.

"I saw that, One. Nah! You're serious about her or not? I don't care kung saan sa pagpipilian, dahil alam ko naman kung saan but that's new, keep it up. You're improving." nakangising sabi niya sabay talikod. Makakahinga na sana ako ng maluwag ng bigla na naman siyang humarap. "Oh by the way, I just want to share to you my brilliant idea. Want to hear it? It says Dhara plus One, equals DhaOne. Nice, bagay na bagay." he said, grinning. He winked at me before turning his back on me. Fuck it!

---

Thank you for reading!

Lost StarsWhere stories live. Discover now