Chapter 13: Girlfriend

7 2 0
                                    

Dhara's POV

ARGHH! Shet na malupet! Kainis. Panira ng araw. Yung One na yun napaka yabang sabihan ba naman akong... Argghh! Taena.

Inis akong naglalakad pabalik ng bahay ng makita ko sila Naila at Luna na magkasama. Lumapit ako sa kanila at nakita naman nila ako.

"Oh! Dhara. Sa'n ka galing?" tanong ni Luna at halatang inis din siya pero parang mas inis si Naila, dahil ikot ng ikot ang mga mata nito at bulong ng bulong.

"Ah! Diyan lang," walang ganang sabi ko.

"May nangyari ba?" tanong niya pa.

"Ha? Wa-." magsisinungaling na sana ako ng putulin ako ni Naila.

"Wag ka'ng magsinungaling Dhara, 'di bagay." sabi niya.

"Sige na nga!" huminga ako ng malalim at nagsimula ng sabihin ang mga hinanakit ko. "Bwesit kasi yung One na yun eh! Walang hiya, kainis. Taena! Sarap upakan, panira ng araw. Laitin ba naman ako. Kin*ina niya! Sarap pata-."' hindi ko na natapos ang pagwawala ko ng batukan ako ni Luna.

"Woi! Dahan dahan lang, para kang si Nanay." sabi niya.

"Tsk! Bwesit kasi eh."

"Ano bang ginawa niya sa'yo?" tanong ni Naila.

"Ganito kasi yun." huminga muna ako ng malalim bago ko kiwenento lahat ng nangyari.

Flashback!

Hinahanap ko yung mga kapatid kong nagsialisan ng malaman nila yung tungkol sa mga lalaking biglang sumulpot na lang dito sa isla.

"Haysst! Nasan na kaya yung mga yun? Paalis alis pa kasing nalalaman eh! Bahala nga sila diyan."

Nang mapagod ako ay umupo ako sa isang sirang kahoy at nagpahinga. Habang nagpapahinga ako ay pumulot ako ng bato at binato ito kung saan. Habang ginagawa ko ito ay nag-iisip ako ng mga posibleng mangyari dahil sa nalaman namin, nawala ako sa pag-iisip ko ng may narinig akong nagsalita.

"Ouch!" sabi ni... One. "What the fu*k!" inis na sabi niya habang nakahawak sa... Puwet niya. HAHAHA! Yun ba yung tinamaan ko?

"Hala! Pasensiya na!" paumanhin ko. Sabay lapit banda sa kaniya.

"What the hell are you doing? Huh? Damn." aba! Minumura niya ba ako?

"HOY! Nakalunok ng libo libong glutang lalaki ka! Minumura mo ba ako?" inis na sabi ko habang tinuturo-turo siya.

"What? What did you say?!" sigaw niya.

"Sabi ko mukha kang GLUTA!" walang hiya siya, minumura niya ako? Taena.

"Hey! You!" sabi niya sabay turo sa akin. "The girl who looks like a pig and smell like a fish. Shut up!" inis na sabi niya, hanudaw? Baboy? Isda? "Do you understand or do you want me to translate it in tagalog?" tangna! Ano bang pinagsasabi niya? "Oh! Looks like you didn't understand what I'm saying. Okay I'll translate it." nakangising sabi niya. Taena. "Mukha kang baboy at amoy isda ka. Naintindihan mo na ba?" nakangising pa ring sabi niya.

Ano daw? Mukha akong baboy at amoy isda ako? Taena. Nilalait niya ba ako? Shit! Nilalait niya nga ako. Kin*ina ka.

"Anong sinabi mo? Mukha akong baboy at amoy isda?" inis na tanong ko.

"Yup! Any problem with that? I'm just telling the truth." nakangisi pa ring sabi niya. Kalma Dhara! Wag kang papaapekto.

"Ekskyusmi lalaking nakainom ng  libo libong gluta, wala kang karapatang sabihan ako ng ganiyan. For your information naliligo ako araw araw at ang payat payat ko kaya, tapos sasabihan mo ako ng ganiyan. Langya! Tangna!" buti na lang narinig ko yung linyang 'for your information' sa tv kaya hindi ako mapapahiya.

Lost StarsWhere stories live. Discover now