Chapter 10: New Home

19 5 0
                                    

Venus POV

Sumunod na kami kay nanay nung pumasok na siya sa loob. Hindi ko 'din alam kung bakit ang init init ng dugo nila Amethyst 'dun sa pitong lalaki na yun mukha naman silang mababait, guwapo pa. HEHEHE. Pero medyo nakakairita nga sila.

"Woi. Ano iniisip mo? Bakit ngingiti ngiti ka 'diyan?" tanong ni Luna. Paki-elamera talaga to. Tsk!

"Wala, bakit?"

"May problema ka ba?"

"Madami, gusto mo share tayo?" pangbabara ko. Inirapan niya naman ako at bumulong bulong.

"Siya na nga lang itong kinakamusta ganyan pa? Tss." Bumulong pa 'dinig naman. Tss.

Lumapit kami sa hapag at nagmano kay tatay. Nang makaupo na kami at handa na sanang kumain ng biglang magsalita si tatay.

"Oh! Sino sila?" takang tanong ni tatay kay nanay.

"Ah! Oo nga pala, halika kayo mga hijo. Saluhan niyo kaming kumain." tawag ni nanay dun sa mga lalaki atsyaka siya bumaling kay tatay. "Ay! Mga dayuhan sila, pero hindi ko alam kung saan nanggaling at kung ano ang nangyari sa kanila kung bakit sila napadpad sa ating isla."

Nang makaupo na yung mga lalaki sa tapat namin ay napataas ang kilay ko ng sinandukan sila ni nanay ng pagkain.

"Nayy! Hindi na sila bata para pagsandukan niyo pa sila ng pagkain." wala sa sariling sabi ko. Nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay nanlaki ang mata ko at dali daling humingi ng tawad. "Pataw-." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita yung nasa tapat ko.

"Kami na po! Salamat po." magalang na sabi niya kay nanay tsyaka siya tumingin sa akin. Shemss! Ang guwapo. "Sorry." sabi niya. Napayuko naman ako. Nakakahiya! Ang bastos mo Venus.

"Kumain na tayo." sabi ni tatay kaya nagsimula na lang kaming kumain.

Habang kumakain ay nadatnan kung nakatingin sa akin yung lalaki na nasa tapat ko. Nakakailang kaya umiwas ako ng tingin, buti na lang nagsalita si tatay kaya napunta doon ang atensyon nila kasama na siya.

"Ako nga pala si Robert Macalalad at ito naman ang aking asawa na si Raquel Macalalad." nakangiting sabi ni tatay.

"Ah! Napakaganda naman po ng inyong pangalan." magalang na sabi nung lalaki na pinakamatangkad sa kanila, yun ata yung Rille? Rille ba yun? Nagpakilala na sila kanina eh. Nue bayan!

"Salamat hijo." sabi ni tatay sabay tingin sa amin.

"Siya nga pala ito nga pala ang aking mga anak. Ang panganay na si Amethyst Lheyan." pakilala niya kay Amethyst sabay turo. Wala namang pakielam si Amethyst at nagtuloy tuloy lang sa pagkain. Sungit talaga! "Sumunod ang kambal ko na anak na si Hera Iana at si Venus Aliyana." sabay turo niya sa amin ni Hera. Ngumiti naman ako ng kaunti ganon 'din si Hera. "Sumunod din ang isa ko pang kambal na anak na sina Calista Denize at Dhara Elize." sabay turo niya ulit kala Calista katulad ni Amethyst parang wala lang kay Calista ngunit si Dhara ay ngumiti ng konti, nang makita niyang hindi man lang pinansin ni Calista ay siniko niya ito. Tss. " At ang mga bunsong anak ko na kambal 'din ay sina Naila Cataline at Luna Nathaline." sabay turo niya din kila Luna, pero hindi man lang pinansin ni Luna ang sinabi ni tatay o ang mas malala pa ay hindi niya ito narinig dahil abala siya sa paglamon. Ang hilig niya talaga lumamon. Nag-angat naman ng tingin si Naila at tumango tsyaka niya siniko si Luna.

"Woi. Pinapakilala ka ni tatay." sabi niya sabay siko ulit sa busy-ing busy na si Luna sa pag lamon. Inis naman na tumigil si luna sa pag-kain at nilingon si Naila.

"Oh! Anong gagawin ko? Mag tambling?" sarkatikong sagot naman niya. Sabay silang umirap tsyaka tumuloy sa pagkain. Kahit kailan talaga! Hayy!

"Napakaganda naman po pala ng kanilang mga pangalan katulad nila." nakangiting sabi nung kanina pa tinitignan ng masama ni Calista. Yun yung Shin!

Lost StarsWhere stories live. Discover now