Chapter 8: Island

13 2 0
                                    

Hi Purple's 💜. In this chapter papasok na yung mga bagong character. HEHEHE. I hope you like it. love you all!

---

Amethyst Lheyan Macalalad
Hera Iana Macalalad
Venus Aliyana Macalalad
Dhara Elize Macalalad
Calista Denize Macalalad
Naila Cataline Macalalad
Luna Nathaline Macalalad

Amethyst- panganay (26)
Hera & Venus- kambal (25) mas matanda si Venus.
Dhara & Calista- kambal (23) mas matanda si Calista.
Naila & Luna- kambal (22) mas matanda si Naila.

(hindi po sila magkakamukha!)

Author's POV

NAGLALAKAD ang pitong magkakapatid na babae sa tabi ng dagat ng madaling araw upang hintayin ang kanilang ama galing sa laot.

Sila'y nakatira sa isang isla na sobrang layo sa syudad. Magkakalayo ang mga bahay at tanging pangingisda lamang ang hanap buhay.

"Ang sarap ng simoy ng hangin." biglang sabi ng nakangiting sabi si Dhara.

"Oo nga, napakalamig pa." nakangiti ding sagot ni Hera.

"Maupo muna tayo doon at pagmasdan ulit ang pag labas ng araw." aya naman ni Calista.

"Mabuti pa nga." sagot naman ni Venus.

Nakaupo na sila sa buhangin at nakaharap sa dagat. Tahimik nilang pinagmamasdan ang langit ng magsalita ang panganay sa kanilang magkakapatid.

"Maligo tayo mamaya sa dagat pag lumiwanag na habang naghihintay kila tatay." nakangiting sabi niya.

"Sige!" sabay sabay na sabi nila.

Nang lumiwanag na ay napangiti sila dahil nasilayan na naman nila ang panibagong araw, para sa kanila ay simbolo ito ng pani bagong pag-asa at pani bagong buhay. Nagkatinginan naman sila at napangiti, sabay sabay silang tumayo at tumakbo papuntang dagat.

"Wag mo kong basain Luna." sabi ni Naila sa kaniyang kakambal na si Luna.

"Maliligo kaba Naila?" parang wala sa sariling tanong naman ng kakambal niya. Napakunot namana ng noo niya.

"Tanga kaba? Syempre, ano bang ginagawa sa dagat?" Natatawang tanong niya.

"Ako pa talaga yung tanga, eh ikaw nga ang nagsabi diyan na wag basain eh maliligo ka rin naman pala. Anong pinagkaiba nun? Nagtatanong kapa kung ano bang ginagawa sa dagat? Siguro nagpapatuyo, tsk!" natawa naman sila sa kakulitan ng dalawa. Inirapan naman siya ni Naila.

"Tama na nga yan maligo na lang tayo." pag aawat ni Amethyst sa kanila.

Habang naliligo sila at nagkukulitan ay may napansin si Dhara, Luna at Naila na isang balsa sa hindi kalayuan.

"May balsa dun oh, parang may tao. Tara puntahan natin." pag aaya ni Luna sa kanila.

"Wag na baka mamaya may mangyaring pang masama, umuwe na lang tayo. Tara na." sabi naman ni Amethyst.

"Hala! Oo nga parang may tao, tara tignan natin." sabi naman ni Dhara at hindi pinansin ang sinabi ni Amethyst.

"Tara!" Pag sang ayon nila Calista.

"Tsk! Pag may nangyaring masama lagot talaga kayo sa akin." naiinis na sabi Amethyst.

"Wag ka ngang KJ! Amethyst." sabi ni Hera. Umirap naman si Amethyst.

Lumapit sila sa nakita nilang balsa at tinignan kung anong meron. Nagulat sila ng biglang sumigaw si Naila.

"AHHH!"

Lost StarsWhere stories live. Discover now