Chapter 15: Wrong Move

5 2 0
                                    

Clerk's POV

KINAKABAHAN ako, natatakot ako sa magiging reaction ni Venus, paano kung masaktan siya dahil umasa siya o ako ang umaasa dahil asa naman ako kung gusto niya ako, kakarating palang namin dito sa isla nila gusto na niya agad ako? Pero malay ko... Aish! Napaka assumero ko na.

Galit pa nga sila nung una nila kaming makita at hanggang ngayon naiinis pa din sila sa amin, paano siya magakakagusto sa lagay na yan? Haysst! I like her, I admit it. The first time I saw her nabighani na ako sa kaniya.

Naglalakad kami at hinahanap sila, sobrang kinakabahan na talaga ako, hindi ko alam kung makakapagsalita pa ako pag kaharap ko na siya. Ba't ko ba kasi sinabi yun? Langya naman oh!

Napatingin ako kay Kuya Niel ng sikuhin niya ako, nginusuan niya yung nasa harap namin kaya napatingin ako dun. Lalo akong kinabahan ng makita ko sila sa harap namin, nakatingin sa akin si Venus at ngitian ako. Fudge! This is it, I need to do this.

"May sasabihin ako," sabay na sabi namin ni Venus.

"Sige ikaw na muna," sabay ulit na sabi namin. Nagkatinginan naman kami, sabay kaming umiwas ng tingin ng tumikhim si Ame.

"Mauna kana Clerk." sabi ni niya, tumango naman ako.

"Mag eexplain lang sana ako," sabi ko ng nakayuko, "Sorry kasi nagsinungaling ako," dagdag ko sabay tingin sa kanila, what with that look? Bakit parang namghihinayang sila at bakit parang malungkot si Venus? "Wala talagang namamagitan sa amin ni Venus, sinabi ko lang yun dahil wala siyang masabi at yun lang yung naisip kung paraan. Hindi niya naman kasalanan yun, ako ang may kasalanan, kaya sana wag kayong magalit sa kaniya. I'm sorry." pagpapatuloy ko sabay tingin kay Venus na nakatitig din sa akin, mukha na siyang iiyak dahil nanunubig na ang mga mata niya, is she going to cry? Nginitian ko siya pero hindi niya ako nginitian, is she mad at me? What did I do?

"Ah ganun ba, sige." malamig na sabi niya sabay walk out. Habang naglalakad siya palayo nakita ko siyang nag punas sa mukha niya. Is she crying? Fudge!

"Venus," tawag ko sa kaniya pero hindi na niya ako nilingon. Tinignan ko naman sila Amethyst at bigla akong kinabahan ng makita ko silang dissapointed na nakatingin sa akin.

"Anon-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko when Ame cut me.

"Sorry Clerk, pero pagsisisihan mo 'to, sinayang mo lang." nanghihinayang na sabi ni Ame.

"Boto pa naman kami sa'yo." sabi naman ni Luna. Siniko naman siya ni Naila.

"What do you mean?" naguguluhan na ako, ano bang pinagsasabi nila? Don't tell me...

"Gusto ka ni Venus." wala sa sariling sabi ni Dhara, tinakpan naman agad nila Calista ang bibig niya. Did she just said that Venus likes me too? For real?

"Ah, mauuna na kami." nagmamadaling paalam ni Hera, tatanungin ko pa sana sila kaso kumaripas na sila ng takbo.

Tumingin naman ako kila Kuya Rille at parehas din ang mga mukha nila, mga nanghihinayang. This is all my fault!

"Did she just said that... Venus likes me too?" tanong ko. Tumango naman si Kuya Rille.

"Absolutely." sagot niya. Shit!

"You missed the chance Clerk." sabi naman ni Kuya One.

"What did I do?" naiinis na tanong ko. "I hurt her." naiinis pang sabi ko. Naiinis ako sa sarili ko!

"I think, she's going to confess her feelings to you kanina." sabi naman ni Jairus.

"What should I do then? Is she going to forgive me?" umaasang tanong ko. Nagkaroon naman ng katahimikan.

Lost StarsWhere stories live. Discover now