Chapter 7: EVENT

14 3 0
                                    

Rille's POV

Nandito kami sa sasakyan at si Shin ang nagdadrive. Pagdating namin sa bahay ay mag aaya na sana akong magpahinga pero biglang nagsalita si Shin.

"Let's drink! Gusto kong uminom parang ang tagal ko ng hindi umiinom eh!" sabi niya at
sabay tingin sa amin. "Ano game?" masiglang sabi niya. Alam ko naman na gusto niya lang mapagaan ang loob ko. Napangiti naman ako.

"Yes!" sabay sabay na sabi nila.

"Tara na!" sabi ni Niel sabay akbay at hila sa akin papunta sa bar nitong bahay.

Nakarami na din kami ng iniinom kaya medyo lasing na sila pero ako para hindi tinatablahan ng kalasingan. Kung ano ano na ang sinasabi nila, na hindi daw ako naniniwala sa kanila na niloloko lang ako ni Irene at kung ano ano pa.

"Shabi ko*hik*naman kashi shayo Rille eh*hik*, niloloko ka lang ni Irene*hik*sabi ni Shin at halatang lasing na talaga siya.

"Kuya Rille, wag ka*hik*na malungkot*hik* she does'nt *hik* desserve *hik* you." sabi naman ni Clerk. Hayysst!

Naiinis ako sa sarili ko dahil nagdadrama pa ako dito at hindi naniwala sa mga kaibigan ko kahit alam ko simula pa lang na niloloko na ako ni Irene at ni Jackson. Nagbubulag bulagan lang ako o cliche mang sabihin pero nagtatanga-tangahan lang ako. Napabuntong hininga ako at inalala ang mga panahon nagpaka-tanga ako.

Flashback!

Nagsimula ang pagiging tanga ko nun ng pumunta ako sa condo niya. Pagkadating ko sa condo ni Irene ay bumaba na agad ako sa kotse ko at nagtaka ako ng makita ko ang kotse ni Jackson malapit sa pinagparkan ko. Napailing na lang ako at inisip na baka kapareho lang nito kaya nagsimula na akong maglakad papasok ng condo, papasok na sana ako ng makita ko si Jackson na palabas ng building. Napailing na lang ulit ako at inisip na may pinuntahan lang siya dito.

Pagkapasok ko sa condo unit ni Irene ay hinanap ko siya at natagpuan ko siya sa kuwarto niya na may kausap sa phone at tinawag niya itong hubby, at nung tinanong ko siya ay halatang kinakabahan siya. Nung pagtawag niya sa akin sa pangalan ko nung nagpapaalam siyang pupunta siya ng Vigan.

Pagbabakasayon niya sa Vigan kahit na tinanong ko si tita na mommy ni Irene na hindi naman daw sila pumunta doon at si Irene lang daw. Pagkakita ko sa kaniya na may kahalikan malapit sa subdivision nila Jackson, at pagkakita ko din sa kaniya sa mall na may kasamang iba at sakto ding nakita ko si Jackson doon. At nung na wrongsend siya kanina. At madami pang iba.

End of flashback!

Dapat simula pa lang naniwala na ako sa mga kaibigan ko. At sana simula pa lang naniwala na ako sa sarili ko. Tsk!

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko at napangiti dahil tulog na pala sila. Si Shin nakasalampak sa sahig, si One nakayuko sa lamesa, si Niel nakabaluktot sa pang isahang sofa, Si Andrex at Clerk naman ay nasa mahabang sofa at nag sisiksikan, si Jairus naman ay nakasandal sa pang isahang sofa. Napailing naman ako at natawa sa kakulitan nila. Napabuntong hininga ako at tumingin sa mga kaibigan ko sabay ngiti.

Thank you guys! For being there for me!

Kahit hindi niyo man sabihin alam kong nag aalala kayo para sa akin, and I'm so stupid dahil hindi ako naniwala sa inyo, Tsk!
I love you guys! Ugh! So corny. Tss.

---

November 24, 2019, One day to go gaganapin na yung event at two days na din simula nung nag break kami ni alam niyo na, ayoko ng banggitin at marinig pa ang pangalan niya. I'm not bitter, nasaktan lang talaga ako.

Lost StarsWhere stories live. Discover now