Chapter 6: Break Up!

15 3 0
                                    

Rille's POV

ANG ganda ng umaga ko ngayon kaya maaga akong nagising, 'good morning handsome' hay naku! Nahawa na ako kay Shin.

Bumangon na ako at pumunta sa cr para mag ayos, nagtoothbrush ako at naghilamos pagkatapos napatingin naman ako sa salamin, hayssst! 'Ang guwapo mo Rille kaya inlove na inlove sayo ang girlfriend mo eh' tsk!

Napa iling iling naman ako nahawa na talaga ako kay Shin. 
Bumaba na ako, hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko at balak ko sanang magluto ng makita ko si Shin sa table na nagkakape at nag babasa nang diyaryo, nakalapag na din ang iba't ibang putahe sa lamesa. Sabi ko nga eh! mas maganda ang gising niya.

Lumapit ako sa kaniya at binati siya, pero tiningnan niya lang ako ng seryoso. Sabi ko nga eh 'di maganda gising niya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Mamaya na nating pag usapan pag kumpleto na tayo."

"Okay!" napabuntong hininga na lang ako. Ano na naman kaya ang problema? Minsan lang yan magseryoso kaya posibleng malala ang problema.

nagtimpla nalang ako ng kape, lalapitan ko sana si Shin nang mag si datingan na din ang iba sa kusina. Nakaupo na kaming lahat at handa ng kumain ng magsalita si Shin.

"We need to talk guys!" Seryosong sabi niya.

"For what?" takang tanong ni Jairus.

Napabuntong hininga naman si Shin.

"Andrex kuwento mo sa kanila."

Kwinento nila ang  nangyari kagabi, yung bumangga kay Andrex nung papunta siya sa cr at pag sabi nito ng Get Ready, tapos yung pag masid nito sa kaniya at pag ngisi bago ito umalis.

"Baka naman Andrex mali yung narinig mo, baka hindi para sayo yun! Remember nasa club tayo malay mo may naguusap na iba or may kausap siya bago kayo magbanggaan o kaya baka narinig mo lang sa iba at dahil siya ang kaharap mo inisip mo na siya yun!" mahabang lintaya ni Clerk.

Napa isip naman kami, tama nga naman siya, club yun kaya posibleng may ibang naguusap at narinig niya lang yun or may kausap tong iba.

"Oo nga ano?" ani ni Andrex.

"Tama si Clerk, masyado lang tayong paranoid!" sabi ni Shin.

"Ikaw lang! hindi kami!" pangbabara ni Niel sa kaniya. Nagsitawanan naman kami.

Habang nag tatawanan kami napansin ko si One na seryoso lang na nakatingin sa baso. Anong problema niya?

---

Three days to go! Aishh! Three days na lang magaganap na yung event, I'm excited but I'm also nervous. Ready na kami naayos na namin yung mga gagawin namin kaya binigyan kami ng three days para magpahinga.

Hindi ko na nakakausap si mahal, last time we talk ay yung nagpaalam siya na pupunta siya sa Vigan. Ah! Oo nga pala ngayon ang uwe niya! Should I surprise her? Or call her to know if she's already here? Wag na lang baka nagpapahinga pa siya, bukas na lang pagkatapos kong pumunta sa birthday party ni Jackson.

"Kuya Rille, tara na!" ayy! Oo nga pala aalis kami!

"Sige wait lang!" nagmadali akong magbihis, buti nalang nakaligo na ako kanina. Pagkabihis ko bumaba na agad ako at inaya sila, buti hindi sila nainip.

"Kuya Shin ikaw magdrive!" sabi ni Andrex.

"Sige!" sagot naman ni Shin.

"Where are we going?" tanong ko.

Lost StarsWhere stories live. Discover now