Chapter 21: Surprise

24 2 0
                                    

Ito na po ulit guyss! Kapit langsssss! HAHAHA!💜

Enjoy your reading!

Naila's POV.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Pang-isangdaang milyon ko nang tanong sa kaniya. Ba't kasi ayaw niyang sabihin sa akin?Pusa. Tapos nakapiring pa ang mga mata ko.

"Saglit lang, kalma ka lang, malapit na tayo!"

Kinginang malapit yan! Kanina pa yan ah! Isa pa talaga at hahalikan ko na 'to. Charot! Lande mo, selp!

"Okay," sabi ko na lang baka kasi makain ko na siya e! Charot ulit! Naku! Sumasapi sa akin ang espirito ng kalandian ni Hera.

Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa huminto na rin kami. Grabe 'yun pala ang 'malapit' sa kaniya?

"Andito na tayo," sabi niya na kanina ko pa hinihintay. Salamat naman.

"Asan ta—" hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko ng tanggalin na niya ang piring sa mga mata ko.

"Surprise!" masayang sabi niya. "Nagustu—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang makita niya lang akong naka-tayo dito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa harap ko.

"Ayaw mo—" hindi na niya ulit natapos ang sasabihin niya nang makita niyang tumulo na ang mga luha ko. "Hey! Why are you crying? Shit!" kung ano-ano pa ang sinabi niya, napahinto lang siya ng bigla ko siyang niyakap.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang mga katagang nakahugis gamit ang mga halaman na idinikit sa mga nakaletrang kahoy.

I LIKE YOU.

'Yan... 'yan ang nakalagay, hindi ako ganun katanga para hindi malaman ang mga katagang yan. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ng makita ko yun, siguro dahil ngayon lang nangyari 'to sa buong buhay ko o kaya siguro dahil pareho kami ng nararamdaman.

GUSTO KO SIYA.

Inaamin ko gusto ko siya, nung unang kita ko pa lang sa kaniya may iba na akong naramdaman. Nang mapagtanto ko yun ay iniwasan ko siya, kaya lang naman ako nagsusungit sa kaniya dahil naiinis ako sa sarili ko, sa nararamdaman ko. Pero sabi nga nila pag iniwasan mo lalo ka lang mahuhulog, kaya eto umiiyak ako dahil sa kasiyahan sa bisig ng lalaking gusto ko at gusto rin ako.

"Hey! Why are you crying? Shit! Ayaw mo ba? Kung ayaw mo aalis na lang tayo. A—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng magsalita na ako.

"Gusto rin kita, Jairus!" sabi ko habang nakayakap sa kaniya, nanigas naman siya sa kinatatayuan niya.

"Anong sabi mo?" gulat na sabi niya, tumingin naman ako sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata niya.

"Tamad na akong magsalita kaya bahala ka sa buhay mo!" pang-aasar ko sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Sasabihin mo o aanakan kita?"

Taena! Advance mag-isip! Puwede kiss muna? Bata pa ako e! Charot!

"Natatakot ako grabe!" sarkastikong sabi ko, nginisian naman niya ako.

"Gusto mo talaga ah!" lalapit na sana siya ng itulak ko siya sa mukha niya.

"Oo na, sabi ko gusto din kita. Ano, saya ka na?" sabi ko, napangiti naman siya nang malaki.

"God, you don't know how happy I am right now, Naila." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Akala ko ayaw mo sa surpresa ko kaya gano'n ang naging reaksiyon mo." kunyareng malungkot na sabi niya.

"Sinong hindi magugustuhan ang hinanda mo, aber?" sabi ko sabay irap sa kaniya, sino ba naman kasi ang aayaw sa hinanda niya na napakalupet.

Napangiti ulit ako at pinagmasdan ang pinaghirapan niya para sa akin, nandito kami sa may malaking acacia, sa puno may nakasabit na 'I LIKE YOU' sa sanga na gawa sa kahoy na niletra at dinikitan ng mga dahon at bulaklak, lalo pa itong gumanda dahil sa mga magagandang ilaw na nanggagaling sa mga alitaptap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost StarsWhere stories live. Discover now