Chapter 20: Peace Offering

17 3 0
                                    

Naila's POV

"Hoy! Tara na kasi!"

Pusang-ina talaga! Kanina pa tong lalaking 'to ah, 'di na ako tinigilan.

"Ayoko nga sabi eh! Kung gusto mo ikaw na lang!"

Kaonti na lang talaga at masasapak ko na 'to.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong samahan ha?! Naila?!" kunyareng nasasaktan na sabi niya.

"Pusang gala naman! Tigilan mo nga ako! Kung gusto mong pumunta sa kung saan, pumunta ka mag-isa mo. Lumayo-layo ka nga sa tabi ko. Nakakairita!" naiiritang sabi ko sabay tingin ng masama sa kaniya.

Napayuko naman siya sa sinabi ko at parang napahiya. "Sige, sorry!" nakayukong sabi niya at syaka siya umalis sa tabi ko.

Wala naman akong ginawang mali pero bakit nakokonsensiya ako? Arghhh!

"Woi naano yun?" tanong ni Luna sa aking nang makasalubong niya si Jairus na malungkot at nakayukong naglalakad palayo.

"Ha? Ewan, hayaan mo siya." sabi ko na lang at tinutuloy na ang ginagawa ko.

Gumagawa kasi ako ng bracelet gamit ang mga perlas na nakuha nila Tatay kanina sa pangingisda.

"Kanino mo ibibigay yan?" tanong ni Luna na nakatingin na sa ginagawa ko.

"Ah! Kay ano... kay—"

"Kay?" nakangising tanong ni Luna. Kingina! Alam na nga niya, inaasar pa ako!

"Kay satanas!" nakangising sabi ko inirapan naman akong ng walanghiya.

"Seriously, Naila. Tell me, kanino nga?" aba nag-e-English na ang bruha.

"Aba, may pa-seriously-seriously ka na ngayon ah! Anong kinain mo?" tanong ko sa kaniya para malihis ang usapan.

"'Wag mo akong uutakan, Naila. Hindi mo ako mauutakan! Kanino?" sabi ko na nga eh, hindi ko siya mauutakan.

"Kay Jairus, okay na? Masaya kana?" sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Sabi na eh!"

"Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?"

"Gusto ko marinig sa 'yo e!" ang gulo talaga neto! "Bakit mo pala siya bibigyan niyan?" tanong niya ulit. Ang kulit kulit talaga neto. Kakambal ko ba talaga 'to?

Pero oo nga, 'no? Bakit ko siya bibigyan ng ganto? Aishh! Taena! Anong nagyayare sa akin?

"Wala lang. Masama bang bigyan siya ng ganito? Wala lang akong magawa kaya bibigyan ko siya neto, may masama ba? Wala naman, 'di ba? Tinatamad kasi ako e! Kaya gumagawa ako ng ganito!" mahabang sabi ko na ikinatawa naman niya tsaka siya ngumiti ng nakakasar.

"Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo, Naila?" nakangiting asong tanong niya.

"Hindi ko kinukumbinsi ang sarili ko." sabi ko sabay patuloy sa ginagawa ko.

"Talaga? "'Wag mong lokohin ang sarili mo, kambal. Nakakabaliw 'yan." huling sabi niya sabay tayo at hawak sa balikat ko bago umalis.

Hindi ko siya tingnan pero nang maramdaman kong wala na siya ay tsaka lang ako napahinga nang malalim at kung ano-ano na ang lumabas sa isip ko.

"Haysst! Ano bang nangyayari sa akin? Kainis naman eh! Argh! LUNA!" naiinis na sigaw ko.

"Hoy, ang ingay mo!" natatawang sigaw naman ng bruha. Bwesit 'di pa pala nakakaalis.

"Kingina mo!" inis na sigaw ko sa kaniya.

"Mahal din kita!" natatawang sigaw naman niya pabalik. Bwesit talaga!

Lost StarsWhere stories live. Discover now