Chapter 19: Deal

6 2 2
                                    

Rille's POV

Time flew so fast, just like a meteor in the sky. Yeah! Magwa-one week and a half na kami dito at andami na naming pinagdaanan, pero hindi pa rin kami nagkakasundo. Haysst! I admit it we're acting like a kid. Ewan ko ba. I'll talk to them and make a deal.

"Woi!" nakangiting bati ni Luna. Sa mga panahon na yun, nagkasundo kami ni Luna. She's cute and nice, may pagka-sadista nga lang minsan. Actually, silang lahat!

"Hey!" I greeted her too. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko malapit dito sa bintana.

"Lalim ng iniisip natin ah! Kindly, tell me what's-ah basta, sabihin mo na lang sa akin kung anong iniisip mo. Kingina dumugo ilong ko dun ah!" hirap na hirap na sabi niya na ikinatawa ko naman. Napahawak pa siya kunyare sa ilong niya. She's funny!

"We want to make a deal with you and your sisters to have peace in this house, so... if it's okay to you, can you help us? I know that it will be easier if you're here." mabilisang sabi ko. Napanganga naman si Luna.

"Huh?" nakangangang tanong niya. Napakamot naman ako sa noo ko bago nagsalita.

"I'm sorry, ahm.. Sabi ko, puwede mo ba kaming tulungan na kausapin 'yung mga kapatid mo para magkasundo na tayo dito sa bahay na 'to." paliwanag ko.

Tumango-tango naman siya. "Oo naman," nakangiting sabi niya dahilan para gano'n din ako. "Gusto ko na rin kasi magka-ayos tayong lahat, kaya lang, mahihirapan tayo kay Venus e! Sigurado akong magiging mailap yun kay Clerk, pero malay natin. Kailan ba?" dagdag niya pa.

"Ngayon sana, ano, tara na?"

Tumango naman siya nang tumango habang nakangiti! So cute! "Sige!"

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa dagat dahil nandoon 'yung iba pa. Nang malapit na kami sa dagat ay biglang huminto si Luna at nagtatakhang tumingin sa akin.

"Teka! Saan tayo pupunta?" tanong niya habang nakatingin sa kung saan. Tinignan ko naman ang tinitingnan niya at napangiti ako nang malaman ko kung saan siya nakatingin, kay Andrex.

"Ah, pupunta tayo dun sa tabing dagat dahil andun 'yung mga kaibigan ko."

Napangiwi naman siya sa sinabi ko. "Akala ko ikaw lang?" nakangiwing tanong niya.

Napailing naman ako. "Kasama natin sila." sabi ko sabay lahad ng kamay sa kaniya na nakaturo sa mga kaibigan ko. "Tara na?" tanong ko.

Tumango-tango naman siya at nagsimula na ulit kaming maglakad. Nang makalapit na kami sa kanila ay nginitian at binati nila si Luna.

"Hello Luna/Hi Luna!" sabay-sabay na bati nila, maliban kay Andrex na ngumiti lang nang tipid kay Luna.

"Pumayag siya?" tanong ni Andrex. Tumango naman ako. Wala talaga sa plano namin na isama si Luna, kaya lang nang lumapit siya sa akin, naisip ko na mas mapapadali ang gagawin namin at mabait naman si Luna kaya maiintindihan niya 'yun.

"Tara na?" nagsitanguan naman sila at nagsimula nang mag-tayuan.

"Teka! Asan ba sila?" tanong naman ni Jairus. Nang hindi sumagot si Luna ay nag-tanong ulit ako.

"Luna sa'n sila?" tanong ko sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay nakatulala lang siya sa kung saan kaya kinalabit ko na. "Luna."

"Ah! Andun sila sa batis." gulat na sabi niya.

"Batis?" sabay sabay na tanong namin.

"Oo." nakangiwing sabi niya. Nagtatakha siguro kung bakit kami excited nang marinig ang batis. Paano ba naman kami hindi magugulat eh gustong gusto namin ang mga batis, dahil napakalinis nito.

"Saan?" tanong ni Shin.

"Doon malapit sa mga puno, tara?" tanong niya kaya tumango naman kami.

"Let's get it!" sabi ni Niel at halatang excited.

Lost StarsWhere stories live. Discover now