Prologue

6.5K 77 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Maaga akong nagising para paghandaan ang graduation ceremony ko ngayong umaga. Sa wakas sa kabila ng lahat ng paghihirap ko makaka-graduate na rin ako sa kursong Bachelor of Science in Nursing.
Sa totoo lang kasi, hindi kami mayaman. Tulad ng ibang estudyante, naranasan kong magutom dahil wala akong baon. Naranasan kong maglakad ng isang kilometro makarating lang sa school dahil kulang ang pamasahe.
Kaya para matustosan ang pang-tuition ko at iba pang gastosin sa school napilitan si Tatay na mangutang sa isang loan shark sa lugar namin.
Napakahalaga sa akin ng araw na ito. Finally, makakabayad na rin kami sa mga utang namin once na makahanap ako ng trabaho.
Maliit lang ang bahay namin na karugtong naman ang maliit na karinderya kung saan kami kumukuha ng gastosin sa pang-araw-araw. May dalawang kwarto ang bahay namin. Isa kay nanay at tatay at ang isa naman ay para sa aming dalawa ng kapatid kong si Izzy Mae. Puro kami babae ngunit nasa grade 10 pa lang ito. Dalawa lamang kaming magkakapatid kaya parang mag-bestfriend na ang turingan namin kaya alam namin ang sekreto ng bawat isa.
Nauna na akong lumabas ng kwarto dahil nagbibihis pa ang kapatid ko. Agad kong nakita si tatay habang nakatayo sa gitna ng sala at malapad ang ngiting nakatingin sa akin.
"Wow ang ganda-ganda naman ng anak ko." sabi nito sabay yakap.
"Siyempre naman mahal, sa akin nagmana ng kagandahan ang anak mo." nakangiti namang turan ni nanay.
Habang masaya kaming nag-kwekwentuhan at naghihintay sa kapatid ko ay bigla na lang kaming ginulantang ng mga armadong kalalakihan.
Saglit akong natigilan sa pagkagulat. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko nang makaramdam ng panganib.
Malakas nitong sinipa ang pintuan ng karinderya. Sarado kasi kami ngayon dahil graduation ko kaya hindi namin napansin ang pagdating ng mga ito. Unti-unting lumapit pa ang mga ito sa kinatatayuan naming tatlo at napako ang tingin nito sa akin. Bigla akong napalunok ng laway dahil sa klase ng tingin nito na parang hinuhubaran ako.
"Wow! Kanor, akalain mo nga namang may maganda ka pa lang anak." nakangising sabi ng isang pangit na lalaki na puno ng tigyawat ang mukha na hindi pa rin binawi ang tingin sa akin.
Napatingin ako kay tatay. Nababakas din sa mukha nito ang pagkagulat na may halong takot.
"A-anong ginagawa mo rito, Henry? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo dadalawin kita sa makalawa?" mahinahong sabi ni tatay pero napansin ko ang panginginig ng kamay nito sa gilid.
Ngumisi lang ang lalaki.
"Sino po ang mga iyan, tay? Bakit nila tayo ginugulo rito." lakas-loob kong sabat.
Binalingan ako ng tingin ni tatay na tila nag-aalinlangan pa.
"S-Sila ang sinasabi ko sa inyong inutangan ko ng limapung-libo para sa pag-aaral mo, anak." sagot nito.
Alam namin ang tungkol sa utang nito dahil ‘di naman inilihim ni tatay iyon sa amin.
Si nanay ay nasa tabi lang ni tatay. Wala itong imik na tila nakikiramdam lang sa nangyayari. Habang ako naman ay mas lalong sinasalakay ng takot.
"Pano ‘yan, Mang Kanor hindi ko na kayang hintayin ang pagbisita mo kaya ako na ang unang bumisita sa ‘yo at..." tumingin ulit ito sa akin at unti-unting lumapit sa gawi ko kaya authomatic akong napaatras.
"Hindi ako nagsisisi na binisita ka dahil nakita ko ang napakaganda mong anak." nakangising sabi nito sa harapan ko kaya parang bigla akong pinangilabotan.
"Wala pa akong pambayad sa ‘yo, ngayon ang graduation ng anak ko kaya sana ‘wag mo sirain ang araw niya ngayon." sabi ni tatay na may halong pakiusap.
Nabaling dito ang tingin nito kaya si tatay naman ang nilapitan nito.
"Sa pagkakaalam ko ikaw ang sumisira sa usapan. Tandaan mo ang sasabihin kong ito sa ‘yo. Mamayang alas singko ng hapon dalhin mo ang thirty thousand pesos bilang bayad sa tubo ng pera ko na inutang mo, dahil kung hindi. Ang napakaganda mong anak ang tatanggapin kong  pambayad." tumatawa pa itong parang demonyo.
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang umalis naman ito agad. Bigla ring nanghina ang katawan ko sa sinabi nito na ako ang magiging kabayaran sa utang.
"Mahal, ano na ang gagawin natin? Saan tayo kukuha ng ganoon kalaking pera?" nag-aalalang tanong ni nanay.
"Wala na akong pwedeng pagkukunan ng pera. Hindi ko alam kung paano makababayad.” Nalulumong sabi ni Tatay.
Alam kong nahihirapan ang mga ito kaya nararapat lakasan ko ang loob para sa mga ito.
"Tay, kung isangla muna natin ang karenderya sa bangko? Tapos na rin naman ako matutulungan ko na kayo." pilit ang ngiting sabi ko.
Napatingin si tatay sa akin na parang tinatantiya nito ang sinabi ko.
"Sige, kayo na muna ang umattend ng graduation. Pupunta lang ako ng bangko para mabayaran natin ang mga hayop na iyon." galit na sabi ni tatay.
Pumayag naman ako kahit ang gusto ko ay magkakasama kaming lahat sa graduation ko. Buhay at katahimikan din kasi ang nakasalalay sa pag-alis ni tatay dahil kailangan na naming makabayad.
Ang nangyari sila nanay at Izzy lang nga ang nakadalo sa graduation ko. Walang alam si Izzy sa nangyari kanina kaya sinabi ko na lang na may mas mahalagang dapat asikasuhin si tatay kaya hindi namin ito makakasama.
Nabayaran naman ni tatay ang tubo pa lang ng inutang namin kaya pansamantalang natigil ang panggugulo ng mga ito.
"Dapat makahanap agad ako ng trabaho dahil alam kung babalik ulit ang pinagkakautangan ni tatay. Natatakot ako sa pwedeng mangyari once na hindi kami makabayad ng buo." iyon ang naisip ko kinagabihan habang nakahiga. 

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now