Chapter 60

1.4K 39 1
                                    

Hanna's P.O.V.

Tatlong linggo na ang lumipas ngunit hindi parin nagigising si Dwight. Araw-araw akong nasa tabi nito. Minamasahe ko ang mga paa at kamay nito. Araw-araw ko din itong binabasahan ng libro dahil alam kong mahilig ito magbasa.

Tulad nang araw na iyon.. Nasa tabi lang ako habang nagbabasa ng libro at hawak-hawak ang isang kamay nito.

Nasa ganon kaming ayos nang biglang magdrop ang vitals nito. Nataranta ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tindi nang pag-aalala dito. Agad kong tinawag ang doktor sa pamamagitan ng buzzer na nasa loob ng kwarto. Agad namang dumating ang doktor para e-check ito.

Napa-atras ako at napasandal sa dingding habang pinipigilang huwag maiyak sa sumunod na nangyari.

"Proceed to CPR... Ready.. 150... Clear.."

"Wala parin dok"

Napasiksik ako sa may gilid habang sinusubukan nilang e-revive si Dwight. Abot langit na ang dasal ko para makaligtas ito. Tumalikod ako hindi ko kayang panoorin si Dwight na nererevive nalang para mabuhay ulit. Ang sakit-sakit sa pusong panooring nag-aagaw buhay ang taong pinakamamahal mo.

Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay unti-unti rin akong namamatay habang pinapakinggan ang tunog ng monitor.

"Ready... 200.. Clear."

"Bumalik na po ang vital ng pasyente Dok."

Doon palang ako napabalik ng tingin kay Dwight sa sinabing iyon ng isang nurse. Lumapit sa akin ang doktor na naka-assign kay Dwight. Hindi na iyon si Harold dahil nakakulong na ito ngayon.

"Stable na ang pasyente. " sabi nito at umalis kaagad kasunod ang mga nurse na kasama nito.

Agad kong nilapitan si Dwight at hinawakan ang kamay nito.

"Mhine... Alam mo bang labis mo akong tinakot ngayon.... Wag mo na ulit gagawin yon ha? Baka mas mauna pa akong mamatay. " umiiyak kong sabi dahil hindi ko na kayang itago ang sakit at paghihirap ng loob ko.

Tumingin ako sa mukha nito. Nangangayayat narin ito pero alam ko ding sinusubukan nitong lumaban. Naaawa na ako dito... Siguro pinipilit nitong mabuhay dahil sa akin.

"Dwight.. Kung nahihirapan kana... Kung hindi mo na talaga kayang lumaban.. Kung pagod na pagod kana."

Panahikbi ako o mas tamang sabihing napahagolhol na ako habang nakatingin sa nakaka-awang kalagayan nito.

"K-kung .. K-kung nahihirapan kanang bumalik sa piling ko hinahayaan na kitang matulog ng mahimbing." Nanginginig kong sabi sa pagitan ng mga hikbi.

Hindi ko na talaga kayang makita na nahihirapan ito. Lalo na nang oras na nirerevive nalang ito. Doon ko na realize na napakaselfish ko na pala. Tatlong linggo na itong naghihirap.. Tatlong linggo nang lumalaban ito dahil sinabi kong lumaban ito kahit hindi na nito kaya.

Napuno nang hagulhol ko ang silid nito. Ako lang ang nagbabantay kay Dwight ng araw na iyon kaya kami lang ang tao sa loob. Napatingin ako sa isang garapon na nilalagyan ko ng nakaroll na papel na itinali ko sa yarn.

Araw-araw may salita akong inilalagay sa papel at itinatali doon nang magkakasunod-sunod para mabasa din nito ng magkasunod kapag nagising ito. Halos mapuno ko na iyon.. Bawat papel na naroll may nakalagay doon ng mga gusto kong gawin namin ni Dwight kapag nagising ito. Mga bagay na hindi pa namin nagagawa ngunit hindi niya na yata iyon mababasa pa kaya nagdisisyon ako na ako nalang ang magbabasa para dito.

Kinuha at binuksan ko ang garapon at binasa dito isa-isa ng malakas ang mga isinulat ko doon habang hilam ng luha ang mga mata ko.

"Mhine... Gusto kong malaman mo ang mga bagay na gusto kong gawin na kasama ka... At ang sasabihin ko sayo ngayon ay ilan lang sa mga pangarap kong gawin kasama ka.

First of all.. I wanted to be your wife .. I want to spend all my life with you.. Makasama ka sa bawat oras at makasama kang tumanda. I want to travel around the world kasam ka. Magkaanak sayo ng isang dosena na kamukhang-kamukha mo. I want to tell you everyday how much you are meant to me.. How much I care for you and how much I love you... I want to date you always kahit asawa na kita e-dadate at liligawan parin kita. I want to celebrate every anniversary, pasko, new year na kasama ka... Gusto ko lagi kalang sa tabi ko kasama ng magiging anak natin dahil ayoko nang maghiwalay ulit tayo mhine
.. I want to be a good and loving wife an laging karamay mo sa lahat ng oras... I wang to be your home na mauuwian mo.. I want to laugh, cry and be happy na kasama ko... And lastly I want to die kasabay mo.... But lahat nang mga gusto kong gawin kasama ka... Tingin ko hanggang pangarap nalang lahat iyon mhine.. Plz tell me .. Paano na ako ngayon? Paano na ako mabubuhay kong aalis kana? Kung iiwan mo na ako? Kung wala kana talaga at hindi na babalik pa? Paano na ako?

Napasubsub ako sa kama ni Dwight at doon ibinuhos ang lahat ng luha ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko iniiyak ko at ang pagpaparaya dito... Ang sakit-sakit pero wala man lang ako magawa.. Paalam mahal ko... Binibitawan na kita...

Pagkasabi ko niyon agad na nagdrop ulit ang vitals nito. Nirerevive ulit ito ng mga doktor pero sa huli sumuko din ang mga ito dahil hindi na muling bumalik ang tibok ng puso nito.

"Time of death is 2:34 pm october 23, 2020." sabi ng doktor.

Napasugod ako sa wala nang buhay na katawan ni Dwight. Hinawakan ng mahipit ang kamay nito habang umiyak ng umiyak lang doon hanggang kaya ko pang umiyak. Hanggang may luha pang lumalabas sa mga mata ko hindi ako tumigil.

Durog na durog na ako.  Punong-puno na nag sugat ang puso ko ng mga panahong iyon. Halos wala na ring luhang lumalabas sa mga mata ko dahil sa kakaiyak.

Wala na siya.. Wala na si Dwight. Wala na na ang taong mahal na mahal ko. Wala na ang aking Knight na laging nanjan lalo na kapag napapahamak ako. Ano na ang gagawin ko? Hindi ko kaya...

Dwight's P.O.V.

Kahit wala akong malay narinig ko lahat ng mga gustong gawin ni Hanna kasama ako. Iyon din ang mga bagay na pinapangarap ko para dito kaya sinubukan kong lumaban.. Pinilit kong mabuhay ulit para makasama ulit ito para matupad lahat ng iyon.

Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Ilang beses kung pinikit at iminulat ang mga mata ko pagkatapos ay nilibot ko ang paningin sa kabuhan ng silid na iyon.

Nakita ko si Hanna na natutulog sa tabi ko. Umiiyak ito na parang may masamang napanaginipan. Unti-unti kong inangat ang kamay ko at inilagay sa ulo nito. Hinaplos haplos ko ang buhok nito at doon ito nagmulat ng mga mata.

Puno parin ng luha ang mga mata nito. Inabot ko ang pesngi nito para pahiran ang mga luhang iyon.

"Buhay ka diba? Bumalik kana.. Binalikan mo ko diba Dwight?" umiiyak na sabi nito habang nakatingin sa akin.

Kahit naguguluhan sa inasal nito ay sinagot ko nalang ito.

"Oo naman.. Kung may tao man akong gustong balikan ikaw iyon Hanna." nakangiti kong sagot.

Bigla itong yumakap sa akin. Mahigpit na mahigpit na akala mo ay mawawala ako kapag bumitiw ito.

"Thank you Lord... Akala ko talaga mawawala kana sa akin... I love you so much Dwight." Humihikbing sabi nito.

Ginantihan ko ito ng yakap ng mahigpit. Ako din ay masaya na nakuha kong gumising para makasama ulit ito.

"I love you too Hanna Faith..." naluluhang sabi ko.


Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now