Chapter 17

1.6K 36 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Alas 9:00 ng umaga ako nagising. Apat na oras lang akong nakatulog dahil sa pagbabantay ko buong magdamag kay Hanna. Bumaba na ako at kumatok sa kwarto nito para echeck kung tuluyan nang bumuti ang pakiramdam nito.

"Wala jan si Hanna apo... Nagpaalam siya sa akin kanina na uuwi siya ngayon." si lola iyon na kakabukas lang ng kwarto nito at naabutan akong kumakatok sa kwarto ni Hanna.

"Alam niyo po ba kung saan nakati-- ahh never mind nalang po." hindi ko ipinagpatuloy ang tanong ko dahil naisipan kung ako nalang ang mag-aalam ng bagay na iyon.

"Sige apo.. Oo nga pala nabigay ko na din kay Hanna ang sahod baka kakailanganin niya dahil wala ka kahapon." sabi nito.

Actually kagabi bago ako umuwi nagwithdrew ako ng pera mula sa atm machine na nadaanan ko para ibayad sana dito pero naunahan na pala ako ni grandma.

"Sige po grandma... Aalis na po kayo?" tanong ko nang mapansing nakapagbihis na ito. Linggo kasi ngayon.

"Oo apo... Nasa labas na ng bahay ang driver na susundo sa akin." matapos makausap si lola bumalik ako ng kwarto para hanapin ang address ni Hanna. Naalala ko kasi ang form na finill upan niyo ng pumasaok ito noon. Hinalungkat ko iyon sa drawer at nakita ko naman agad.

Pero naiisip ko bigla na kung bigla naman akong nagpakita doon baka iba ang isipin nito. Nag-isip muna ako nang gagawin bago umalis. Bandang huli naisipan kong magsuot ng sumbrero at mask para hindi ako nito makilala. Isa pa kailangan ko ding makapunta sa lugar nito para mas makilala ko pa ito kung tunay ngang mapagkakatiwalaan ito.

Pagkadating ko doon ay saktong tanghalian at maraming tao sa kanten ng mga ito. Nakita ko agad si Hanna na busy sa pagseserve sa mga taong nandoon. Nagkunwari akong customer at nag order din ng makakain. Doon ako naupo sa pinakagilid para hindi mapansin nito.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang bigla nalang nagkagulo. Lumapit na ako ng makita ko ang kaharap ni Hanna na may balak itong saktan. Kaya mabilis kong sinalo ang kamay nito tyaka pinaalis si Hanna. Sinipa ko ang lalaki at isa-isa kung pinatumba ang ilang kasamahan nito. Lahat kami ay magagaling sa pakikipag-away pero mas maggaling si Liam at Dj sa larangang iyon. Ako naman ay sa barilan nasusubukan ang galing.

Matapos mapaalis ang mga lalaki. Ibinaba ko ang buong 30thousand sa mesa. Pambayad sa mga nasira ko at nagmamadaling lumabas. Narinig kong tinawag ako ni Hanna kaya mabilis akong nagtago.

Nakita kong palingon-lingon ito sa paligid bitbit ang perang binigay ko. Siguro balak nitong isauli iyon. Nang hindi ako makita nito bumalik ulit ito sa loob. Hindi ako umalis doon at nagmamasid lang naisip ko kasing baka magsumbong ang mga iyon sa leader nila at balikan ang pamilya ni Hanna.

Hanna's P.O.V.

Nakaupo ako sa isang upuan habang nakapalibot naman sa akin sina Izzy, tatay at nanay habang hawak hawak ko ang perang iniwan ng aming knight in shining armor.

"Anong balak mong gawin jan sa pera ate?" tanong ni Izzy

"Hindi ko alam Izzy.. Napakalaking halaga nang binigay niya." naguguluhan kong sabi.

"Bayad naman yan sa nasira niya kaya gamitin nalang natin sa kanten." sabi naman ni tatay.

"Sige tay..ikaw na po ang magtago ng perang ito." iniabot ko ito kay tatay na agad namang kinuha nito. Napaisip ako kung sino ang lalaking iyon para makapagpasalamat man lang sana ako dito. Pero parang ayaw yata magpakilala ng lalaking iyon dahil umalis nalang ito bigla.

Alas 3:00 na ng hapon nang magpaalam akong babalik na. Balak ko kasing daanan sa mall si Estefany dahil nagpromise ako ditong ililibre ko ito pagkaunang sahod ko. Ayaw pa sana akong paalisin ni tatay kaya sinabi kong babalik ako sa susunod na linggo kaya pumayag din ito.

Sumakay ako ng jeep papuntang mall dahil isang sakay lang naman iyon.

Estifany's P.O.V.

Nag-aayos ako ng mga damit dahil malapit nang break time. Hinihintay ko na din ang makakapalit ko bago magsnaks.

"Helo Crush... Namiss mo ba ko?" nagulat ako sa lalaking sumulpot sa harapan ko.

"Ikaw na naman? So this time ano ang kailangan mo?" inis kong tanong. Naging suki ko na kasi ito dahil halos araw-araw yata nandoon ito para bumili.

"Cush naman ang taray... Sige ka mabilis kang tatanda niyan." nakangiti pang sabi nito. Lagi ako nabubweset tuwing ito ang customer ko. Napakayabang kasi.

"So bilisan mona ang pagpili para hindi kita matarayan." nakaingos kung sabi.

"Estiffff..... " narinig kong may tumawag sa akin sa likuran. Parang boses iyon ni Hanna. Mabilis kung nilingon ito at tumakbo doon at niyakap ito. Namiss ko talaga ang kaibigan ko dahil isang buwan itong hindi nagpakita.

"Namiss kitang bruha ka... Bakit ba ngayon mo lang ako dinalaw." nagtatampo kong sabi.

"Naging busy kasi ako at isa pa... Ngayon lang ako may panglibre sayo." masaya nitong sabi.

"Hanna?? Magkakilala kayo ni Crush?" biglang lumapit ang asungot. Nagtaka akong kilala nito si Hanna.

"Oh Jason bakit ka nandito? Teka Crush? Sino ? Si Tif? Hahhaa oyyy Tif crush daw oh." abat tinukso pa ako.

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

"Oo naman at magkaibigan din kami." sabi pa ng mukong na Jason daw ang pangalan.

"Si Jason kasi ang pinsan ni Dwight kung saan ako nagtatrabaho." paliwanag ni Hanna. So pinsan ito ni Dwight? Parang ang layo naman.

Naputol ang usapan namin ng nang dumating ang magbabantay sa place ko habang nag bebreak ako.

"Tamang-tama ang panglilibre mo dahil breaktime ko ngayon." sabi ko sa kaibigan

"Kaya nga ganitong oras ako pumunta dito." sabi nito.

"Pwedi ba akong sumama? "Nakangiting sabi ni Jason.

"Oo naman." Hanna

"Syempre Hindi." ako

Magkasabay naming sabi.

"Salamat Faith at crush kahit ayaw mo susundan parin kita kahit saan ka pumunta dahil crush kita." nakangisi pa ito habang nakaharap sa akin.

" So lets go sa Jolibee." masayang sabi nito at inakbayan pa kaming dalawa ni Hana papuntang Jolibee daw. Aba ang angas ito pa ang pumili kung saan kami kakain. Napasunod nalang kami pareho sa paglalakad nito. Hinayaan ko na lang ito sa pag-akbay para lang wag na ito mag-ingay.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now