Chapter 62

1.5K 41 1
                                    

Estifany's P.O.V.

Pupungas pungas akong bumangon ng bigla akong tapunan ng tubig sa mukha ng aking butihing tiya.

"Hoy senorita... Kailan mo balak gumising ha? Alam mo bang alas 6:00 na ng umaga at tulog ka parin? Bumangon kana at ipagluto kami ng tiyo mo bilis." galit na sita sa akin ni Tita Esmiralda sabay alis ng kwarto ko.

Alas 11:00 na kasi ng gabi ako nakauwi dahil nag overtime ako. Alam ng mga itong day off ko kaya ganon nalang and drama nito. Inis kong inayos ang higaan ko bago lumabas ng silid.

Mula kasi ng sabay na mamatay ang mga magulang ko ang kapatid ni tatay na si Tita Esmiralda na ang kumupkop sa akin. Ngunit hindi bilang isang kapamilya nito kundi isang katulong. Dito din napupunta lahat ng isinasahod ko dahil iyon ang kondisyon nito nang payagan ako nitong magtrabaho. Tanging ang kinikita ko sa overtime ang tanging natitira sa akin.

Sa totoo lang gustong-gusto ko nang umalis sa bahay na iyon. Pero natatakot din ako na baka wala akong matitirahan at baka hindi ko kayanin kaya nagtitiis ako sa puder ng mga ito. Secretong nag iipon na rin ako ng pera sa bangko dahil may balak akong umalis dito kapag sapat na ang ipon ko.

Dahil wala sa sarili..bigla kong nasagi ang niluluto kong tinulang isda kaya natapon lahat ng iyon at nagkalat. Aksidente namang napaso ako sa kamay pero hindi ako sumigaw ininda ko ang sakit dahil kapag nalaman ng tiya ko ang nangyari siguradong patay ako. Ngunit sadyang hindi ko maiiwasan ang sitwasyong iyon.

"Anong ingay yan tifany?"Nakita nito ang natapong ulam at galit akong hinarap. "Anong ginawa mo ha? Anong ipapakain mo ngayon sa amin ha?

"Sorry po tiya.hindi ko po sinasadya." ako

"Hindi sinasadya? Tatangatanga ka kasi.. Kung tapunan ko kaya yang pagmumukha mo ng kumukulong tubig at sabihin ko ding hindi ko sinasadya." nanlilisik na sabi nito.

"Papalitan ko nalang po tiya." ako

"Papalitan? Alam mo bang ang mahal ng pagkakabili ko ng isdang iyan?" sabi nito

"May binibigay naman po akong pera sa inyo at isa pa .. Di ko naman sinasadya iyon." mahinahon kong sabi.

"Wow.. Pwera may ibinibigay ka sa aking kakarampot na pera ganyan kana umasal? Hala umalis ka sa pamamahay ko." mas lalo pa yata ito nagalit at hinila ang buhok ko.

Napasunod naman ako dito dahil masakit ang anit ko sa lakas ng paghila nito. Dinala ako nito hanggang sa labas ng bahay at doon tinulak ng malakas kaya napaupo ako sa lupa. Ngunit mabilis parin akong bumangon kahit masakit ang puwetan ko sa pagkakaupo. Lumapit ako dito at hinawakan ang kamay nito. Nakita ko naman si tiyo na patingin-tingin lang talagang walang pakialam sa nangyyari.

"Tiya sorry na po.. Hindi na po iyon mauulit." pagmamakaawa ko dito.

"Talagang hindi na iyan mauulit dahil aalis kana sa pamamahay na ito." sabi nito sabay tulak ulit ng malakas.

Ang akala ko titihaya na ako this time sa lupa ngunit may malapad na dibdiba ang sumalo sa akin kasama ng malalakas na kamay nitong nakahawak sa braso ko.

"Alam mo bang pwedi ko kayon kasuhan sa ginagawa mo? " sabi ng baritonong boses mula sa likuran ko at alam ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon, si Jason.

Jason's P.O.V.

Pumunta ako sa mall para dalawin ulit si Estifany. Iwan ko ba kong palagi ko nalang namimiss ang babaeng iyon. Siguro nga talagang mahal ko na ito.

Ngunit nagtaka ako dahil iba ang nagbabantay doon. Nang tanungin ko ito nakaday off daw ito. Dahil gusto ko talagang makita ko ito hiniling ko ang address nito. At dahil nga gwapo ako binigay naman sa akin ang adress ni Estifany. Sakay ng aking kotse ipinarada ko iyon hindi kalayuan sa bahay na nakalagay sa address. Pero hindi ko inaasahan ang maabutan ko. Mabilis ang mga hakbang ko na lumapit doon kaya saktong nasalo ko si Estifany na inaapi ng isang may katandaan nang babae.

"At sino ka naman? Bakit nakikialam ka sa problema namin?" galit na hinarap ako nito.

"May karapatan ako.. Dahil mahal ko ang babaeng inaapi po at hindi ako makakapayag na may nananakit sa kanya sa harapan ko." biglang natigilan ang babae. Naramdaman ko din ang mga titig ni Estifany sa mukha ko.

"Ako at tiya niya..kaya may karapatan akong gawin ang gustong gawin ko sa babaeng iyan." sabi nito.

"Wala kang karapatang saktan si Estifany.. Dapat nga kayo pa ang karamay niya dahil tiya ka niya..pero anong ginagawa mo? Sa tingin mo tama yang inaasal mo?" ako

"Jason tama na..ok lang ako."

"Noo..hindi ako papayag dahil nasasaktan ako at hindi ko kayang tingnan ka na nahihirapan o pinapahirapan ng iba." agaw ko dito

Tumahimik naman ito.

"Dahil ito ang nakita ko ngayon... Kukunin ko na si Estifany dahil hindi ako mapapalagay kung mananatili pa siya sa poder ninyo." madiin kong sabi sa babae sabay hila sa kamay ni Estif. Napasunod naman ito sa akin.

Nang nakasakay na kami sa sasakya nagsalita ulit ito.

"Salamat ha... Sa totoo lang gusto ko naring makaalis doon ngunit wala akong lakas ng loob. Pero sa nangyari kanina..nang dahil sayo nagkalas loob ako." sabi nito.

"Sa susunod wag kang magpapaapi sa iba lalo na pag nasa tama ka... Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may magawa akong hindi maganda sa mga taong umaapi sayo." ako

Naramdaman ko ulit ang mga titig nito.

"Jason... I think I like you."bigla kong natapakan nag preno sa sinabi nito.

"Pwedi mo bang ulitin ang sinabi mo?" naluluha na yata ako

"I think gusto na kita.. Ay hindi i think i love you" bigla ko itong niyakap pagkarinig ng sinabi nito.

"Umiiyak ka ba?" tanong nito

"Noo... Im just Happy coz I love you too" sagot ko. "So it means tayo na diba? Sinasagot mona ako?" paniniguro ko.

"Sa palagay ko" sagot nito. Niyakap ko ito ulit. Nagbitiw lang ako nang marinig ko ang busina ng mga kotse sa likuran ko.

Finally sinagot din ako ni Estifany.. Masaya ako dahil finally mahal din ako ng taong mahal ko. Dinala ko ito sa bahay ang bahay na dating pag-aari ni Dwight dahil ako na ang bagong nag mamay ari non. Balak kong doon mona patirahin si Estif. Balak ko itong pakasalan sa lalong madaling panahon coz I want to protect her.. I want to protect her from anyone who wants to hurt her.


Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now