Chapter 19

1.6K 40 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Bigla akong natulala sa gwapong nilalang na papalapit sa akin habang hawak nito sa kanang kamay ang isang uri ng baril. Ang tingin ko dito ay parang isang action star sa mga pilikulang aking napapanood. Hindi ko parin magawang igalaw ang aking mga paa at ikurap ang aking mga mata.

Bumalik lang ako sa tamang pag- iisip ng bigla ako nitong hilain palabas ng lugar na iyon. Hawak-hawak nito ang aking braso habang kami ay palabas. Habang si tatay naman ay inalalayan nito ng kabilang kamay.

Pagkalabas namin ay sinalubong kami ng isang gwapong lalaki na nakasuot ng eyeglass. Parang nakita ko na ito sa mga videong pinanood ko dati sa vlog ni Dylan.

"Ikaw na ang magdrive ng motor ko at ako na ang bahala sa kotse mo." seryosong sabi ni Dwight sabay hagis dito ng susi ng motor na agad namang sinalo nito.

Pinasakay kami ni Dwight sa sasakyan at dumiritso kami nito sa ospital para ipagamot ang sugat ni tatay. Siguro naisip nito na baka may iba pang injury ito kaya para masiguro ang kalagayan nito pinatingnan namin ito sa ospital. Mga alas 6:00 na iyon ng hapon kaya medyo nag-aagaw na ang dilim at liwanag.

"Helo Izzy puntahan niyo kami dito ni nanay sa Ospital dalhan niyo na din ng ilang gamit si tatay." tinawagan ko si Izzy para ipaalam dito kung nasaan kami.

Lumipas ang mga sandali habang enexamine ang katawan ni tatay sa loob naghihintay lang kami sa labas. Nagpasalamat ako dahil sinamahan ako ni Dwight at hindi muna ito umalis. Parang hindi ko kasi kaynag mag-isa nang mga oras na iyon. parang kailangan ko ng taong masandalan para humugot nang dagdag pa na lakas ng loob.

Maya-maya ay dumating sina Izzy at nanay na agad kong sinalubong ng yakap.

"Anong nangyari ? Bakit nandito kayo sa ospital? Ang tatay mo nasaan?" nag-aalalang tanong agad ni nanay sa akin.

"Wag po kayong mag-alala nay ayos lang naman si tatay sinugurado lang namin ang kalagayan niya kaya nandito kami s ospital." pagbibigay ko ng assurance dito para kumalma ito.

"Anong kami?" bigla itong bumaling kay Dwight."Sino naman siya?" tanong nito sabay turo kay Dwight.

"Siya po si Dwight ang amo ko.. Siya din po ang nagligtas sa amin ni tatay..kung hindi siya dumating baka---" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla nitong nilapitan si Dwight at hinawakan ang kamay.

"Maraming salamat sayo iho utang ko sayo ang buhay ng mag-ama ko." puno ng pasasalamat nitong sabi na naluluha pa.

"Ok lang po iyon Nay kapag may nangangailangan po ng tulong ko tutulong ako hanggat kaya ko." seryosong sabi nito.

Ano daw ? Nay? Nanay na pala tawag nito sa nanay ko? Kailan lang? At teka kailangan ko daw tulong niya? Eh basta-basta lang ito sumulpot kanina. Isa pa hindi ko nga inexpect ang pagdating nito na ikinagulat ko pa.

Biglang lumabas ang doctor kasama si tatay na nasa de gulong na kama. Nakaplaster narin ang mga sugat nito sa mukha.

Sumunod kami hanggang sa loob ng kwarto ito dinala ng doctor. Isang private room iyon na pang mayaman. Bigla akong napatingin ka Dwight dahil alam kong ito ang pumili ng kwartong iyon ngunit bigla itong nagbawi ng tingin. May ibenilin lang sa amin ang doctor at umalis din kaagad. Tulog si tatay kaya lumabas mona ako ng kwarto at sininyasan si Dwight na lumabas din.

"Pwedi ba tayong mag-usap." tanong ko kaagad kay Dwight pagkasarado ng pinto.

"Wala naman yata tayong dapat pag-usapan." hindi ako sumagot kundi hinila ko ito sa mga nakahilirang upuan at naupo. Umupo din naman ito sa tabi ko.

"Anong wala... Marami tayong dapat pag-usapan." pabulong kong sabi dito.

Biglang kumonot ang noo nito sa pagtataka. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ano yong kanina ha? Pulis ka ba? Sundalo ? Bakit ka may hawak na armas ? O di kaya isa kang leader ng sindikato?" sunod sunod kong tanong.

Tumingin ito sa akin. Napakaseryoso ng mukha kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka nga sindikato ito whhahaah...

"You don't need to know my work or why I am with a gun... Sabi nila kung wala kang alam mas safe ka..kaya wag mo nang alamin." seryoso parin ito habang nagsasalita.

Nadagdagan tuloy ang takot ko rito. Kanina kasi habang palabas kami nakita ko ang maraming taong nakahanduhay at duguan sa dinaraanan namin.

"Why? Are you scared? Bakit di ka natakot nang pumasok ka sa loob ng warehouse na iyon na puno ng armadong lalaki ha? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo?" galit na sabi nito na medyo pa tumaas ang boses.

Bigla akong napipilan sa sinabi nito. Tumatak sa isip ko ang huling sinabi nito. Mas mukha kasi itong nag-aalala kasi nagagalit.

"Nag-aalala ka sa akin?" pag-uulit ko sa sinabi nito. Pati ito ay nabigla din sa tanong ko. Parang hindi nito inaasahan na nasabi nito ang bagay na iyon.

"Ang ibig kong sabihin siyempre diba? Kapag nawala ka pano nalang si lola ? Sino na ang mag-aalaga sa kanya?" sabi nito na parang sinusubukang lusotan ang sinabi.

Pero napaisip ako, may point ito siguro nga nag-alala ito na baka mahihirapan itong makahanap ulit ng kapalit kapag nawala ako. Napabuntong hininga ako..umasa pa naman ako na ang prinsepeng katulad niya pwedi ding umibig sa isang katulad ko.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo na tila nakikiramdam sa isa't isa. Maya-maya lang ay lumabas ng kwarto si Izzy at lumapit sa amin.

"Ate pinasasabi ni nanay na kung pwedi daw magpasama ka muna kay kuya na umuwi ng bahay dahil di namin naisara ang karenderya dahil nagmamadali kami kanina baka daw kasi pasukin." napatingin ako kay Dwight para tingnan ang reaksyon nito ngunit nanatili lang itong seryoso.

"Kaya ko namang isara ang karenderya kaya ok lang kahit mag-isa a--"

"No I'll go with you... Delikado kapag bumalik ka na mag-isa doon." may diin sa pagkakasabi nito.

Kaya wala din akong nagawa kundi ang umalis na kasama ito. Ang totoo natatakot akong mag-isang umuwi dahil baka bumalik doon ang mga lalaki kahit nakita ko pa kanina na tumakas na ang mga ito.

Ngayon na kasama ko ito panatag ang loob ko. Parang pakiramdam ko safe ako kapag nandito lang ito sa tabi ko. How I wish na maging totoong tagapagligtas ko na ito sa lahat ng oras.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ