Chapter 24

1.5K 38 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Nagising ako sa tunog ng katok sa aking pintuan. Kahit inaantok pa ay napilitan akong imulat ang aking mga mata. Madilim ang silid ko dahil hindi ako makakatulog kapag bukas ang ilaw. Sigurado akong gabi pa iyon dahil nang mapatingin ako sa bintana madilim pa sa labas kaya nagtaka ako kung sino ang kumakatok ng ganitong oras.

Hindi kaya magnanakaw? Pero meron bang mag-nanakaw na kumakatok muna?

"Han?" narinig ko nag boses ni Dwight mula sa labas ng pinto kaya nasiguro kong hindi magnanakaw iyon kundi si Dwight mismo. Pero ano naman ang ginagawa niya dito ng ganito kaaga? Alas 4:00 palang kasi ng madaling araw ng tingnan ko ang cellphone ko na nakapatong sa sidetable ng kama ko.

Nang tinawag nito ulit ang pangalan ko ay bumangon na ako at binuksan ang ilaw tiyaka lumapit sa pinto at binuksan ito. Ang seryosong mukha ni Dwight nabungaran ko. Tumingin ito agad sa suot ko kaya napacross arm ako para matabunan ang aking dibdib syempre di ako nagbabra kapag natutulog no. Nakasuot ako ng t-shirt at padjama kaya wish ko di nito naaninag na wala akong bra.

"I will give you 5 mins to wear your bra and also...bring your jacket." walang emosyong sabi nito sabay talikod sa akin.

Biglang nag init ang magkabilang pesngi ko dahil naaninag nito ang kayamanan ko. Gusto ko tuloy maglupasay sa harapan nito. Mabilis kong isinira ang pinto at nagsuot ng bra tyaka nagjacket na rin ako tulad ng utos nito kahit wala akong ideya kong saan kami pupunta o ano ang gagawin namim sa ganong oras.

Pagkatapos magbihis ay binuksan ko naman agad ang pinto. Mabilis nitong hinila ang kamay ko kaya hindi ko man lang nagawang isarado ang pinto ng aking kwarto.

"Tekaa..Dwighttt.. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dito nang nasa harapan na kami ng itim na kotse nito.

"Sumunod ka nalang at wag maingay kung ayaw mong patahimikin kita." napatingin ito sa mga labi ko kaya bigla kong tinabunan ng kamay ang bibig ko.

Pumasok na ito sa driver's seat at naupo naman ako agad sa tabi nito. Nagtaka ako bakit hindi pa nito pinaandar ang sasakyan kaya napatingin ako sa gawi nito sakto namang nakatingin ito sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Unti-unti itong lumapit sa mukha ko kaya napahalukipkip ako at napapikit sa pag-aakalang hahalikan ako nito ngunit isinuot lang pala nito ang seatbelt na nakalimutan kong isuot.

"Bakit parang disappointed yang mukha mo? Are you expecting a ki---"

"Oi Dwight wag kang ambisyoso no... Umalis na nga tayo kung ano-ano ang iniisip mo eh." sabi ko bago paman tapusin nito ang gusto nitong sabihin.

"What if gusto nga kitang halikan talaga bang kaya mokong pigilan ngayon?" di parin ito tumigil at nagtanong pa ng mga bagay na iniiwasan ko.

"Will you stop o baba ako ng kotse mo?" pananakot ko nalang dito para tumigil pero ang totoo gustong-gusto ko itong kasama lagi.

"Alright you win.. But I really want to kiss you... But ayoko namang isipin mong namimihasa ako." nakita ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Nang-aasar ba ito? Sasagot pa sana ako ngunit pinaandag na nito ang sasakyan kaya tumahimik nalang ako.

Mahigit 40mins na kami na nagbabyahe nang marinig ko ang mga hampas ng alon sa dalampasigan.

"Are we going to the beach?" takang tanong ko.

"No." tipid na sabi nito.

"Bakit may naririnig akong huni ng alon?" tanong ko ulit.

"Gusto mo ba talagang halikan ko kaya ka nag-iingay?" sabi nito na biglang ikinatikom ng bibig ko.

Mula sa malayo natanaw ko ang isang malawak na dagat kung saan nakatayo ang isang malaking parola na nagbibigay ng liwanad sa mga bangkang pumapalaot kapag gabi. Medyo maliwanag na kasi dahil alas 5:20 na ng madaling araw.

"Lumabas kana ng sasakyan dahil 5:40 ang sunrise so we still have 5min para umakyat ng tower. " sabi nito sabay labas ng sasakyan.

Nang di ko parin makuhang gumalaw dahil hindi pa yata ng sink in sa akin ang gagawin namin kaya ito na ang mabilis na nagbukas ng pinto sa gilid ko at hinila ako nito mula sa loob.

Namalayan ko nalang na tumatakbo na kami hanggang sa umakyat kami sa hagdanan patungo sa pinakatoktok ng parola.

Nahahapong napaharap ako sa papasibol na araw. Saktong nag-uumpisa na ang sunrise nang makarating kami doon. Napakasarap pala sa pakiramdam kapag nakikita mo ang pagsibol ng araw. Nakakarefresh at nakakawala ng mga problema. Tahimik lang kami habang pinapanood namin ang magandang tanawing iyon sa aming harapan habang dinadama ang malamig na hanging humahaplos sa aming mukha .

"I'm glad na ikaw ang kasama ko sa lugar na ito." biglang sabi nito nang tuluyan nang lumabas ang araw.

Napatingin ako dito. Sa mukha nito, hanggang sa mga kamay naming ngayon ko lang napansin na magkahawak parin at bumalik ulit sa mukha nito. Ngayon nakatingin na ito sa akin. May nababanaag akong kaunting lungkot sa mga mata nito pero may halong saya.

"Special sa akin ang lugar na ito. Lagi kaming pumunta dito ng mama at papa ko noong maliit palang ako. Kaya pinangako ko noon habang nakikita kong magkayakap ang mga magulang ko habang nakatingin sa sunset... Sabi ko pupunta ako dito..babalik ako sa lugar na ito kasama ng babaeng special din sa puso ko... At ikaw iyon Hanna.. I'm fallin inlove with you." madamdaming pag-amin nito.

Hito na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Ito na ba ang hinihintay kong maging officially couple kami? Kapag sinagot ko ba siya nang I love you too magiging kami na ba?

"Ahmm.. The truth is... Ahmm kasi palagay ko...ano... Eh.. I think... I love you---" hindi ko pa tapos ang sasabihin nang pinatahimik ako nito ng isa pang halik.

"You don't know how happy I am right now... So it means Gf na kita diba?"  napansin ko ang pagningning ng mga mata nito kahit seryoso ang mukha nito. Alam ko  na sa loob nito masaya siya na kami na.

"Yes Dwight.. Im yours now.. Kaya payag ka din bang maging akin? Nakangiti kong tanong.

"I'm yours.. So what do you want me to call you?" tanong nito na ikinaisip ko. May alam din pala ito sa mga enderment akala ko wala itong hilig sa babae.

"I just know it from my friend Dylan.. Kaya I'm asking baka gusto mong gumamit tayo ng enderment to call each other" paliwanag nito na tila nabasa ang nasa isip ko.

Ngumiti ako " Can I call you Mhine?"

"Yes if... You will let me call you mhine too." Nakangiti ding sabi nito.

And once more bago naming tuluyang iwan ang lugar na saksi nang aminang iyon hinalikan ulit ako nito sa labi. Talaga ngang totoong gustong-gusto nitong tikman ang aking mga labi.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن