Chapter 52

1.4K 36 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Kasama ko ang dalawang gwapong lalaki habang naglalakad papuntang kanten. Napansin ko rin ang inggit sa mga mukha ng ilang kababaihang nakakasulubong ko.

Kanina nasabi ko kay Dwight na wala na akong pakialam dito dahil nakalimutan ko na ito. Sinabi ko lang iyon para hindi na ulit itong magtago at umiwas sa akin. Kailangang ipakita ko dito na nakamove on na ako at wala na akong balak bumalik dito.

Pero nagtaka ako sa biglaang ikinilos nito. Bakit bigla nitong naisipang yayain akong sabayan itong kumain. Totoo kayang nagseselos ito kay Dok Harold? Pwes manigas ka sa inis Dwight Zane dahil gagawin ko ang lahat para iniisin kapa lalo para sa bandang huli ikaw mismo ang magsasabing babalik kana.

"Anong klaseng ngiti yan?" sita ni Dwight sa akin.

"Pakialam mo? Masaya lang akong kasama si Dok Harold na kumain ngayon." sabi ko sabay ngiti ng matamis kay Harold habang nakahawak sa siko nito.

Nakita ko naman ang pag-iba ng timpla ng mukha ni Dwight. Parang mas tumindi pa yata ang pagsimangot nito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.

Sa may gitna nang kanten kami na upo. Katabi ko si Harold habang ito ay nasa harapan ko.

Sweet si Harold sa akin. Ini-slice pa nito ng maliliit ang inorder kung adobung manok. Samantalang nanlilisik naman ang mga mata ni Dwight habang tinitingnan kami.

Matapos kumain habang naglalakad kami pabalik bigla nalang ito sumingit sa gitna namin ni Harold.

"Anong problema mo?" inis na tanong ni Harold

"Bakit hindi ko na ba kayo pweding paghiwalayin kahit sandali? Kanina pa kayo dikit ng dikit." sabi ni Dwight

"Alam mo kanina pa kita napansin... May gusto ka ba kay Hanna?" sabi ni Harold sabay tigil sa paglalakad at hinarap si Dwight.

Bigla namang natigilan ito dahil hindi siguro inaasahan ang tanong ng doktor. Habang ako naman ay naghihintay sa magiging sagot nito.

"No!" iyon ang sagot nito at nagpatiuna nang naglakad. Medyo nasakatan ako doon pero di ko nalang pinaglaanan ng isip dahil tiyak na papahirapan ko lang ang puso ko.


"Thank you nga pala sa pagsama mo sa aking kumain... Napakasaya ko." medyo naguilt ako sa sinabi nito dahil alam kong ginagamit ko ito para pagselosin si Dwight.

"Sige salamat din.. Mauna na rin ako." paalam ko.

Tatalikod na sana ako nang bigla nitong hilain ang kamay ko kaya napaharap ulit ako dito.

"So pwedi na ba kitang ligawan?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung nao ang pweding isagot dito.

"Ahm.. P-pag-iisipan ko." sagot ko at iniwan na ito para hindi na humaba pa ang usapan namin.

Pagpasok ko sa loob nakaupo sa kama si Dwight habang nagbabasa na naman. Pero bakit parang ang lamig sa paligid? Dahil kaya sa aircon o dahil sa malamig na tingin nito sa akin ngayon?

"May kailangan ka ba?" tanong ko dahil nakatingin ito sa akin.

"Gusto mo ba ang lalaking iyon?" hindi ko inaasan ang tanong nito. Sinalubong ko ang malamig na tingin nito.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon