Chapter 45

1.4K 29 0
                                    

Yesha's P.O.V.

Kalalabas lang namin ng simbahan dahil nagsimba kami ni Dylan. Isang linggo nalang ay magiging asawa ko na ito. Parang kailan lang noong nagsimulaa kong humanga at manood ng mga vlog nito at ngayong magiging mrs. Na ako ng nag-iisang Dylan Josh Fernadez.

Ito ang nag-iisang lalaking hinangaan, inayawan, minahal, iniyakan at muling minahal ko. Ito din ang nag-iisang lalaking nasisiguro kong nakatakda talaga para sa akin.

"Star iniisip mo ko noh? Kaya ganyan ang ngiti mo." tukso nito sa akin habang nakaupo kami sa isang bench ng park. Dumaan muna kami doon bago umuwi.

"Paano mo naman nasabing ikaw nga ang iniisip ko?" paghahamon kong tanong.

"Hmmm...Ganyan ang mga ngiting nakikita ko kapag kinikilig ka sa akin." nakangiting sabi nito.

Kinurot ko ito sa tagiliran kaya hinawakan nito ang kamay ko para pigilan.

"Ang mga kamay na ito... Hindi ko na kayang bitawan ulit." sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. "I love you so much Yesha... Pangako hinding-hindi na tayo magkakahiwalay."

"I love you too Dylan... Forever mo na akong fan mula sa pagiging vlogger mo at bilang magiging asawa mo." sabi ko dito.

"Dylan right?" biglang bulabog sa amin ng isang napakasexing babae.

Malaki ang boobs nito na halos lumuwa na sa suot nitong sleeveless at ang palda nitong napakaiksi na halos kita na ang panty nito ang biglang lumapit sa amin.

Nakita kong biglang kumunot ang noo ni Dylan.

"Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako yong---" hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil ibinulong nito iyon kay Dylan.

Nakita kong biglang namula ang tenga ni Dylan kaya pasimple kong kinuha ang mga kamay dito dahil bigla akong nakaramdam ng inis. Pero mahigpit nitong hinawakan iyon.

"By the way hindi na kita naaalala... But I want you to met my beautiful Wife Yesha." pakilala nito na itinaas pa ang magkahawak naming mga kamay.

"Ow... Kasal kana pala.. Pero kung magsawa ka jan sa...flat mong asawa you can go to my place.. Always open ang condo ko para sayo." malanding sabi Nito sabay alis at pinuntahan ang isang batang babae tyaka tuluyang umalis.

"Sino yon?" paasik kong tanong dahil naiinis talaga ako.

"I don't know hindi ko na siya naalala..but you know my past siguro isa siya sa mga babaeng nakarelasyon ko noon." paliwanag nito.

"Kung di mo na siya naaalala bakit namula ka sa ibunolong nito ha?" tanong ko ulit.

"Star naman." Dylan

"Sumagot ka kung ayaw mong iwan kiya dito mag-isa." pagalit kong sabi.

"Alright.. She told me na siya daw yong tanging babae na tatlong beses kung naikama..pero hindi ako doon namula kundi sa huling tinanong niya." paliwanag nito.

"Bakit ano ba itinanong niya?"- paghahamon kong tanong.

Napansin kong namula ulit ito at nag-iwas ng tingin sa akin.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now