Chapter 14

1.6K 42 2
                                    

Dwight's P.O.V.

Pagbalik ko ng kwarto'y dumiritso agad ako ng CR para mag-shower. Pagkatapos maligo kinuha ko ang kumot na tinali ko kanina na ginamit ko sa pagbaba ng kwarto. Dahil gabi na at mahirap magpatuyo ng buhok kinuha ko ang blower para mabilis matuyo ang buhok ko nang maalala ko si Hanna. Mahaba ang buhok nito kaya mahihirapan itong patuyuin iyon lalo na at gabi.

Kahit hindi pa ako tapos sa pagpapatuyo naisip kong ipahiram ito rito. Nasa harap na ako nang kwarto nito ngunit nagdadalawang isip pa ako kung kakatokin ito o aalis nalang. Naalala ko kasi ang naganap kanina lalo na ang halik na pinagsaluhan namin. Sa totoo lang iyon ang unang beses na nahalikan ako ng isang babae. Bukod kasi sa takot silang lumapit sa akin wala din akong interes sa mga ito except for Hanna. I want to be honest to myself.. Gusto ko ang halik na iyon. At gusto kong maulit iyon.

Sa huli kinatok ko ang pinto. Nakatatlong katok ako nang pagbuksan ako nito. Katatapos lang siguro nitong magshower dahil nakabalabal pa ang tuwalya sa buhok nito.

"B-bakit ka bumalik?" takang tanong nito.

"Ehmm.. Gusto ko lang sanang ipahiram to sayo mahirap kasi magpatuyo ng buhok kapag gabi." seryoso kung sagot. Napatingin ito sa hawak kung blower tapos sa mukha ko na parang nagtataka.

"Mukhang di kapa tapos sa pagpapatuyo ng buhok mo." turo pa nito sa buhok ko na medyo basa pa.

"Ok lang.. Maiksi naman ang buhok ko kaya mabilis lang itong matuyo." sabi ko.

"Hmmm... Pwedi ko bang patuyuin mona ang buhok mo bago ko yan hiramin?" napatigil ako saglit sa sinabi nito.

"You mean... Iboblower mo ang buhok ko?" paninigurado ko. Tumango nga ito. Napatitig ako sa mukha nito.

"Ah eh... Kasi nakakakonsensya namang gamitin yan dahil basa pa yong sayo." depensang sabi nito.

Nang di ako makasagot ay hinila ako nito papuntang sala. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kamay nitong nakahawak sa wrist ko habang hinihila ako nito papunta sa salas.

"Ano bang meron sa babaeng ito bakit di ko kayang iwaksi ang kamay nitong nakahawak sa akin? Dahil kaya nagugustohan ko ang pakiramdam habang hawak nito?" naisip ko.

Usually kasi naiinis ako tuwing may ibang humahawak sa akin.

Pagdating namin sa salas kinuha nito ang pang-isahan na upuan doon at inilapit sa outlet para maisaksak ang blower.

"Maupo ka dito." untag nito sa saglit na pananahimik ko. Agad naman akong sumunod dito at naupo sa upuan.

Nag-umpisa na itong e- on ang blower at pinapatuyo ang buhok ko. Nahihigit ko ang aking paghinga everytime ba nasasagi ng kamay nito ang balat ko sa may batok. Sobrang bilis na rin ng pagtibok ng puso ko.

Sa mga nakaraang araw na notice ko na palaging bumibilis iyon tuwing kasama ko ang babaeng ito. Hindi kaya nagkaroon na ako ng sakit sa puso dahil sa konsumisyong binibigay nito sa akin araw-araw?

"Hayyyyy." hindi ko namalayang napabuntong hininga pala ako.

"Ang lalim non ah." sabi nito mula sa likuran ko.

"Wala inaantok lang siguro ako." palusot ko para hindi na ito magtanong pa.

"Charannn... Tuyo na ang buhok mo pwedi kanang matulog." masayang sabi nito nang matapos.

Tumayo ako at ginulo ang buhok ko. Tuyo na nga iyon. Tumingin ako sa mukha ng babaeng parang temang na nakatingin sa akin. Hindi kasi ito kumukurap.

Hanna's P.O.V.

Natigilan ako ng biglang ginulo nito ang buhok. Parang nagslow motion yata ang paligid kaya matagal na di ko inalis ang tingin ko sa napakagandang eksinang iyon.  Ang cute kasi nito sa ganong gesture.

"Ok lang ba kung tulungan kitang patuyuin din ang buhok mo?" narinig kong sinabi nito. Napatango nalang ako kahit hindi ko ito masyadong naintindihan.

Iginiya niya ako sa upuan na inupuan nito kanina. Dahil hindi ko nga nagets nang una ang sinabi nito kaya napaigtad pa ako ng kunin nito sa buhok ko ang tuwalyong pinambalot ko sa basa kung buhok. Sumabog ang gulong-gulo kong buhok na tumabon ang ilan sa mukha ko.

Napapikit ako ng hinawi nang daliri nito ang ilang parte ng buhok ko sa mukha. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Parang isa akong tuod na nakaupo doon at hindi maigalaw ang buo kung katawan.

"Relax kalang... Mabilis lang to." nalumanay na sabi nito.

Sinimulan na nitong patuyuin ang buhok ko habang ang mga kamay nito ay dahan-dahang humahagod sa basang buhok ko.

"Guysss... Plz bigyan niyo ako ng oxygen baka himatayin ako ng de oras dito." lihim kong hiling.

Pigil na pigil ko ang aking paghinga habang binoblower nito ang buhok ko. Hanggang lumipas ang ilang minuto at sa wakas natuyo na rin ang mahaba kung buhok.

"Its done.. You can sleep now." sabi nito.

"S-salamat." tipid kong sabi.

"I'll go now... Good night."

"ohh my nagbago na ba ang ikot ng mundo? Bakit may pagood night na si Dwight ngayon? Para ring bigla itong bumait sa akin.

"G-good night din." sabi ko naman.

Nang umalis ito doon palang ako nakahinga ng maayos. Muntik talaga akong himatayin kanina sa ginagawa nito sa buhok ko. Ito kasi ang unang lalaking humawak sa buhok ko maliban kay tatay.

Hayyy.... Sana tuloy tuloy na ang magandang samahan namin ni Dwight baka kasi bukas bumalik na naman ang pagkasuplado nito.

Pumasok na rin ako sa loob para matulog dahil madaling araw na at nakaramdam na rin ako ng antok.

"Mag-iisang buwan na pala ako bukas... Napakabilis lang ng panahon pero parang kailan lang ng una akong nakapasok sa bahay na iyon" muli kong binalikan ang unang araw na makilala ko si Dwight hanggang tuluyang iginupo ng antok ang aking isipan.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon