Chapter 13

1.6K 39 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Maghahating gabi na pero gising parin ako. Meron kasi akong pinag-aaralang misyon tungkol sa mga sindikatong nagkalat dito sa Pilipinas. Sumasakit na ang mata ko sa pagbabasa ng mga nakalap kong impormasyon tungkol sa mga ito kaya naisipan kung pumunta sa balconaheng karugtong ng kwarto ko upang magpahangin.

Itinukod ko sa terrace na humahang doon ang dalawa kong kamay. Walang buwan sa kalangitan tanging mga puting usok lang ang humaharang doon na sanhe ng mga polusyon sa paligid. Napabuntong hininga ako nang may narinig akong tilamsik ng tubig sa baba kaya bigla akong napatingin sa ilalim kung saan nandoon ang swimming pool.

Biglang kumunot ang noo ko dahil hatinggabi na at meron pang naglakas loob na maligo doon. Pilit kung inaninag ang taong matapang na naligo sa pool. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Hanna na nagpupumiglas sa tubig. Bigla kung naalala na pinadagdagan ko kanina sa mga katulong ang tubig ng pool dahil balak kung magswimming ngunit nawala lang sa isip ko dahil bigla akong naging busy. Si Jason kasi ay gustong mababaw lang ang tubig ng pool habang ako naman gusto kung umaapaw ang tubig doon.

Nang araw na nahulog ito sa pool nasa 4ft lng ang tubig at dahil dinagdagan ko nga at pinaapaw nasa 6ft na iyon. Sa taas nitong 5'4 siguradong malulunod ito dahil hindi ito marunong lumangoy.

Mabilis kong kinuha ang kumot ko at itinali sa gilid ng terace at walang pagdadalang isip na tumalon doon. Naisip kong mas mabilis kong iyon ang gagawin ko kesa gumamit pa ng hagdan. Kaya ilang minuto lang ay nakababa na ako ngunit nakita kong tumigil na sa paggalaw ang babae. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-alala dito. Tinalon ko ito at hinawakan ang bewang nito para maiahon sa tubig. Wala parin itong malay kaya naisipan kong e CPR para mailabas nito ang nainom na tubig.

Nakadalawang cycle na ako ngunit wala paring response ang katawan nito kaya naisipan kong bigyan ito ng mouth to mouth para mabigyan ito ng hangin sa baga.

Hanna's P.O.V.

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Alas 11:47 na ng gabi ng tinggan ko ang orasan. Naisipan kong pumunta sa mag pool side upang magpahangin. Ilang minuto akong nanatiling nandoon nang bigla akong maakit sa linaw ng tubig. Naalala kong mababaw lang iyon kaya safe akong maligo roon. Napangiti ako sa naisip at napatingin sa buong paligid. Walang kataotao kaya sigurado akong tulog na lahat ng mga tao roon.

Hinubad ko ang suot kong pantulog. Dahil confidence na walang ibang makakakita sa akin. Pati ang suot kong padjama ay sinama ko na din.

Tanging black bra at panty lang ang suot ko nang tumalon ako sa tubig. Nagpanic ako ng malamang malalalim na iyon kaya nagpumiglas akong maiahon ang ulo sa tubig para makahinga. Sa pagpupumiglas ko unti-unti kong naramdaman ang panghina. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil alam kong walang makakapagligtas sa akin nang oras na iyon. Dahil sa kawalan ng pag-asang mabuhay tinanggap ko na sa isip ko na iyon na ang magiging katapusan ng buhay ko.

Unti-unting pumikit ang mga mata ko. Naramdman ko na rin ang paghina ng tibok ng puso ko na sinabayan ng pamamanhid ng buong katawan ko.

Pagkatapos non ay naging blangko na ang buong paligid. Nang magkamalay ako ulit napansin ko na wala na ako sa tubig. Kundi ang napakagwapong mukha nang isang lalaki ang nakita ng mga mata ko habang papalapit sa mukha ko.


"Nanaginip lang ba ako? O patay na ako.. Bakit may napakagwapong anghel ngayon sa harapan ko?" sabi ng isip ko.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil para akong hinihigop na matulog. Maya-maya pa ay naramdaman kong may malambot na bagay na dumapo sa aking labi na parang binibigyan ako ng hangin.

Sa pangalawang subok nito. Bigla ko nalang iniangat ang nanghihina kong kamay at kinabig ito upang mas lalong dumiin ang labi nito sa mga labi ko.

Hinalikan ko ang anghel na nasa harapan ko... Naisip ko na bago man lang ako mamatay maranasan ko man lang ang mahalikan.

Tumagal siguro ng isang minuto ang halik na iyon nang bigla nalang akong nakaramdam ng pagsusuka. Bigla akong napabitaw sa anghel at sinuka ang tubig na nainom ko kanina. Nauubo pa ako habang nasusuka. Naramdaman kong may palad na humahaplos sa likod ko at doon ako biglang napatingin sa anghel na nasa likod ko. Napatigil ako sa pag-ubo. Pati ang mundo ko ay naramdaman ko din ang biglang pagtigil. Napatulala nalang ako habang nakatingin dito.

"Hey? Are you ok?" tanong nito habang ikinakaway pa ang palad sa harapan ko pero hindi ko ito tinugon. Nakatitig parin ako sa gwapong mukha nito.

"Finally, Dwight becomes my Knight dahil sinagip nito ang buhay ko."  iyon ang nasaisip ko habang hindi pinuputol ang tingin dito.

Dwight's P.O.V.

Kinakabahan na ako dahil hindi pa nagigising si Hanna. E momouth to mouth ko sana ito ulit dahil hindi parin ito nagkakamalay kahit bumalik na ang pulso nito.

Nagulat nalang ako nang bigla akong kabigin nito at hinalikan sa labi. Bigla akong naging tuod sanhi ng hindi inaasahang pangyayari. Ngunit maya-maya lang ay kusang pumikit ang mga mata ko at ginantihan ito ng halik. Gustong-gusto ko ang sensasyon ng halik na iyon na para akong idinuduyan sa alapaap. Habang lumalalim na ang halik ay bigla nalang itong napabitaw at naisuka nito ang tubig na ininom. Nang oras lang din na iyon bumalik ako sa realidad. Nag-aalalang hinaplos ko ang likod nito kaya napatingin ito sa gawi ko. O mas tamang sabihing natulala ito bigla dahil sa blangko ang expression ng mukha nito.

Tinanong ko ito kung ok lang ba ito ngunit walang sagot mula dito. Kaya lalo akong nag-alala para dito dahil baka shock pa ito sa nangyari. Binuhat ko ito hanggang makarating kami sa kwarto nito. Inilapag ko ang basang katawan nito sa kama at kinuha ang kumot at binalabal sa katawan nito.

Hanna's P.O.V.

Napakapit ako sa liig nito ng bigla nalang akong iangat nito sa eri. Binuhat ako nito hanggang sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng biglang hiya nang makitang nakabra at panty lang pala ako nang ibinalabal na nito ang kumot sa katawan ko. Nagsquat ito sa harap ko habang nakalagay ang dalawang kamay nito sa balikat ko. Nakaupo kasi ako sa kama at nakaharap dito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Han?" bakit parang honey ang tunog ng "han" nito na alam kung pangalan ko lang iyon.

"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong pa nito ng di parin ako sumasagot.

"Noo d-di na k-kailangan.. O-ok naman a-ako." nauutal kong sabi sabay lunok ng laway. Nadidistract kasi ako sa kagwapohan nito. Nalasing yata ako sa tubig ng pool kaya wierd ang epekto nito sa akin ng oras na iyon.

"Sigurado ka?" paniniguro pa nito

"Y-yes.. Kaya pwedi bang iwan mo na ako dito?" sabi ko.

Hindi naman ito tumanggi at umalis naman agad ito.

Nang mapag-isa nalang ako sa kwarto sinabunutan ko ang sarili ko sa katangahang ginawa ko na naman.

Dahil alam kong nakita nito ang halos hubad kong katawan. Hinalikan ko pa ito kaya halos wala na akong mukhang maipakita rito dahil sa mga ginawa ko ngayong gabi lang.

Nakakahiya talaga ang pinanggagawa ko. Pero infairness masarap pala itong humalik. Napangiti ako sa naisip habang binabalikan ang tagpong iyon.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now