Chapter 42

1.3K 34 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Pumasok kaagad ako sa loob ng boutique pagkarating ko dahil hindi naman nakalock iyon. Madilim ang loob dahil nakapatay ang ilaw. Sinubukan kong buksan ang switch ng ilaw ngunit ayaw gumana niyon. Nagmasid ako sa paligid ngunit walang katao-tao sa loob.

Naglakad ako papunta sa hideout naisip ko baka nasa loob na ang mga ito. Ngunit tulad sa boutique nakapatay din ang ilaw at wala ding katao-tao. Napa-aga ba ang dating ko? Tiningnan ko ang wrist watch ko alas 4:00 na iyon ng hapon kaya imposibleng wala pa ang mga ito.

Sinirado ko ulit ang pinto ng hideout at bumalik sa boutique. Ulit sinulyapan ko ang paligid. Tahimik doon at wala kang maririnig na ingay kaya tumalikod na ako para umalis.

Nakahawak na ako sa doornub ng pintuan nang marinig kong may kumanta ng "happy birthday" sa likuran ko. Nakapatay parin ang ilaw nang lumingon ako sa kumakanta.

It was Dylan... Alam kung maganda ang boses nito pero nang mga oras na iyon pakiramdam ko napayapa ang loob ko ng boses nito.

Habang si Yesha at ang kambal nitong nakalimutan ko ang pangalan ay sumasabay din sa pagkanta. Hawak ni Yesha ang isang chocolate cake na meron dalawang kandila sa ibabaw niyon. Ang ilaw na nagmumula sa kandila ang nagbibigay nang ilaw sa madilim na lugar na iyon.

Napansin ko ding nakikanta din sina Zyrus, Liam at Clark na huli ko na napansin nasa isang gilid. Biglang bumukas ang ilaw kaya nagliwanag ang buong paligid. Si Zyrus ang nakita kong nagtaas ng switch.

Iyon ang unang beses ginawa iyon ng grupo kaya hindi ko inaasahan iyon. Akala ko nga hindi nito alam ang birthday ko dahil hindi naman ako ginigreet ng mga ito kapag birthday ko.

Apat na taon na ang lumipas mula nang may huling taong kumanta sa akin sa birthday ko. Iyong panahong buhay pa ang mga magulang ko.


Lumapit sa akin si Dylan, Yesha at ang kambal nito.

"Happy birthday Dwight... Were happy na ipinanganak ka sa mundong ito." ang mga katagang iyon ng tatlo ay nagbigay ng kaunting saya sa puso ko.

All this time palagi kong naririnig na malas ako, na isa akong sumpa at walang karapatang mabuhay dahil ipinapahamak ko ang mga taong mahal ko. It was the firstime that somebody told me that they are happy thar I was born.M. Na touch ako sa simpleng ginawa ng mga ito.

Bigla akong niyakap ni Yesha nasinundan naman ni Dylan at ng kambal. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit ganito nalang ang kilos ng tatlo.

Sinubukan kong kumalas sa mga ito dahil bigla akong nailang ngunit mahigpit ang yakap ng mga ito.

"Dwight.... I'm sorry dahil hindi ko nalaman agad.. I'm sorry dahil hindi kita nakilala agad." mas lalo akong naguluhan sa sinabing iyon ni Dylan.

Kumalas na ang mga ito nang yakap sa akin. Tiningnan ko isa-isa ang mga mukha nito. Meron mga luha sa mga mata ng mga ito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

May biglang ibinigay na isang papel sa akin si Dylan na tinanggap ko naman. Binuksan ko iyon, isa iyong DND test. Napatingin ako kay Dylan dahil hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.

"Read it." sabi nito

Binasa ko nga iyon at nagulat ako sa nalaman. How? Paanong nangyaring ang mommy ni Dylan ay nag match sa DNA ko? Naguguluhang tumingin ako ulit dito.

May iniabot ito sa akin na parang isang libro.

"Diary yan ni mommy... Lahat ng mga katanungan mo masasagot ng diary niya." tinanggap ko iyon na hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.

"Mom is good ni shooting... Nagtaka ako kung hindi ko namana ang ang galing niya sa paghawak ng baril ngayon alam ko na dahil ikaw pala ang nakakuha niyon." nakangiting sabi ni Dylan.

Napaupo ako sa upuan dahil parang biglang nanginig ang buong katawan ko sa mga nalaman. Ayaw paring magsink in sa utak ko na kapatid ko si Dylan.

"Kuya Dwight... Alam mo bang kapatid mo din kami?" nakangiting sabi ni Yesha.

Napatitig ako sa mukha nito. Isa pang rebelasyon ang sinabi nito na mahirap ding paniwalaan. Ngunit bigla kong naisip na ang pag-aalala na nararamdaman ko dito noon posibleng feelings iyon ng isang kapatid. Ang mga panahong gustong-gusto kong protektahan ito noon iyon pala ay magkadugo kami nito.

"Hindi pa tayo nakapag-usap o naging magkaibigan... Pero gusto kung maging close tayo kuya." maluhang-luhang sabi naman ng kambal ni Yesha.

Tumikhim ako bago magsalita.

"Pwedi bang bigyan niyo muna ako ng oras para makapag-isip? Parang mahirap paniwalaan ang lahat ng ito." Naguguluhan kong sabi pero sa kabilang banda nakaramdam ako ng galak na malamang meron pala akong totoong pamilya.

"Take youe time kuya.. Basta kung kailangan mo nang makakausap alam mo kung saan kami makikita.. Palagi lang kaming nandito para sayo." Yesha

"Pamilya mo kami Dwight.. Kaya wag kang mag-alangang lumapit sa amin." Dylan

Pamilya... Iyon ang katagang gustong-gusto kong meron din ako. Mula nang malaman kong ampon ako pakiramdam ko noon wala akong matatawag na sariling pamilya ko. Nang sinabi ni Dylan ang salitang pamilya.. Pakiramdma ko nakauwi na ako sa isang mahaba at matagal na paglalakbay nakauwi din ako..

"Wag kang mag-alala kuya..unti-unti masasanay ka din na kami ang kasama mo.. Basta ang hiling lang namin na wag mong ilayo ang sarili mo sa amin dahil magkakapatid lang tayo." Yesha.

"Pwedi mo na bang hipan ang candle? Malapit na kasing matunaw." natatawang sabi ng kambal.

Maluha-luhang hinipan ko nga ang kandila. Iyon na siguro ang pinakamasayang birthday ko dahil hindi ako nag-iisa dahil may mga kaibigan at pamilya akong nakakasama.

"Yeheyyyyyy.... " sigaw ng mga ito.

Ngayon ko lang nakita ang mga nakahanda sa mesa. Talagang pinaghandaan ng mga ito ang birthday ko. Masaya ako dahil merong mga taong nag-effort para sa akin. Kaya sinusumpa ko na kahit anong mangyari proprotektahan ko ang mga taong nagmamahal sa akin... Lalo-lalo na si Hanna. Sobrang namimiss ko na ito. Sana kasama ko ito ngayon sa araw na iyon.

Natapos sa isang masayang haponan ang birthday ko. Nauna nang umalis si Yesha at Dylan dahil magdadate pa daw ang mga ito. Sumunod naman si Zyrus at Ayesha nalaman ko na ang pangalan nito. Malakas ang pakiramdam kong merong something din sa dalawang iyon.

Naiwan kami ni Liam at Clark doon dahil wala naman kaming date. Nag-inuman lang kami doon hanggang sa makatulog sa kalasingan sina Liam at Clark.

Medyo lasing na din ako nang mapansin ko ang Diary na binigay ni Dylan sa akin kanina.

Sinimulan kong basahin ang laman niyon. Hanggang umabot ako sa time na binigay ako nito sa umampon sa akin.

Nagpasalamat ako dahil hindi pinalitan ni mommy ang pangalang ibinigay sa akin ng biological mother ko kaya natonton ako kaagad ni Dylan. At masaya akong malaman na hinanap din pala ako nito para sana balikan at muli akong makita.

Hinaplos ko ang mukha nito sa larawang nakalakip doon. Nakikita ko ang mga ngiti nito everytime na makita ko ang sarili kong ngumingiti sa harap ng salamin. Ang now alam ko na dito ko nakuha ang napakagandang ngiting iyon na ipinagdamot kung ipakita sa iba.

"Mom... I' promised ngingiti ako para sayo.. Para makita ng iba kung gano kaganda ang mga ngiti mo."

Natulog ako habang yakap-yakap ang litratong iyon. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng ganon katagal at kapayapa.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon