Chapter 30

1.4K 32 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Almost 10 mins na ang lumipas pero hindi pa lumalabas nang boutique si Hanna at ang kaibigan nito. Kaya naisipan kung pumasok doon para e-check ang mga ito.

"Jason dito ka lang titingnan ko lang sila sa loob." sabi ko . Tumango naman ito.

Pagkapasok ko sa loob agad kung tiningnan ang paligid ng boutique ngunit hindi ko nakita ang mga ito.

"Sir ano po ang kailangan niyo?" tanong ng isang babae na lumapit sa akin.

"Napansin mo ba kung saan pumunta ang dalawang babaeng pumasok dito 10mins ago? "Tanong ko dito.

Tila nag-iisip ito at parang may biglang naalala "may napansin ako dito kanina na dalawang magandang babae pero bigla ding umalis kasama ang dalawa ding lalaki, akala ko nga nang una bf nila iyong mga lalaki pero napansin kong parang walang malay ang dalawang babae."

Pagkasabi nang babae agad kong cheneck ang likurang bahagi ng boutique baka maabutan ko pa pero wala na akong nakitang kahinahinalang sasakyan doon.

Babalik na sana ako ng kotse nang mapansin ko ang wallet na nasa may pintuan. Pinulot ko iyon dahil parang kay Hanna ang wallet na iyon. Iyon lang kasi ang dala nito nang kanilang pumasok ng ito ng boutique.

Mabilis akong bumalik sa loob nang sasakyan dala-dala ang wallet dahil may kutob na ako ki g sino ang may gumawa niyon.

"Bakit mo pinaandar? Si Hanna at Estifany nasaan?" gulat na tanong ni Jason ng bigla kung paandarin ang sasakyan ngunit hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang apgmamaneho. Nang nasa highway na pinahinto ko ang sasakyan sa may gilid ng daan.

"Baba." ako

"What?" -Jason

"Bumaba ka meron akong mahalagang pupuntahan." -nakatiimbagang sabi ko.

"Pero---"

"I said get out." pasigaw kung sabi na ikinagulat nito.

Hindi na ito nagtanong pang muli at bumaba nga nang sasakyan. Mabilis ko namang pinaharorot ang sasakyan kahit hindi ko alam kung saan hahanapin si Hanna. Hindi ko naman malocate ang location nito dahil naiwan nito ang cellphone.

Mahigit isang oras na akong paikot-ikot nang magring ang cellphone ko.

Unknown number ang nakaregester kaya bigla kong kinuha iyon dahil malakas ang loob ko na ang abductor iyon ni Hanna.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala.

"Nasa akin ang pinakamamahal mong girlfriend kaya kung gusto mo pa siyang makitang buhay makinig ka sa sasabihin ko." - sabi nito

"Wag na wag mo lang susubukan saktan kahit dulo nang buhok ni Hanna kung ayaw mong tadtarin kita ng putok ng baril." galit kong sagot dito.

Sobrang nag-aalala na ako kay Hanna ng mga oras na iyon lalo na at hindi ko alam kung nasaan ito.

"Easy boy.. Walang mangyayari sa kanya kung marunong ka lang sumunod. Ikaw ang may malaking atraso sa grupo ko dahil sa pakikialam mo kaya ikaw ang kailangan ko."

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now