Chapter 55

1.4K 25 0
                                    

Clark's P.O.V.

Malayo palang ay nakita ko nang nakabukas ang pintuan ng kwarto kung saan nalagak si Dwight. Pumunta ako doon para kamustahani ang kalagayan nito. Nang nasa may bukana na ako ng pinto nakita kong may kausap ito na matandang lalaki. Napakaseryoso ng pinag-uusapan ng mga ito. Dahil hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba kaya nagdecide akong mamayang hapon nalang ako babalik doon.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang sinabi nitong pangalan "Alyana Nicole Saavidra" isang pangalang nakatatak na sa puso ko.. Ang pangalang hindi ko kayang kalimutan. Napatihil ako sa tangkang paghakbang. Pumasok ako sa loob at hinarap ang matangdang lalaki.

Pakiulit nang sinabi mo... Sino ang isa pang namatay?" mabilis ko itong hinarap at tinanong iyon.

"Si Alyana Nicole Saavidra..hindi ko nakalimutan ang pangalan niya dahil----

"Ito ba? Ito ba ang babaeng nabangga?" kinuha ko ang larawan ni Alyana na matagal kung iningatan sa wallet ko at ipinakita dito.

"Siya nga yan.. Napakaganda niya kaya tumatak ang mukha niya sa akin pero bakit---"

Hindi ko na magawang pakinggan ang sasabihin pa nito dahil parang mahuhulog na ang mga luha sa mga mata ko. Ayokong umiyak sa harap ng mga ito kaya umalis ako agad bago mapansin ng mga ito ang luha ko.

Hindi man lang kasi sumagi sa isip ko noon na patay na ito. Mas gugustohin ko pang iniwan ako nito dahil sa iba kaysa ang malaman kong namatay ito kaya hindi nito nagawang bumalik.

Napasandal ako semento dahil parang nanghihina ang buong katawan ko sa nalaman. All those years na nawala ito at iniwan ako nang walang paalam sinisi at nagalit ako dito. Pero may dahilan pala ito kaya hindi na nakabalik noon.

Apat na taon... Apat na taon ang nakaraan we are going to celebrate our 1st anneversary as a couple. Buong gabi kong hinintay si Alyana sa restaurant kung saan kami kakain. I was 21 years old back then. She was my college sweetheart. Habang naghihintay pala ako noon sa pagdating niya sa restaurant nag-aagaw buhay naman pala ito sa ospital. Napakagag* ko...napakatanga ko wala man lang ako ideya sa nangyayari dito.

(Author's Note: malalaman niyo po ang buong story ng kwento ni Clark sa Book 4 ng agent series at abangan niyo rin po ang kwento ni Liam sa book 3 salamat)

Dwight's P.O.V.

Hindi na ako nagulat sa sinabing iyon ng ama ni Hanna. Four years ago nag-imbistiga ako na aksidente ng mga magulang ko dahil duda akong may kinalaman ang mga kaaway ko sa nangyaring iyon. Hindi nga ako nagkamali dahil isa sa kalaban ko ang pumutol sa break ng sasakyang sinakyan noon ng mga magulang ko. Dahil ayaw nga kumagat ang preno ng sasakyan ng mga magulang ko kaay kinabig nito sa kabila ang sasakyan para maiwasan ang ama ni Hanna na dumaan kaya nagsalpukan ang dalawang kotse at tatlo nga ang namatay ng oras na iyon. Kaya nang magtapat ang ama nito kanina hindi nalang ako umimik at nagkunwaring walang alam.

Base sa CCTV na napanood ko aksidente ang naganap na iyon dahil wala namang may nagplanong mangyari iyon. Hindi ko pa kilala si Clark ng panahong iyon kaya hindi ko alam na kilala nito ang babaeng nadamay sa aksidenteng iyon.

Nasa loob nang banyo si Hanna at naliligo. Nagdala kasi ang ama nito ng damit kanina kaya pumunta ito doon.

Agad akong napalingon sa banyo nang bumukas iyon.

"Anong iniisip mo?" tanong nito habang naglalakad palapit sa akin. Naupo ito sa tani ko kaya amoy na amoy kong ang mabangong amoy na nanggagaling sa katawan nito.

"Ehm.. Iniisip ko lang si Clark. Nagtaka lang ako kung bakit ganon nalang ang reaksyon nito kanina" sabi ko.

"Baka kilala niya , kamag anak o di kaya dating nobya" wala sa sariling sabi nito habang pinapatuyo ang buhok.

Tumayo ako at kinuha dito ang bimpong hawak nito. Ako na ang nagpatuyo sa buhok nito gamit iyon.

"Naisip ko din ngang baka iyon ang nobyang tinutukoy nito.. Sa pagkakaalam ko kasi bigla daw itong iniwan ng gf nito dati na hindi man lang nagpapaalam" paliwanag ko.

"Kanina.. Nakita kong lumuha siya nang marinig ang pangalan ng babae..so sa palagay ko malapit iyon sa puso nito" hanna

"Kaya siguro hindi nakabalik ang babae dahil nga naaksidente ito?" naliwanagan ako sa nalaman dahil posibleng iyon nga ang nangyari sa nobya nito kaya bigla nalang ito nawala.

"Mhine.. Kung nga ang nobya nito siguro masakit sa kanya ngayon ang nalaman" malungkot na sabi nito.

"Yeah.. I agree I know how he love that woman.. Alam kong nasasaktan si Clark ngayon. Hayaan mona natin siya dahil alam kong kailangan niya ng oras para makapag-isip" ako

"Ahh..siya nga pala mhine pwedi ko bang puntahan si Dok Jemines gusto ko lang kasing humingi ng tawad at makapagpaliwanag narin" sabi nito

"Samahan na kita... " ako

"Wag na mhine saglit lang ako at baka hindi niya ako kakausapin kapag sinamahan mo ako" Hanna

Sa huli pumayag din ako dahil nakita kong nalungkot ito nang malaman ng doktor ang tungkol sa amin. Ayoko ding may bumabagabag dito kaya upang mapanatag ang loob nito pumayag ako. Dito lang naman sa loob ng ospital kaya alam kong magiging ok din ang pag-uusap nila.

Hanna's P.O.V.

Hinanap ko si Harold sa ospital. Nakita ko ito sa loob ng office nito habang may sinusulat na report siguro.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong nito.

Umupo muna ako bago ito sinagot.

"Gusto ko lang ipaliwanag sayo ang nakita mo sa amin ni Dwight" tumigil ito sa pagsulat at hinarap ako.

"I get it.. Niloko mo lang ako at makakaalis kana" sagot nito.

"Noo..nagkakamali ka. Si Dwight kasi ay ang lalaking matagal ko nang mahal. Diba dati ko nang sinabi sayo na may iba akong gusto?" ako

"So bakit ka pa nandito?" harold

"Dahil sa tingin ko kailangan ko paring humingi ng tawad sayo" ako

"Gusto mo ba talagang patawarin kita?" harold

"Oo naman.. Naging kaibigan na rin kita kaya mahalaga sa akin na maging ok tayo ulit" sabi ko. Natigilan ito saglit at muling nagsalita.

"Alright... May alaga akong pusa sa bahay at wala ang inuutusan kong nagpapakain dito at dahil may duty ako ngayon hindi ako makakaalis dito so pwedi ka bang pumunta sa bahay ko at pakainin ang pusa ko?" seryosong sabi nito.

"Iyon lang ba ang gagawin ko? Tapos ok na ulit tayo?" paniniguro ko

Ngumiti ito "oo naman sempre hindi ko naman kayang pahirapan ka dahil mahalaga karin sa buhay ko"

"Sige ba.. Ahm Dok pakisabi nalang po kay Dwight pagechecheck mo siya na umalisa ko saglit" sabi ko

"Sige dahil doon din naman ang punta ko pagkatapos ng ginagawa ko"

"Sige Harold salamat talaga" ako

Pagkatapos makuha dito ang address ng bahay nito umalis na ako para makabalik kaagad. Bigla ko kasing namiss agad si Dwight. Kinikilig pa ako habang naglalakad palabas ng ospital.

Sumakay na ako ng taxi para hindi na ako maligaw. Napag-alaman kong malapit lang pala ito sa ospital. Kung nilakad ko ito siguro sampong minuto lang nandoon na rin ako.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now