Chapter 16

1.6K 49 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Ipinark ko agad ang motor pagdating ng bahay. Naglakad na ako papasok nang mamataan ko si Hanna na nakahawak sa hamba ng pintuan. Napakunot ang noo ko dahil nagtaka ako kung ano ang ginagawa nito roon. Napansin ko nalang na unti-unti itong napadaosdos kaya mabilis akong naglakad papunta sa tabi nito at sakto namang bigla itong natumba. Agad kong sinalo ang nanghihinang katawan nito.

"Hey? Hanna? wake up." tinapik ko ang nakapikit na mukha nito. Naramdaman kong mainit ang katawan nito kaya dinama ko ang noo nito. Tama nga ako sa naisip may lagnat ito. Ngunit anong ginagawa nito sa labas kung masama ang pakiramdam nito?

Agad kong binuhat ang walang malay na dalaga at dinala sa kwarto nito. Inilapag ko ito sa kama tiyaka lumabas para kumuha ng maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang kamay at mukha nito para maibsan ang mataas na temperature ng katawan nito. Pagkatapos ay naupo ako sa tabi ng kama at tinitigan ang mahimbing na pagtulog nito.

Ilang minuto din siguro ang lumipas habang nakatingin lang dito. Wala sa loob na hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. Maganda ito alam ko na iyon simula palang. Pero habang napatitig ako sa mukha nito ngayon mas lalo pa yata itong gumanda sa paningin ko.

Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso ko nang mapatingin ako sa labi nito. Bigla kong naalala ang halik na namagitan sa amin kagabi. Bigla akong napalunok ng sunod-sunod na laway dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko. Binaling ko sa iba ang paningin ko. Nang napakalma ko ang sarili ay muli kong tsineck ang temperatura nito. Medyo bumababa na ang lagnat nito kaya naibsan na din ang pag-alala ko. Ngunit hindi ko muna ito iniwan. Binantayan ko ito hanggang mag-alas 4:00 ng umaga. Wala na ang lagnat nito kaya nagdesisyon na akong iwan ito at pumunta na sa kwarto ko.

Hanna's P.O.V.

Iminulat ko ang mga mata pagtunog ng alarm ng cellphone ko. Mabuti na ang pakiramdam ko ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon ng maalala na muntik na akong matumba kagabi.

"Teka.. Paano pala ako nakapasok sa kwarto ko?" takang tanong ko sa sarili.

"Hindi kaya... Si Dwight ang nagpasok dito sa akin?"

Kagabi kasi napanaginipan kong nasa tabi ko lang ito at binabantayan ang pagtulog ko. Alam ko namang imposible nitong gawin iyon dahil wala naman sa character nito ang mag-alaga nang may sakit. Kahit yong lola niya kinunan niya pa ng nurse para may tagaalaga lang eh wala naman itong ginagawa at nasa bahay lang palagi.

Bumangon na ako dahil linggo ngayon. Balak kong umuwi sa amin dahil natanggap ko na ang unang sahod ko kahapon mula kay lola Dianne.

Naligo na ako at nagbihis para maaga pa akong makaalis. Paglabas ko ng kwarto napatingin ako sa taas kung nasaan ang kwarto nito. Nakapinid parin ang pinto nito siguro ay tulog pa ito. Alas 7:00 palang kasi ng umaga. Hindi na ako kumain ng umagahan dahil balak ko na sa bahay nalang kumain.

Pagdating ko sa maliit na bahay namin ay agad akong sinalubong ng yakap ni Tatay nang makita ako nito habang nagseserve ng pagkain sa isang customer.

Pati si Izzy at Nanay ay masayang sinalubong din ako kaagad. Isang buwan din kasing hindi namin nakita ang isa't isa kaya ganon nalang kami kasaya na makita ang isa't isa.

"Pasok ka anak... Kumain kana ba?" masayang tanong ni tatay.

"Hindi pa tay nais ko kasing dito na kumain. Alam niyo namang paborito ko ang luto niyo." nakangiti kong sagot.

"Sus.. Nambola pa.. Sige wait lang at ipaghain kita anak." sabi nito at kinunan ako ng plato tyaka pagkain.

Napadami ulit ang kain ko dahil bukod sa masarap magluto si tatay talagang namis ko din nag lasa ng luto nito.

Wala akong ibang ginawa doon kundi ang tumulong sa kanten. Iyon naman kasi ang ginagawa ko noon tuwing day off ko.

Nang sumapit ang tanghali habang busy kami sa makakaserve dahil sa dami nang dumating para kumain bigla nalang ginulantang kami lahat ng mga armadong pinagkakautangan namin.

Authomatic din ang pagtambol ng kaba sa dibdib ko. Siguro na phoebia ba ako dahil palagi nalang nanggugulo ang nga iyo.

"Hi Miss beautiful.. Buti at nandito kana dahil nang huling punta namin dito wala ka." nakangising sabi nito. Napatingin ako kay tatay.

"Bakit di mo po sinabing bumalik sila dito?" tanong ko.

"Sinabi ko sa tatay mo na babalik kami.. At sa pagbabalik namin kailangan namin ng 100 thousand na babayaran niyo sa loob ng tatlong buwan." sabi pa nito na nakangisi padin.

"P-pero wala kaming g-ganoon kalaking halaga ngayon." natatakot na ako dahil 34k lang ang pera ko. Dahil ang isang libo pinambili ko ng groceries namin bago ako umuwi.

"Pwes kailangan naming gawin to." nagulat ako nang biglang sipain nito ang mesa na nasa harapan ko. Pati ang mga customer namin na napapatingin lang kanina ay nagsipagtayuan na din dahil sa pagkagulat sa ginawa ng mga lalaki.

"Maawa na kayo wag naman kayong manggulo dito." awat ni tatay sa mga ito ngunit bigla nalang winahig nang malakas ng lalaki si tatay kaya natumba ito at tumilapon sa gilid. Agad namang dinaluhan ni nanay at Izzy si Tatay. Ako naman ay matapang na hinarap ang lalaki kahit ang totoo ay takot na takot ako.

"Walang hiya ka." galit kong sabi at sasampalin sana ang lalaki ngunit pinigil nito ang kamay ko at iwinaksi.

Napapikit ako nang umakto itong sasampalin ako ngunit hindi dumapo ang kamay nito sa mukha ko. Kaya napadilat ulit ako. Nakita kong may lalaking nakatayo sa harap ko habang nakahawak sa braso ng lalaking sasampal sana sakin. Hindi ko makita ang mukha nito dahil bukod sa nakatalikod ito facemask pa ito at nakasuot ng sumbrero.

"At sino ka naman?" paasik na taong ng lalaking sasampal sana sakin .

"Lumayo ka dito." sabi ng lalaking nakamask sa akin kaya lumayo ako agad.

Mabilis nitong sinipa ang kaharap na lalaki. Nakialam na din ang ibang kasamahan nito sa bakbakan ngunit isa-isang bumagsak lamang ang mga ito sa sahig. Ang galing nito, imagine mag-isa lang siya samantalang ang dami ng kalaban nito. Puro pa pasa at duguan ang mga mukha ng mga lalaki habang bagsak parin sa sahig.

Lumipat ang tingin ko sa lalaki. Sinubukan kong kilalanin ito ngunit mas lalo nitong binaba ang suot na sombrero.

"Don't forget my name... It's Shadow. Now you choose...STAY or DIE." matapang na sabi nito sa malamig ba boses.

Halos magkandarapa sa pagtakbo ang mga ito. Halatang natakot sa lalakin bigla nalang sumulpit sa kung saan. Lalapitan ko na sana ang lalaki para magpasalamat nang magsalita ito ulit.

"Stay." napatigil ako sa paghakbang.

May nilapag itong pera sa isang mesa na hindi nasira nang magkagulo.

"Yan ang bayad ko sa lahat ng nasira ko." sabi nito at tuloy-tuloy na umalis. Hinabol ko pa ito at hinanap sa labas ngunit bigla nalang itong nawala.

Teka.. Bakit parang pamilyar nang boses nito?

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now