Chapter 1: Kyle

280 6 1
                                    

JIRO POINT OF VIEW

"Dre, balita ko may tranferee daw ah." Biglang sabi ni Bryle pagkarating niya.

Sya si BRYLE DUSTINE RAMIREZ, ang kaibigan kong sobrang bully at sobrang ingay. Matalino pero hindi ginagamit ang utak, isip bata palibhasa spoiled sya by his parents. Anak lang naman sya ng isang professor at isang artista kaya sikat din yan, meron silang sariling school and may ari din sila ng sikat na mga hotels tsaka sya lang naman ang tinatawag sa buong campus na The Most Bully Guy.

"Kaya nga Dre, tsaka balita ko matalino daw." Sabi naman ni Daryl.

Sya naman si JAMES DARYL TUASON, ang pinaka chickboy sa tropa, sobrang maluho yan at sobrang pikunin pa pero mabait naman sya. Magaling sa soccer yan. Anak lang naman sya ng Senador at ang tawag sa kanya ay, The Most Womanizer Guy.

"Pero mukang masungit naman eh---- ayy...are you okay miss?" Naputol lang naman ang sinasabi ni Darwin dahil tinulungan lang naman nya ang pinatid ni Bryle.

Sya naman si, JAM DARWIN TUASON, kakambal ni Daryl. Yan ang kabaliktaran ni Daryl, kung maloko si Daryl yan naman ang mukang anghel. Sobrang gentleman nyan tsaka mukang takot sa mga babae. Mabait yan at matalino pa pero nakikisabay naman sya sa aming mga kalokohan pero minsan ang KJ nya. Campus heartthrob yan.

"Bakit? Nakita nyo ba yung transferee?" Biglang sabi ni Sam na kadadating lang kasama si Gail.

Sya naman si, SAMANTHA MARGARETTE SALVACION, sobrang taray at sungit nyan pero mabait. Ang taray samin pero mabait sa iba. Spoiled din kasi sya ng parents nya. Anak lang naman sya ng sikat na negosyante na may Ari ng mga malls at resorts sa buong pilipinas na kahit meron din around the world, may mall din sila. Campus queen yan!

"Teka nga, boys! Bakit ba pinauusapan nyo ang transferee? Babae no?" Tanong ni Jasmine sabay irap.

Sya naman si, JASMINE ABBIGAIL CORTEZ, sobrang arte nyan pero mabait talaga! Pero maarte magsalita yan isama mo pa pagnakain yan, napakapihikan! Magaling lang naman sya sa sports na volleyball. Anak sya ng isang sikat na chef sa buong bansa at meron silang sariling restaurant. Campus princess at campus crush lang naman sya dahil maganda sya, silang dalawa ni Sam.

"Oo ata!" Sagot ni Bryle.

"Wag nga kayong magusap sa harap ko." Sabi ko sabay palsak ng headphone sa tenga ko, pero bago pa yun narinig ko pa ang hirit ni Sam.

"Tss.. Epal." Sabi nya sabay upo kasabay ni Gail.

"HELLOOO GUYSSSS!!!! GOODD MORNINGGGG!!!" Alam kong nainis silang lahat sa pagsigaw ni Aaron.

[A/N: Ang pronouncation po ng Aaron ay; Eyron]

Sya naman si, AARON LEE MARTINEZ, ang mapang-asar pero sobrang diskarte sa grupo. Madalas yang pagkaguluhan dahil lang naman na gwapo sya. Mahilig syang magcollect ng mga robots. Mabait yan kaso sobra kung mang-asar pero ang laki ng respeto nya sa mga babae. Anak pala sya ng may ari ng mga airport sa buong pilipinas, may ari din sila ng company ng mga kotse kaya ang daming kotse nya. Engineer ang daddy nya at architect naman ang mommy nya.

"Shut the hell up Aaron, ang aga aga ang ingay mo!" Sita sa kanya ni Sam.

"Asusss!!!! Napansin naman agad ako ni Samanthang pikunin!" Asar ni Aaron kaya binato sya ni Sam ng papel na nadampot nito.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now