Chapter 43: Again

19 4 0
                                    

| 7 years after |










*ring....ring...*

*ring....ring.....*


Pikit mata kong sinagot ang telepono sa left side ko. Putek! Inaantok pa eh.

"Hello," inaantok na sagot ko. Ang sakit mg ulo ko.

"Mr. Salameda, wala ka bang balak na pumunta dito dahil kanina pa sila naghihintay. My god Jareen,"

Napabangon naman ako dahil sa sigaw ng manager ko. Pahilot hilot naman ako ng sentido habang nakikinig ng sermon niya.

"I'm on my way," tangi nasabi ko at nilagay na sa lalagyanan ang telepono na yun.

Sunod ko namang sinagot ang tawag sa cellphone ko ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello," sagot ko.

"Jareen, pumunta ka na dito ikaw nalang ang hinihintay. Saan ka naba? Naglasing ka naman ba kagabi? Sinasabi ko sayong wag ka ng maginom."

"Opo, ate Jan papunta na ako. Bye." Sagot ko at pinatay na ang tawag.

Putek ang sakit ng ulo ko. Siraulo kasing Bryle na yun nagyaya pang uminom at ako naman na si tanga, nakalimutang may taping pala ako ngayon. Boba talaga. Kainis.

Nagmadali naman akong maligo at habang nagbibihis ako, nakita ko na naman ang frame na yun, puta. Move on Jiro. Move on. Matagal na siyang wala. Iniwan ka nga diba? Iniwan.! Puta! Iniwan?! Bad timing of love lang to! O ako lang ang nagmamahal? Puta!

'I wish I could see you tomorrow even if just for a second.'


Pagkabihis ko, kinuha ko nalang ang phone at wallet ko at umalis na ako sa condo ko. Patay! Late na nga ako, lobat pa putek na buhay to oh.

Pagkarating ko sa location ay pinagalitan na agad ako ng manager ko pati si Ate Jan na makeup artist ko. Nakakainis naman kasing Bryle yan.

"Jareen, on the set na daw.." Tawag sakin ng staff kaya pumunta na ako sa set.

Tulad ng nakasanay three years ago, ganito pa din ako magtrabaho. Paglutang nakakatatlong take pero pagganado nakakaisang take lang.

"Look at her eyes, Jareen.." Sigaw ni Direk kaya ginawa ko ang sinabi niya at sinabi ang linya ko.

Hindi nagtagal ay natapos din ang taping kaya dali dali na akong umalis pero hinarang ako ni Ate Mariel, ang manager ko.

"Where are you going?" Agad na tanong niya sakin ng magtatangka akong pumasok sa kotse ko.

"Uuwi na ako Ate Mariel, matutulog ako." Tamad na sagot ko.

"No. Hindi ka uuwi." Sabi niya kaya nagulat ako.

"Bakit hindi ako uuwi?" Inis na tanong ko.

"Tumawag sakin si Tita Amanda, sinugod ang lolo mo sa hospital kanina." Sabi niya kaya naalarma ako.

"Saang hospital, Ate Mariel?" Tanong ko agad.

"Chavez General Hospital." Sagot niya kaya ilang segundo akong natigilan bago dali daling umalis papunta dun.

'Sana wala ka don.'

Pagkaratingko doon, tinanong ko agad sa lobby kung saan ang room ni Lolo.

"Room 405 po, sir." Sagot nung Nurse kaya agad akong nagtungo sa Room 405.

Nadatnan ko dun sina Mom, Dad at Kuya. Napatingin naman sila sakin ng bigla akong dumating. Nakita ko si Lolong tulog sa puting kama habang nasa tabi nito si Mom..

"What happened?" Agad kong tanong.

"Inatake siya kanina kaya dinala namin siya ngayon at napagalaman naming na-stroke pala siya sabi ng doctor." Sagot ni Dad kaya lumapit ako sa kama ni lolo.

Nagtagal ako dun ng ilang minuto bago ko mapagpasiyahang umuwi. Paglabas ko ng kwarto ay ipipihit ko na sana ang pinto pasarado pero napatigil ako ng biglang may dumaan sa likod ko. Nanatili akong nakahawak sa doorknob habang nakikinig sa usapan ng isang doctor at nurse.

"Doc, yung pasyente po sa room 405 ay ayos naman po ang vital signs but under observation padin po." Rinig kong sabi nung nurse ng makalampas sa likod ko.

Tanungin ko nga ang doctor na to.

"Uh, excuse me?" Sabi ko kaya napatigil silang dalawa sa paglalalad.

Una namang humarap sakin yung nurse at nanatili pading nakatalikod yung doctor.

Parang nagslowmotion ang pagharap niya sakin.

"What can i do for you, Sir?" Tanong niya.

Nanatili padin akong nakatulala sa kanya. Again! I saw her again! For freaking seven years! After seven years nakita ko ulit siya. Kyle! Pero wala pading nagbabago sa itsura niya at mas lalo padin siyang naging maganda. Tumangkad siya pero mas matangkad naman ako ng kaunti. Oh shit!

"Sir?" Tawag ng nurse sakin kaya nabalik ako sa wisyo. Nanatili siyang nakatingin sakin pero nakikita ko ang mata niyang may nababahid ng luha. Naiiyak ba siya? Tanda pa nya kaya ako?

"Uh, I'm here to asked for my Lolo's health because i heard you a while ago." Sa kabila ng pagkagulat ko nanatili padin akong formal.

"Mr. Salameda has a good vital signs but his under observation. We do our best to stay his good health so, you don't have to worry Sir." Mabilis na sagot niya.

"Okay, thank you." Sagot ko kaya ngumiti yung nurse at tumango siya.

"Excuse us," she said and leave.

Kung matatawa ka nga naman sa tadhana, pagkaalis na pagkaalis ni Kyle ay siyang biglang pagdating nina Sam kaya sabay sabay na kaming pumasok ulit sa loob.

Madami naman kaming napagusapan gaya ng mga trabaho nila. Aaron is now a Engineer, Sam is now a Business woman, Gail is now a Model, Darwin is now a Attorney, Daryl is now a Governor, sa kanilang dalawa ni Darwin si Daryl and sumunod sa yapak ni Tito at si Bryle ay kagaya ko na ngayon. Artista. Ako ngayon ay Artist slash Singer. Tatlong taon na ako sa industriya ng showbiz naging masaya naman ako.

"Sorry, I'm late." Napatingin kaming lahat sa pumasok.

"It's okay, Sari." Sabi ni Mom.

Ngumiti naman si Sari pagkatapos bumeso siya sa lahat at pang huli ay sakin.

"Hi, Jareen." Bati niya at bumeso.

Siya si Sari, bestfriend ko. Nakilala ko siya nung college at ngayon ay isa na siyang fashion designer.

Nanatili kaming lahat sa loob ng ilang minuto bago pumasok yung nurse kasunod ni Kyle. Putek! Hindi padin nagsi-sink in sakin lahat.

Nakita ko naman ang gulat sa mga muka ng tao sa loob ng kwartong to maliban kay Sari.

Pimagmasdan ko si Kyle pinapaliwanag niya kay Mom ang sakit ni Lolo. Aaminin kong proud ako sa kanya kasi isa na siyang doctor at masaya ako kasi nakita ko ulit siya.




"She's back........again."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now