Chapter 10: I like her

30 3 0
                                    

JIRO POINT OF VIEW

I knew it. Kaya pala ganon ang ginawa ni Miko Perez kay Kyle because he likes Kyle.

He likes my girl.

Yes, I like her. I like Kyle Zyrene so much.

But, I'm not going to tell her yet.

Nagsimula yun nung......

2 months ago....

Nasa mall ako dahil inutusan ako ni Manang na bumili ng grocery na saktong bibili ako ng phone dahil nabasa yung phone ko nung naligo kami ni Aaron sa pool.

Pagpasok ko ng gadgets shop may napansin akong babaeng naka puting damit na may jumper na pantalon sa may counter. Lumapit ako dun para pumili ng phone at nakita ko yung muka ng babae. Unang kita ko palang sa kanya. Nagkagusto na ako. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko! Sh*t!

Maganda! Mapulang labi! Matangkad! Sobrang ganda talaga!

"How can I help sir?" Tanong nung staff kaya napatingin ako dito. Sa kaliwa ko namang mata ay nakita ko yung girl na napatingin sakin.

Nakapili na ako ng phone at nabili ko na to tsaka ako tumingin sa babaeng maganda na lumabas na ng shop.

May nagtukso sakin na sundan sya kaya ginawa ko. Di ako nagpahalata na sinusundan ko sya. Pumasok naman sya sa isang book store kaya pumasok na din ako. Tinitingnan ko sya habang may harang na libro. Nang makabili na sya tsaka ito lumabas. Sinundan ko ulit sya at tumigil sya sa isang stall at umorder ng pagkain nya. Dalawang table ang layo nya sakin at hanggang matapos sya. Nakita ko pa syang may kinausap sa phone nya at aaminin kong ang galing nyang mag-english. Napalinga naman ako sa likod ng may tumawag sakin. Si Darwin.

"Hey. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya pero di ko sya pinansin at tumingin sa harap para makita yung babae pero wala na ito sa harap. Tumakbo pa ako para luminga linga na baka sakali makita ko pa siya pero wala na.

"Inis!" Usal ko.

"Hoy. Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Darwin.

"Wala." Sabi ko.

"Ey. Nakita kita kanina pa. Sinusundan nga kita eh." Nakangiting sabi nito kaya nilingon ko sya.

"What?" Asik ko.

"Alam kong sinusundan mo yung babae kanina. Nakita na kita kanina pa sa gadgets shop pero mukang busy ka kakatitig dun sa babae kaya sinundan kita at dito na kita tinawag dahil saktong pagtawag ko sayo, lumingon yung babae sa gawi mo tsaka umalis." Sabi nya kaya nagulat ako.

"Hindi ko alam, dre. Pero napabilis ang tibok ng puso ko nung babaeng yun." Paliwanag ko at nakita ko syang napangiti.

"You're inlove, dre." Sabi nya.

"Inlove? Tss, sa di ko kilala?" Natatawang sabi ko.

"Ang tawag kasi dun, love at first sight." Sabi nya.

Love at first sight? So, na-love at first sight ako dun sa babae.

Sana makita ko ulit sya.

Pero di ako nagkamali. Nakita ko ulit sya. Nung nag-transfer na sya sa school. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng panahon na yun. Di ko alam ang gagawin ko. Lalo pa't nung nakatabi ko sya at ng malaman ko ang pangalan nya.

'Kyle Zyrene Almero Chavez'

**********

Lalo lang din nadadagdagan ang nararamdaman ko dahil sa mga ngiti, biro at banat nya, kahit na hindi totoo, grabe yung impact sakin e. Kaya ngayon si Darwin palang ang may alam. Pero alam kong alam na ni Sam. Nakikita ko syang inoobserbahan ako kaya alam ko ng may alam sya.

"Hey!" Tawag sakin ni.... Sam.

"What?" Nagpanggap akong walang paki alam sa sagot ko.

"Umamin ka nga Jareen Antonio, do you like Kyle?" Tanong nya.

Hindi na ako nagulat kasi alam kong itatanong nya ito.

"Yes, I do." Deretsong sagot ko na nagpagulat sa kanya.

"Really? Kelan pa?" Gulat na tanong nya.

"Di nya pa ako kilala, gusto ko na sya. Two months ago." Sagot ko.

"Are you going to tell her, aren't you?" Tanong nya.

"Not yet." Sagot ko dahilan ng pagngiti nya.

"Nice pick couz." Sabi nya sabay hampas ng braso ko tsaka umalis.

Ay, pinsan ko pala si Sam. Her mother is my auntie. Tatlo sila nina dad, Tita Margot and Tita Gabbi na magkakapatid. Dalawa lang ang pinsan ko. Si Sam na anak ni Tita Margot at si Gab na anak ni Tita Gabbi, si Gab ay girl na sobrang pasaway at magkakasing- age lang kami. Asawa ni Tita Margot si Tito Samuel Salvacion at asawa naman ni Tita Gabbi si Tito Kalil Sarmiento pero hiwalay na sila at nakay Tita Gabbi si Gab.

Napatapos ang buong maghapon na klase at deretso na kaming pumunta sa hospital para dalawin si Kyle. Tuwing naiisip kong nasa hospital ang taong gusto ko, gusto kong manapak ng tao.

Pagkarating namin sa hospital, dumeretso na kami sa kwarto nya at nakita namin syang nagbabasa ng libro.

"Hey Kyle." Bati ng dalawang girls tsaka lumapit sa kanya. Kami naman nina Darwin, Bryle at Daryl,  umupo sa occupied na couch.

"Hi guys." Bati nya samin.

Tuwing nakikita ko ang mga ngiti nya, lalong nadadagdagan ang pagkagusto ko sa kanya.

"How's your feelings?" Tanong ni Aaron.

"Okay na. Kayo? May bago ba sa school?" Tanong nya.

"Yup. Gagawa tayo ng isang movie na tayo mismo ang magshu-shoot at gagawa ng mga script. Since eight tayo at eight person per group, tayo na ang magkakagrupo." Sagot ni Sam. Oo nga pala!

"Eh? Seryoso?" Tanong nya pa.

"Hmmm... Ang saya nun." Sabi ni Gail.

Napatingin si Kyle sa gawi namin, at nakita ko syang ngumiti sakin kaya nginitian ko din. Pinagalitan din ni Kyle sina Bryle at Daryl dahil sa ginawa nito kay Miko Perez. Alam na din pala ni Kyle yun at natawa nalang sya ng sabihin nyang may gusto sa kanya si Miko. Nang matapos ang kwentuhan kay Miko ay kinuha ko ang phone ko at tinext ko sya ng 'Hi, how are you?'

Napatingin sya sa phone nya ng mag-vibrate ito tsaka binasa ang text ko. Pagkabasa nya, tumingin sya sakin at ngumiti.



"Hi Jiro."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now