Chapter 9: Suspended

37 3 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Naalimpungatan ako ng dahil sa tahimik kung nasan ako pero hindi ko minulat ang mga mata ko kasi alam kong may nakatitig sakin.

'Nasan ba ako?'

Dahil sa tagal ng pagkakatitig sakin ay imumulat ko na sana ang aking mga mata ngunit nagsalita na sya. Nagsalita na si Jiro.

"Okay ka na ba?" Tanong nya at bahagya pang natawa. Alam nya sigurong hindi ako sasagot.

"Wala bang masakit sayo?" Dagdag nya sabay hawak sa kamay ko.

'Oh sh*t.'

"I hope you okay....I wish you okay..Kyle." Sabi nya.

'I'm okay Jiro.'

Alam kong nakakatitig sya lalo sakin kaya lalo akong naiilang. Lintek na yan! Bat ka ganyan?

"Hindi ko alam ang gagawin ko, nalilito ako, naiinis ako, nagagalit ako. Hindi ako makuntento hanggat hindi kita nakikitang gising sa harap ko. Sh*t... Wake up." Sabi nya pa kaya minulat ko na ang mata ko at nakita ko syang nakayuko kaya diniinan ko ang pagkakakapit nya sa kamay ko dahilan para gulat syang napatingin sakin.

Ngumiti ako. "I'm okay now so you don't have to worry, Jiro."

Pagkakasabi ko palang nun, dere-deretso na syang lumunok at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang anim.

"KYLEEEE!!" Sigaw nina Sam at Gail tsaka dumeretso para yakapin ako.

"Thank god you're awake." Sabi naman ni Darwin kaya tiningnan ko sya at nginitian.

"Alam mo ba Kyle, sobrang nagalala kami sayo." Sabi ni Aaron.

"Tsaka pumanget ka." Sabi naman ni Sam kaya napatingin ako sa kanya ng nanlalaki ang mata.

'Anak ng! Lukaa.'

"Dahil kasi sa benda mo sa ulo." Sabi naman ni Gail kaya tumango tango ako tsaka tumawa.

"Kahit naman siguro pumanget ako, maguhustuhan mo parin ako diba, Jiro." Biro ko habang nakatingin sa kanya. Gulat naman syang napatingin sakin. "Joke." Dagdag ko pa tsaka tumawa.

"Joke daw, di hamak na tunay naman." Asik ni Aaron kaya sinamaan ko sya ng tingin kaya nag-peace sign sya at nadako naman ang tingin ko sa dalawang tahimik sa gilid. Napakunot ang noo ko ng makita ko kung ano ang mga nasa muka nila.

"What happened to your face?" Tanong ko sa dalawa kaya parehong nagiwas ng tingin.

Nakita ko lang naman na puro pasa at mga putok ang mga nguso nina Bryle at Daryl.

"Kasi Kyle..." Salita ni Bryle.

"What happened?" Tanong ko.

"Napaaway lang." Sagot ni Daryl ng hindi parin tumingin sakin.

"Grabe naman yan! Ingat naman minsan." Sabi ko tsaka ngumiti.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now