Chapter 42: Goodbye

23 3 0
                                    

JIRO'S POINT OF VIEW


It's her birthday. My love's birthday.

Excited na nga akong sunduin siya sa kanila dahil magce-celebrate daw kami together ng birthday niya. Nagtaka nga ako ng magtext siya kagabi na aalis daw kami bukas para daw sa birthday niya. Hindi na daw siya maghahanda dahil masyado daw magastos. Siguro nakumbinsi kagabi ni Gail yun. Pumunta si Gail at Darwin sa kanila dahil nakalimutan niya yung mga gift nila, dapat ako yung pupunta kaso pinauwi ako ni Mom dahil sabay sabay daw kaming magdi-dinner kaya ayun, pero masaya ako kasi makakasama ko siya sa mismong birthday niya. January 27.


Nagsuot ako ng yellow t-shirt na may printed na tatak sa left chest niya. Black shorts with black socks and gray rubber shoes.


Hindi nga ako nakapaghanda ng surprise kasi biglaan ang text niya. Balak ko lang siyang surpresahin sa bahay nila pero mukang wrong timing kaya sa susunod nalang. Dumating ako sa kanila ng bandang 9am, nakita ko naman sa labas ang isa nilang maid kaya tinanong ko na dito si Kyle. Bumili pala muna ako ng flowers bago pumunta sa kanila, ang favorite niya, sunflower.


Nakangiti naman ako ng makita ko siyang papalapit sakin pero nawala yun ng makita ko malapitan ng muka niya. Ang mata niyang pugto. Umiyak ba siya.


"Hey, are you alright?" Malambing kong tanong ng makalapit siya at hinawakan ng isa kong kamay ang muka niya. Tipid naman siyang ngumiti bago tumango.

"Hmm.. Yeah.." Simpleng sagot nito.

"Happy birthday, love." Sabi ko at inabot sa kaniya ang bulaklak at niyakap siya.

Pagyakap ko, hindi ko sinasadyang mapatingin sa bahay nila at nakita ko mula sa taas ang isang matandang lalaki, nakatingin siya samin na animo'y pinagaaralan ang galaw namin pero nabalik naman ang wisyo ko kay Kyle nung nawala na yung matanda. Sino siya?

Magtatanong sana ako kung sino yun pero sinawalang bahala ko na siya ang importante kasama ko ng mahal ko.

Pumunta kami sa mall para malibang libang naman siya dahil buong byahe siya walang imik, pagtinatanong ko, iling at tango ang sinasagot sakin kaya kinakabahan ako.

Una kaming pumunta sa play game at naglaro together. Unang nilaro namin ay basketball at nakakatuwa kasi nagawa ko siyang patawain kaya nawala na ang bumabagabag sakin.


"Nice try, love.." Asar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Para naman mawala ang pagkapikon niya, niyakap ko siya mula sa likod at tinuruan kung pano ang tamang shoot ng bola.

"Tsamba kalang naman e," sabi niya pa.

"A-S-A," biro ko at kinindatan siya kaya napangiwi siya dahilan para matawa ako.


Sunod naming pinuntahan ang bilihan ng damit at namili dun ng mga damit na para samin. Nagtatawanan pa kami pag hindi kasya samin ang damit. Namili kami ng couple shirt para yun na yung magiging alaala namin pareho.

"That shirt fits on you," puri nya dahil sinukat ko itong shirt. Shirt na kulay sky blue.


Sunod naming pununtahan ay ang pina-reserved kong table para sa aming lunch. Nakahanda na dun ang mga pagkaing paborito niya at may nakahanda pang cake syempre dahil birthday niya.

"Happy birthday, love." Bati ko ulit kaya ngumiti siya.

"Thank you.." Sabi niya.

"Make a wish!"

Nagpilit naman siyang ngumiti bago pumikit at nagwish pero naalarma ako ng pagmulat niya tumulo ang luha niya.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now