Chapter 29: Happiness

22 2 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW



A days passed mas naging maayos naman ang buhay ko pero nalulungkot din araw araw kasi alam kong malapit na akong bumalik sa states. Bawat segundo, minuto, oras at araw mahalaga na tuloy sakin. Masaya ako pero naiinis at the same time lalo na kapag nagtitext si Kuya Zane sakin about sa nangyayare sakin dito.

"Kyle."

Napatingin ako kay Kuya Zymon ng tawagin nya ako. Nakita ko naman syang nakatayo sa likuran ako.


"Bakit?"

"Baka naman may itatabi ka."

Pagkasabi palang nya, otomatikong napaipod ako sa tabihan ko.

Nakaharang pala ako sa front door ng bahay.


"Bakit ka ba kasi nasa tapat ng pinto?" Tanong nya tsaka naglakad papuntang kotse.


Sumunod ako sa kanya.

"Syempre, hinihintay ka." Sabi ko.

Iling lang ang sinagot nya at pumasok na sa kotse kaya pumasok na din ako sa passenger seat.


"Sina Zyrone at Zeke, nasan?" Tanong ko habang naglalagay ng seatbelt.

"Nandoon na, kasama sina Mom." Sagot nya kaya nagkibit balikat nalang ako. Umalis na kami.



Pupunta kasi kami sa workshop. Magda-drawing at magpi-paint yung motto. Naengganyo sina Mommy at Daddy kaya pinalista kaming apat nina Kuya, Zyrone at Zeke since marunong kaming lahat magdrawing at paint. Si Zyrone at Zeke ay paint at kami ni Kuya sa drawing.

Weekend naman kaya family bonding. Nung nalaman namin tong ginawa nina Mom ay hindi na kami na katanggi tsaka masaya naman siguro.


Wala pala si Lolo at Tito Miel nasa Cavite may inaasikaso tsaka hindi ko sya pupuntahan dahil hindi ko alam kung saan yung cavite.


Pagkarating namin dun ay naabutan namin sa loob sina Mom.

"Akala namin hindi na kayo dadating." Sabi sakin ni Zeke habang naglalakad kami papuntang registeran.


Pinag-register kami ni Mom isa isa kaya nahiwalay kami kina Zyrone since painting sila kaya dun sila sa isang room.

Pumasok na kami sa loob ng workshop at umupo sa aming respective seats. Pinaliwanag naman ni Teacher Sy ang gagawin.

"Draw a something that makes you happy, three draw with different happiness." Sabi ni Teacher Sy.


Napangiti naman ako ng maisip ko ang ida-drawing ko.


"You may start." Sabi nya.


Huminga muna ako ng malalim bago ako magdrawing.

Bawat pagguhit ko napapangiti ako kasi ramdam ko yung saya ng puso ko habang iginuguhit ang nagpapasaya sakin. Ramdam ko ang pagsuporta at pagaalala nila sakin araw araw. Nagiging inspirasyon ko sila sa bawat tatahakin ng buhay ko. Kaya kahit ano mang kalalagyan ko sa mundo nandyan sila para sakin.

After 30minutes ata ay natapos ako sa isa at pinagmasdan ko ng gawa ko. Napangiti ako ng matapos itong maganda at masaya.

"Nice pick of happiness, family." Biglang sabi sa likuran ko. Si Teacher Sy pala.

"Thank you." Usal ko.


Sinimulan ko naman yung pangalawa. Saya din ang naging motivation ko sa pagguhit ng susunod dahil habang iginuguhit ko ito, nararamdaman ko ang pagmamahal sakin ng mga ito. Samahan na walang makakatalo at makakabitag.

Lumipas din ang oras at natapos ko na ang gawa ko. Friends. Yan ang iginuhit ko, nasa dulong kanan si Bryle habang humahagalpak ng tawa, katabi nya si Darwin na nakangiti, nakatakbay naman si Gail kay Darwin habang nakatingin dito, katabi naman ako ni Gail na nakangiti lang, katabi ko si Jiro na tumatawa, katabi ni Jiro si Sam na nakaakbay kay Aaron habang natawa, si aaron naman ang katabi ni Sam na tumatawa habang nakaharap kay Daryl na nakangiti. Napangisi tuloy ako sa iginuhit ko. Masaya lang, walang halong problema.


Dumako naman ako sa last drawing ko. Hindi matanggal ang mga ngiti ko habang ginuguhit ko sya. Masaya lang sya, parang walang iniindang problema. Isang taong naging totoo sa harap ko. Hindi nagsisinungaling kapag ako sa kaharap nya. Walang tinatagong sikreto. Sabi nga ng iba, bihira ng makakita ng taong gaya nya. Ng taong gaya ni Jiro.

Makalipas lang din ng oras ay natapos ko na. Napangiti tuloy ako sa iginuhit ko. Yung second time na nakita ko sya sa school nung nagtranfer ako.

Maayos ang buhok, plantsadong plantsado ang uniform, ang ganda ng mata, seryoso kung makatingin, may earring sa kaliwang tenga at may nakalagay na earpods sa tenga.


"Seryoso ka dyan tol?" Bulong ko habang nakatingin sa drawing ko.


After a minutes ay natapos na lahat magdrawing at ang last task namin ay iexplain bakit ito yung pinili namin.


Nagexplain na yung iba at masasabi ko tama naman sila sa mga sinasabi nila dahil karamihan ay family, kapatid at mga gadgets yung sa kanila. Nakapagexplain na rin si Kuya na napakaikling explanation pero kahit ganong kaikli eh kinikilig parin sa kanya yung mga babaeng kasama namin dito. Ang iginuhit nya nung una ay sina Mom at Dad, nung pangalawa ay si Zyrone at nung huli ay ako. Nung nakita nila ang muka ko sa drawing ay tumingin sila sakin, napagkamalan pa kaming mag-on ni Kuya pero sinabi nyang magkapatid kami.


"It's your turn, Miss Chavez." Sabi ni Teacher Sy kaya tumayo ako at pinakita ko ang una kong gawa.


"Family." Simula ko.

"My family is my greatest happiness. They gave me strength, power, kindness, Hope and love. They also taught me how to love others if it's not part of the family. They always support me in my dreams if it's hard or easy. Kaya kahit gaano man kahirap ang buhay, i would still choose to my family." Explain ko.


"Second, Friends. " simula ko.


"My friends is my greatest gift for me. Napapasaya nila ako sa paraan na hindi ko alam kung paano pasayahin ang sarili ko. Natuturuan nila ako ng mga bagay na kaylanman hindi ko nagagawa sa buong buhay ko. Napapayuhan nila ako kahit hindi nila alam kung ako ba talagang problema ko. Sa regalo, ayoko sa materyal na bagay gusto ko, yung maaasahan, tapat at totoo." Explain ko.






Nakikita ko naman yung kasama ko na napapangiti at tumatango. Huli kong nilabas ang last drawing ko. May kinilig at may napatingin sa labas at napatingin ulit sa drawing ko. Naguluhan ako kung bakit sila tumitingin sa labas kaya napatingin ako dito. Laking gulat ko ng nakakita ko sya sa labas. Nakita ko si Jiro.


Tsk.



"Him." Simula ko habang nakatingin sa kanya mula sa labas. Nakikita ko ang mga ngiti nya kaya napapangiti din ako.




"He is my special man. Itong lalaking ito ang nagturo sakin kung paano pahalagahan kung anong meron ka. Kung pano ipakita ang nararamdaman sa isang tao. Bawat sinasabi nya sakin hindi lang natatak sa isip ko, kundi rin sa puso ko." Sabi ko at nakikita ko syang nailing habang nangiti.





Tumingin ako sa kanya at sinabi ang salitang nagpangiti lalo sa kanya.










"Happiness is a choice, and i found it to you."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now