Chapter 18: I love it

27 2 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

After one month, naging masaya ang buhay ko dito at nakapagbonding kami ng pamilya ko araw araw. Matatapos nadin ang taping namin para sa movie project. Mas lalo naman akong napamahal sa pilipinas at lalo din akong nasiyahan sa pito kong kaibigan. Naging mas lalo naman kaming nagkamabutihan ni Jiro. Nalaman ko pa ang good sides nya at bad sides. Sanay na akong tawagin nilang Kyle dahil ang pangalan kong Kyle ay para lamang sa kanilang pito. Umalis na din si Kuya Zane kahapon, si Zeke naman ay happy go lucky lang dito, pinag-home school kasi ni Mom.

Kasalukuyan naman kaming nasa taping ngayon. Naging close ko din ang productions staff at si Direk Red. Lawyer pala sya slash director. Last na naming taping to. Scene namin ni Jiro to at sobrang bigat nito. Iiyak ako at iiyak din sya.

"Okay... Ready...in 5..4..3..2..and action!" Sigaw ni Direk kaya nagsimula na kami.

"Ano Nicole? Sya ba? Sabihin mo sakin? Sya na ba ang mahal mo!"

"Oo!" Mariing sigaw ko tsaka umiyak. Madali lang saking umiyak dahil nirelate ko ito sa nangyari sakin one month ago.

"Oo siya na ngayon ang mahal ko. Siya na ngayon ang gusto ko. Sana noon palang siya nalang ang minahal ko at hindi ikaw." Sabi ko pa habang umiiyak. "Alam mo kung bakit ako nakipaghiwalay sayo? Ayoko na sayo, hindi na ako masaya sa relasyong ito. I'm tired, I'm tired of being second priority, I'm tired to understand you and I'm tired to loving you. Please, pakawalan mo na ako...matagal na akong bumitaw at ikaw nalang ang hinihintay kong bumitaw.... Pagod na ako...pagod na pagod na ako... Just let me go." Sabi ko sa linya at nagsimula ng maglakad papaalis sa harap nya ng magsalita sya.

"Kung yan ang gusto mo, sige pero sa sampung segundo... Sa sampung segundong ito kapag lumingon ka akin kana at hindi ako magdadalwang isip na agawin ka sa kanya pero pag hindi ka lumingon sa sampung segundo asahan mong hindi na ako mangggulo sayo at hindi narin ako magpapakita sayo tsaka sinyales na rin na tapos na tayo." Sabi nya at nagulat ako.

'Okay Kyle, hindi ikaw yan! Portray mo lang si Nicole kaya wag kang kabahan sa sinabi niya.'

One....

"I love you babe.." Aniya.

Two...

Three..

"Comeback to me... I'm willing to do what ever you want, just comeback to me please." Usal nya. Bakit ba kinakabahan ako.

Four.....

Five.....

Six....

Seven.....

"Babe, I'm begging you..."

Eight......

Nine.....

"So this is the sign that you and me will not be together.... Goodbye.. Nicole Guevarra..." Pagsuko nya.

Ten.....

'Goodbye... Renz Dela Fuente.'



"And..... Cut!" Sabi ni Direk kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Agad naman akong nilapitan ni Jiro.

"Hey, are you okay?" Tanong nya kaya tumango ako at nagokay sign.

"Kyle!" Sigaw ni Sam at Gail.

"Ang galing! Sobrang galing mo Kyle." Puri ni Gail sakin.

"Yeah! Yung mga lines...tagos na tagos eh...para talaga siyang si Nicole." Sabi naman ni Sam.

"Salamat." Sabi ko at pilit na pinapatahan ang sarili.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Jiro.

"Oo naman." Sagot ko't ngumiti sa kanya para hindi siya maghinala.

"Girl, balik muna kami sa tent.. Scene na namin yung sunod eh." Sabi ni Gail kaya umalis na sila ni Sam.

"Kukuha kitang tubig, wait." Sabi ni Jiro tsaka umalis. Dun ko naman binuhos ang mga luha ko pagalis nila.

Nakangiti akong pinagmasdan na naglalakad sina Gail at Sam habang nagtatawanan, napatingin naman ako sa gawi nina Bryle at Daryl na naglalaro sa sarili nilang phone, napatingin naman din ako sa gawi nina Darwin at Aaron na parehong nagbabasa ng mga lines nila at napatingin din ako sa gawi ng naglalakad na si Jiro patungong tent para ikuha ako ng tubig.

Kahit one month na ang nakalipas, hindi parin talaga nawawala sakin ang katotohanang aalis parin ako sa piling nyo. Kahit gaano tayo kasaya ngayon may lungkot parin sa mga mata ko. Sana walang may magalit sa inyo kung sakaling aalis nalang basta ako. Sana pagdumating ang araw na magkita muli tayo, sana nandyan parin ako sa puso niyo. Masakit mang isipin na lilisan ako pero sana maging masaya kayo kahit wala na ko.

"I will missed you." Bulong ko.

"Kyle, here." Sabi ni Jiro habang inabot sakin ang tubig na kinuha ko naman at ininom.

"Thanks." Sabi ko pagkatapos ininom.

"Okay kana?" Tanong niya.

"Okay na. Salamat." Sabi ko at napangiti naman siya.

Pagkalipas ng ilang oras at natapos na ang taping ay pinatawag kami ni Direk at pinasalamatan kami sa pagkokooperate namin sa kanya kaya napagdesisyunan na magkaroon ng thanks giving party mamayang gabi. Since, friday naman ngayon ay pumayag kami at gaganapin ito sa bahay nina Jiro at magiisleep over din kami dun.

Isang linggo pa bago namin ipasa ito kay Miss Zin at sa isang linggong yun ay ieedit pa.

Bago mag4 ng hapon ay umuwi na kami para makapagpaalam at makapaghanda.

Pagkarating ko sa bahay ay nagpaalam agad ako at pinayagan naman pero kasama ko na naman si Tito Miel. Naghanda na ako ng gagamitin at pagpatak ng 6pm ay umalis na kami ni Tito Miel. Gamit ni Tito Miel ang kotse ko papunta kina Jiro. Pagkarating namin dun ay nakita na namin yung mga staffs and sina Sam. Pagpasok ko palang ng bahay ay aaminin ko ng sobrang ganda at maayos.

"Kyle." Tawag mula sa taas kaya napatingin ako dun at nakita ko si Jiro na nakangiting nakatingin sakin kaya kinawayan ko sya.

"Buti nakadating na kayo." Sabi nya ng makababa at nagapir pa sila ni Tito.

"Hmmm..yeah." Tanging nasagot ko.

"Ano yun dre, si Kyle lang ang binati at hindi kami? Wala na nakakatampo na!" Maktol ni Aaron kaya binato sya ng unan ni Jiro.

"Loko." Sabi nito at humarap ulit sakin. "Tara." Dagdag nya tsaka ako hinila papuntang pool area.

"Woah." Tanging nasabi ko ng makarating kaming pool area.

"You like it?" Tanong ni Jiro.

"No." Deretsong sagot ko na nagpakunot ng noo nya.

"Why?" Takang tanong nito.

"Because, i love it." Sabi ko at dun ko unang nakita kung pano siya.



Ngumiti ng may ningning sa mata.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now