Chapter 11: Role

42 3 0
                                    

KYLE POINT OF VIEW

At sa wakas, nakapasok na din ako after paglabas ng hospital at sa tatlong araw na pahinga.

"Hey, nakapasok ka na pala, Kyle." Sabi sakin ni Franz pagkapasok ko.

Nginitian ko sya. "Oo eh."

Nakita ko dun si Darwin sa sulok. Nakasalamin na naman ang luko.

"Hi, what are you doing?" Tanong ko kaya napaharap sya sakin.

"Hi Kyle, nagbabasa lang. Bakit nga pala ang aga mo?" Tanong nya.

"Wala lang, napa-aga. Syempre, ngayon nalang ako papasok." Sagot ko tsaka tumawa at natawa din sya.

Nagkwentuhan naman kami ni Darwin bago dumating sina Daryl, Bryle, Sam at Gail. Nakisali na din sila sa usapan hanggang sa dumating si Jiro at aaminin kong gwapo sya dahil nakasalamin sya.

"Ano yan, Jiro? Gumagaya kay Darwin?" Natatawang tanong ni Daryl kay Jiro. Si Darwin kasi ay may salamin, since nung unang araw ako dito hanggang ngayon. Nerdy type na gwapo.

"No. Trip ko lang at muka namang bagay eh." Sabi nya at sumulyap pa muna sakin tsaka tumingin kina Sam.

"Pero, gwapo ka dyan." Sabi ko at nagulat naman sya. Napatikhim naman yung anim. "Problema nyo?" Tanong ko.

"W-wala naman. May bumara lang girl." Sagot ni Gail.

"Ano yun? Lahat may bumara. Haha funny.." Sabi ko at natawa naman yung anim at dumating na si Miss.

Dumating si Miss Zin kaya napaayos ako ng upo. Holy shit! Bukas ko pala, susunduin si Zeke sa airport. Nalimutan ko. Nakow.

"Oh, miss Chavez, it's nice to see you again." Pansin sakin ni Miss na ginantihan ko ng ngiti.

Nagsimula na ang dismissal at pinaliwanag nya din ang gagawin naming movie. Gagawa kami ng sarili naming movie na sariling genre at sariling script. Sinabi nya rin sakin na sina Sam nga ang mga kagrupo ko. 'Wow'

Natapos na si Miss Zin at ang isa pang Lec kaya ngayon ay Break. Dumeretso kami sa cafeteria at nahihiya ako sa mga taong nakatingin sakin dahil sa sugat ko sa noo na may benda naman.

Um-order sila Daryl, Bryle at Gail. Nalimutan ko, absent nga pala si Aaron dahil dumating yung lolo nya.

"Sam." Tawag ko.

"Yes?" Nakangiting sagot nya.

"May gagawin ka bukas?" Tanong ko.

"Yes girl, may pupuntahan kami ni Gail na isang charity event sa Rizal eh. Bakit?" Tanong nito.

"A-ah wala, nevermind." Sagot ko tsaka tumingin sa phone ko.

'Wala akong kasama tsk, no choice.'

"I can join you." Biglang sabi ni Jiro kaya napatingin ako sa kanya.

"H-ha?"

"I said, I can join you. Sasama ako bukas sa pagsundo sa pinsan mo."

"How did you know---"

Napatigil ako ng marealize kong narinig nya pala ang pinaguusapan namin ni Zeke.

"Okay lang sayo?" Tanong ko at tumango sya kaya napangiti ako.

"Okay. Thank you." SabI ko.

Natapos na ang maghapon na klase pero nandito parin kaming walo sa school dahil sabay sabay na kaming uuwi. Nagusap kami na sa bahay na nina Bryle magmeeting para sa gagawing movie namin. Nagusap narin kami ni Jiro na susunduin nya ako samin dahil di ko pa alam ang bahay ni Bryle.

Pagkauwi ko, nagbihis ako at nagpaalam na kay Manang, since wala naman sina Mom dahil may duty. Maaga naman akong sinundo ni Jiro papunta sa bahay nina Bryle. Pagdating namin dun, si Sam at Gail palang ang nandon. Pumunta kami sa pool area nina Bryle at naupo sa bench don. Aaminin kong maganda talaga ang bahay nina Bryle, mansyon. Wala ang parents nya kaya kami kami lang din ang nandito. Minuto lang din ang tinagal namin bago dumating yung kambala at si Aaron. Pagdating nila ay nagumpisa na kaming magusap usap.

"So guys, sino si Troy Javier, sya ang magkakagusto sa protagonist nating babae. So, who?" Tanong ni Sam since sya ang may hawak ng script. Nagawa na pala ang lahat nung panahong wala ako. May production na nga kami eh dahil sa Tito ko.

"Si Darwin, parang bagay sya bilang Troy eh. What do you think guys?" Sagot ni Gail na napasangayon naman kami. Kaya si Darwin na si Troy Javier.

"Then, sino naman si Jarvis Marasigan, sya naman ang kaibigang may saltik ng protagonist na lalaki?" Sabi ni Sam.

"I think bagay sa role na yan si Aaron." Nasabi ko at nasangayunan naman agad ako. Kaya si Aaron ay si Jarvis Marasigan.

"Eh, sino si Jeric Glen Guevarra, kapatid ng protagonist na babae." Sam.

"Hmm... Si Daryl na yan." Sabi ni Bryle kaya pumayag  kami.

"Eh sino si Allison Hidalgo, ang kaaway ng protagonist na babae dahil may gusto ito kay Troy." Sam.

"Si Gail na dyan." Si Daryl.

'Anong role ko?'

"Eh sino si Lance Justine Ramos, kaibigan ng protagonist na lalaki." Si Sam.

"Si Bryle." Si Gail.

"So, si Jiro ang gaganap ng bida, which is si Renz Dela Fuente." Si Sam at kitang kita ko ang gulat sa lalaking kanina pang nakatulala.

"Teka! Bakit ako?" Maktol ni Jiro.

"Okay lang yan. So, sino si Maureen Ortega, ang kaibigan ng protagonist na babae." Si Sam.

Sasabihin ko sanang ako eh...kaso.

"Ikaw na don." Sabi ni Jiro kaya gulat akong napatingin sa kanya. So, ako yung.....

"Edi Kyle na ang bidang babae which is si Nicole Guevarra." Sabi ni Sam.

"Wait--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Jiro.

"Okay na yan. Mas gusto kitang kasama kesa yung iba." Sabi nya na gulat na gulat ako maski sila.

'Wag kang ganyang kurimaw ka, baka ma-misinterpret ko.'

Sinabi samin ni Sam ang magiging flow nung movie at sa umpisa nakakahinga pa pero yung sa huli, hindi na. Nakakainis. May away scence pa. Naikwento nya na maghahanap na tayo ng location kung saan saan magme-meeting. May naka-reserved ng sasakyang gagamitin ng production sa shooting. Isang van nina Darwin para sa mga staffs and personnel, isang van nina Gail para sa mga equipment at yung mga art art something, isang van nina Aaron para sa mga damit na gagamitin natin at isang van nina Jiro para saming walo at kasama namin yung director sa van na di pa namin nakikilala. Apat na van para lang sa movie namin at yung director namin ay makikilala namin sa Sunday.

'I hope na maging okay itong movieng to. Please.....work.'

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now