Chapter 2: Lolo Min

106 3 0
                                    

JIRO'S POINT OF VIEW

Uwian na. Naglalakad ako papuntang parking lot. Wala na sina Bryle at Darwin dahil nauna na sila, sina Aaron naman ay nasa training pa ng swimming, si Daryl naman ay nakikipagdate at sina Sam at Gail naman ay nasa Mall kaya naiwan na akong magisa pero pagkarating ko sa parking lot....

'Woah'

dO_____Ob

'Nakita ko lang naman si Kyle na parang naghihintay.'

"Hey." Tawag ko ng makalapit ako sa kanya kaya napatingin naman sya sakin at napangiti ng makita ako.


"Hey." Bati nya. Napatingin naman ako sa likod nya dahil napansin kong bukas ang pintuan ng driver seat ng kotse nya kaya napatingin din sya rito.

"Kotse mo?" Tanong ko kaya tumango naman sya. "May hinihintay kaba?" Dagdag ko.

"Ah, wala. Napatawag kasi ako sa Dean's Office." Sagot nya. Pinatawag sya ni Lolo? Why?

"Ah, okay. By the way, Una na pala ako ha. Bye." Paalam ko kaya tumango nalang sya tsaka pumasok sa kotse nya.

Nauna naman ako sa kanya. Hindi kasi kalayuan ang village namin sa school kaya mabilis akong nakarating dito.

"Magandang hapon po, Sir Jiro." Bati ni Manong Pedro. Ang guard namin sa village pero binusinahan ko na lamang sya.

Bahay.

Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko si Manang na nagaayos sa sala kaya ginulat ko ito.

"Baaahh....Bwahahahahahahaha..." Gulat ko ng may pagtawa.

"Dyos miyo marimar....Antonio iho, bakit ga ika'y nanggulat ha."

"A-arayyy....Manang naman...." Maktol ko ng hampasin nya ako.

"Salbahe itong batang ito...ay sya, kumain ka na ba, iho?" Tanong nito at umiling naman ako. "Halika rito sa kusina at ng mapaghandaan kita ng miryenda." Dagdag nito tsaka naglakad papuntang kusina.

"Bihis po muna ako, Manang." Sabi ko narinig ko naman syang umoo kaya umakyat na ako pero napatigil ako sa pagakyat ng may maalala ako.

"Manang." Tawag ko.

"Bakit iho."

"Sina Mommy po ba nandito?" Tanong ko pero nagbago ang ekspresyon ni Manang kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Nako iho, umalis sila ng Daddy mo. May nangyari daw eh." Paliwanag ni Manang kaya ngumiti nalang ako ng pilit tsaka nagpatuloy na sa pagakyat.

'Lagi namang ganito. Ano pa bang inaasahan ko.'

Pagkarating ko sa kwarto tsaka ako nagbihis at bumaba para kumain ng miryenda.

***********

KYLE'S POINT OF VIEW

BAHAY.

"Hey Zyrene, how's school?" Tanong ni Kuya Zymon pagkarating ko.

"Nakatayo pa rin." Biro ko kaya sinamaan nya ako ng tingin. "Maganda, maganda...promise." Bawi ko kaya natawa ito at ginulo ang buhok ko.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now