Chapter 35: Sorry na

20 2 0
                                    

KYLE POINT OF VIEW

"Uy, malapit na ang christmas!" Bungad samin ni Aaron ng makarating kami ni Gail at Sam sa cafeteria. Umupo kami sa upuan ng dati naming table.

Nga naman. Malapit na ang pasko. Napapangiti ako pagnaaalala kong dito ako magpapasok, for a very first time. Ano kayang pakiramdam na magpapasok na? Masaya siguro dito pagpasko.

"First time mong magpapasko dito diba?" Nabigla ako sa tanong ni Darwin pero ngumiti ako at tumango.

Dinikitan naman nila akong lima at gulat na gulat na tiningnan ako. Anong meron?

"Seryoso, Kyle. First time mo lang dito magpapasko?" Tanong ni Bryle.

"Oo eh hehe..."

"Edi first time mo lang pumunta ng pilipinas." Tanong ni Aaron kaya binatukan siya ni Sam.

"Abnoy... First time lang dito nagpasok, hindi na agad pumupunta dito ganon?" Bara ni Sam.

"Tama si Aaron, Sam. First time ko dito." Sagot ko kaya gulat na gulat sila.

"Pero ang tatas mong magtagalog." Sabi ni Gail kaya natawa ako.

"Ang maid ko kasi sa states ay pilipina kaya marunong ako.." Sagot ko at nagtanguan naman sila.

Nagsimula ng umorder sina Daryl, Darwin at Bryle. Nag-cr naman si Aaron kaya naiwan kaming mga babae dito. Wala pa si Jiro kasi pinatawag siya sa faculty.

Buong lunch ay wala si Jiro, minsan nga tinatanong sakin nina Sam pero nagkikibit balikat ako. Alam naman nila eh. Alam naman nilang magkaaway kami ni Jiro.

Nung nakaraang araw kasi ay pumunta dito si Ichi kaya lang nakita kami ni Jiro na nagusap kaya ayun si abnormal, sinapak niya yung tao kaya nagaway kami pagkatapos nun at hanggang ngayon padin.

Ganito kasi yun....













"Kyle.."

Napatingin ako sa likod ng may biglang tumawag at nakita ko si Ichi na nakaway kaya ngumiti ako at kumaway din. Nilapitan niya ako at bumati.

"Hey musta?" Bati niya.

"Okay lang, ikaw?"

"Eto, babalik na ng japan." Pagkasabi palang niya nun ay nalungkot na ako kasi past few days naging kaibigan ko na si Ichi.

"Ganon ba? Nakakalungkot naman." Sabi ko kaya natawa siya.

"Ano kaba, nandyan naman si Jiro para pasayahin ka." Asar niya kaya natawa ako.

"Loko..."

"Speaking of Jiro, sorry pala nung huli tayong magkita, sadyang inasar ko si Jiro." Sabi niya at nagkakamot pa ng ulo.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now