Chapter 5: Zeke?

48 2 3
                                    

JIRO'S POINT OF VIEW

Dahil sa sigaw ni Sam ay kinantsawan na kami ng mga kaklase namin hanggang ngayong uwian. Nakita ko naman si Kyle na hindi nagpapaapekto sa asar kaya hindi na rin ako.

"Class dismissed." Sabi ni Miss sabay alis kaya nagaayos na kami ng gamit ng biglang...

"Jiro, ihahatid mo ba si Kyle?" Biglang sigaw ni Franz, maganda naming president kaya naghiyawan na naman ang mga kaklase ko.

'Tss.'

"Hey, Tara na." Yaya ko tsaka walang anumang lumabas ng room.

Naiinis ako. Nung nalaman lang nilang magkatext kami ni Kyle akala mo eh nakakita na ng magasawa eh. Pero, tunay kaya yung napangiti sya habang nakatutok sa phone nya? Sh*t. Bat ko ba iniisip yun. Naiinis ako. Arghh.... Bat ganun----

"Jiro." Tawag palang alam ko na kung sino.

"Bat ka nalang umalis?" Tanong ni....Kyle.

"M-may tumawag kasi." Pagsisinungaling ko. Tss. Naiinis ako.

'Ang bilis ng tibok ng puso ko.'

"Ah, okay. Mauna na ko." Sabi nya at akmang hahakbang pero pinigilan ko to.

"Sandali---"

"Uyyyyyy....yieeeeee..."

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may nagiritan at nagkantsawan.

'Ang lintek ng anim na to.'

"Uy ano yan?" Asar ni Aaron na may kakaibang tingin kaya napaalis naman agad ang hawak ko sa braso ni Kyle.

"Ah, wala. May sinabi lang sya sakin." Giit ni Kyle.

"Eh bakit kailangang hawakan sa braso?" Asik ni Bryle na may ngisi sa labi.

'LINTEK KAAAA BRYLE DUSTINEE!'

"Hindi ba pwede ayoko syang umalis kaya pinigilan ko?" Saad ko kaya ayun....

LAHAT SILA TULALA NA NAKANGANGA PA...even Kyle.

Kaya ngingisi ngisi akong naglakad papuntang parking lot. Pagkasakay ko tsaka ako bumusina dahil nakita ko silang papunta na dito.

"TEKAAAA!!!" sigaw ni Aaron kaya hininto ko ang sasakyan ko at nagulat ako ng pumasok sya.

"Anak ng! Bakit?" Asik ko.

"Sasabay ako." Ngising sagot nya.

"Anong silbi ng may ari kayo ng auto shop kung hindi mo gagamitin ang mga sasakyan mo?" Inis na singhal ko sa kanya kaya tumawa sya.

"Hinatid lang ako ni Mang Dario dahil tinatamad akong magdrive kaninang umaga." Sagot nya.

"Pwes, hindi ko na problema yun. Layas." Sabi ko.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now