Chapter 7: Baseball

44 3 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Dumaan ang linggo na wala man lang ginawa ang buhay ko...de joke lang. Namasyal lang kami ni Kuya at Zyrone sa mall ni Sam at hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko sya sa isang books store na saktong bibili ako. Mahilig kasi ako sa libro, mala-novel o kahit ano tsaka nagbabasa din ako sa wattpad. At ngayon ay lunes, pasukan na naman.

Napangiti naman ako sa naalala ko. Ang reaksyon ni Jiro nung sinabi kong pinsan ko si Zeke.


'Shocked.'



Kasalukuyan naman akong naglalakad papuntang room ng makasalubong ko si Daryl na may kasamang babae at napatigil naman ako sa kalayuan dahil nakita ko lang naman na may dumaan na babae sa harap nila at walang anuman na sinampal nung babae si Daryl at may sinabi pa ito pero di ko narinig. Pagkaalis nung babae tsaka pinaghahampas si Daryl ng babaeng kasama nya na mukang bulaklak na bigay nya.


"You cheater. I hate you." Yan ang huling sinabi nito bago umalis.



Iiling iling akong lumapit kay Daryl na nakangising nakatulala habang hawak ang kaliwang pisngi na animo'y hindi makapaniwala.


"Tsk..tsk..tsk." Usal ko kaya napatingin sya gawi ko at nakita ko lang naman sya kung panong gulat ang naging reaksyon nya ng makita ako at lulunok lunok pa.



'Ganito ba ako para matakot sya. Ah, the last time I check nung may ginawa syang kalokohan ay pinanghingi ko sya ng tawad. Kaya!'



"Kyle....ano....yung na-nakita mo ka-kasi eh...ano...wala yun. B-break na kami ni Chris pe-pero nakita n-nya kami ni Anya...wala yun." Deretsong paliwanag nya na may pakamot kamot pa kaya Hindi ko na napigilan ay tumawa na ako.


"HAHAHAHAHA....BWAHAHAHA.." tawa ko at nakita ko naman syang napapatingin sa mga tao kaya kinalma ko ang sarili ko at tumingin sa kanya kaya bumalik na naman ang kaba nya.


"Bakit ka nagpapaliwanag? Ano kaba okay lang sakin yun, hindi mo naman maalis sa sistema mo ang pagiging 'cheater' pero ito lang ang sasabihin ko..." Sabi ko at nakikita ko naman syang lumunok ng tatlong beses. "Dadating ang isang araw na makakahanap ka ng katapat mo at sa panahon nayun ay wala kang magagawa kung hindi mag mahal ng totoo." Dagdag ko kaya tumango tango sya kaya niyaya ko na syang pumasok.



Pagpasok namin ay para lang namang basurahan ang room. Nagbabatuhan ng bolang papel ang mga kaklase naming lalaki na pinamumunuan nina Aaron at Bryle panigurado, si Samantha naman ay nakaupo sa teachers table habang si Gail naman ay nasa upuan ng teachers table at huli kong nakita si Jiro na nasa sulok na may palsak na earphone.



"Guys, tumigil na kayo." Suway ni Franz pero parang walang narinig ang mga kaklase ko at nagpatuloy parin sa pamamato hanggang sa natamaan na si Andeng, ang muse namin.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now