Chapter 3:Tito Miel

56 4 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW


Naglalakad ako sa hallway ng makita ko sina Bryle at Daryl na papunta sa gawi ko pero bago pa yun, nakita kong pinatid ni Bryle yung lalaking nerd kaya in the end, bagsak yung lalaki kaya patakbo akong pumunta sa kanila at nagulat pa silang dalawa sa pagdating ko. Kung kanina ay utas na kakatawa si Daryl ngayon naman ay lumaki ang singkit nyang mata.

"Hey, are you okay?" Baling ko sa lalaking pinatid ni Bryle.

"K-kyle." Rinig kong asik ni Bryle.

"A-ah, i-i'm okay...t-thank you." Utal na sabi nito tsaka dali daling umalis kaya nalihisan ko ng tingin ang dalawang lokong ito. Parehas naman silang nagiwas ng tingin.

"Hindi ako natutuwa sa ginawa mo." Seryosong sabi ko kay Bryle kaya napayuko sya. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng kapwa ko estudyante.

"S-sorry." Nakayukong asik nya.

"Tss, magsorry ka." Sabi ko kaya napatingin sya sakin.

"Kyle naman..."

"Bakit? Hindi ka magsosorry?"

"Magsosorry na ko, magsosorry na ko." Sabi nya tila parang nababalisa tsaka umalis at hinabol yung lalaki kaya napadahas naman ako ng tingin kay Daryl.

"At Ikaw." Sabi ko kaya nagulat sya.

"B-bakit?"

"Magsorry ka."

"Ha?"

"Anong 'ha'? Ano ka? Bingi? Bahala kang isipin kung anong sinabi ko. Hindi ko na uulitin." Asik ko.

"Magsosorry na nga rin eh oh, ito na." Sabi nito tsaka tumakbong sumunod naman kay Bryle. Kaya umalis na ako dun pero may naririnig akong usapan. Tsk.

"Sino naman sya?"

"Ang galing nyang utusan si Daryl my loves ah."

"Tsaka hindi sya natatakot kay Bryle."

"Yan nyo yan, attention seeker yan eh."

"Feeling matapang."

"Tara sumbong natin kay Sam."

"Oo pati kina Jiro."

"Tara...Tara...Dali..."

'Hay nako! Maguusap na nga lang maririnig ko pa.'

"Hi." Nagulat ako sa umakbay sakin kaya napatingin ako dito at saktong nasa room na kami. Si Gail.

"Hi." Bati ko din.

"Aga mo ah, bakit?"

"Ah, wala lang hehe."

"I heard what happened."

"Ha?" 'Anong sinasabi nito?'

"Yung kanina, kay Bryle at Daryl."

"Ah, oo. Nainis kasi ako eh kaya sinabihan ko sila."

"Don't worry hindi kami galit sayo, couz sina Bryle naman ang may fault eh."

"Ah, hehe.."

"Buti nga pinagalitan mo eh, hindi kasi nakikinig yang mga yan samin at buti nakinig sayo."

"Yaan mo na sila."

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ni Gail at hindi ko mapagkakaila na mabait sya talaga.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now