Chapter 44: We're not be

24 4 0
                                    

Kasabay naming pito lumabas si Kyle, nagpaiwan si Sari sa loob para makamusta ang lagay ni Lolo at nauna naman ang nurse na kasama ni Kyle kanina.

Patuloy sana siya sa paglalakad ng bigla siyang tawagin ni Bryle. Tila nagulat siya ng tawagin siya nito na maski kami, nagulat kung bakit tinawag ni Bryle si Kyle. Nakita ko naman kung pano kumunot ang noo nina Aaron at Sam sa pagtawag ni Bryle. Nakalimutan kong galit nga pala si Sam at Aaron kay Kyle dahil sa pagiwan sakin. Alam nila ang naging paghihirap, iyak, sakit na nararamdaman ko nung iniwan niya ako. Silang pito ang nandon nung mga panahon hinahanap ko siya. Umalis nga naman ng walang pasabi diba. Birthday! Puta, birthday niya siya umalis. Boba, Jiro.

Jiro? Seven years ko ding kinalimutan ang pangalang yan. Haha..

"Yes?" Sagot ni Kyle.

"How are you? It's been a while?!" Bati ni Bryle. Nanatili naman kaming tahimik na anim.

Nakita ko siyang pilit na ngumiti bago sumagot. "I'm okay."

"Akalain mong doctor kana," nakangiting puri ni Bryle.

"Hmm.. Yeah," sagot nito.

Pagsasalita sana pa si Bryle ng biglang may tumawag kay Kyle na nurse.

"Doc Zyrene, may naghahanap po sa inyo?" Sabi nito at tumingin sa likod niya.

Nakita namin doon ang isang lalaking matangkad na may hawak ng bulaklak na nakangiti sa harap ni Kyle.

"Hi, Zyrene." Bati nito at bineso si Kyle.

Nakita ko naman ang gulat sa muka ni Kyle bago pumilit ng ngiti at tumingin sakin, samin.

"Uh, i have to go, bye." Sabi niya at nagpadahas pa ng tingin saglit sakin.

"Let's go, Paul." She said before they leave.

Is that her boyfriend?

Nanatili naman kaming tulala habang naglalakad.

"Boyfriend niya yun, siguro." Narinig kong bulong ni Bryle kay Daryl na nagkibit balikat naman tong isa.

'Paul.' Baka nga boyfriend niya.


~*~

KYLE

"WHAT are doing here?" Agad na tanong ko sa kanya ng makapasok kami sa opisina ko. Nakita ko naman siyang nakangisi kaya napairap ako.


"Why? What's wrong about visiting my cousin's here?" Asar niya.

"Asshole! What are you doing here, Paul? I'm on my duty." Inis na asik ko kaya natawa siya.

"Easy, Zyrene. I'm here because of this." Sabi niya at inabot sakin ang hawak ng bulaklak.

"What's this?"

"Pinabibigay ni Lolo Min sayo." At nagtagalog din.

"Para 'san?"

"Nabalitaan kasi ni Lolo Min na nandito kana sa Pinas kaya pa-welcome ata yan sayo." Sabi niya at nagkibit balikat.

"Oh, okay." Sabi ko at binaba sa table ko ang flowers.

Isang linggo na ko dito ngayon lang naisipan na padalahan ako. Hay nako.

"Pano, I'll go ahead, Rian is waiting for me." Sabi niya at pakindat kindat pa.

"Okay. Thank you for deliver this." Asar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin bago padabog na sinara ang pinto ng office ko kaya naiwan akong tatawa tawa.

Nawala naman ang natawa ko ng maalala ko ang muli naming pagkikita. I'm sorry. Yan paulit ulit ang natakbo sa isip ko kaninang magkaharap kami. Nakakatuwa dahil malayo na ang narating niya. Artista na siya. Model. Nakita ko kasi nung unang rating ko dito last week, nakita ko siya sa billboard. Nakakatuwang naging artista siya.

Pero nangangamba ako kanina, baka akalain nilang boyfriend ko si Paul gawa ng sa flowers. Aaminin kong nasaktan ako kanina habang nasa loob kami ng kwarto habang nagpapaliwanag ako kay Tita Amanda. Nakita ko kasi kung pano siya tumingin sa babaeng katabi niya kanina. Idagdag mo pa ng bigla akong kausapin ng Bryle. Aaminin ko ding nasaktan ako dahil si Bryle lang ang may kayang kausapin ako. Pero wala akong magagawa kung galit sila sakin.

Nakapikit akong nakasandal sa swivel chair ng biglang may kumatok.

"Come in." Sabi at nanatiling nakapikit pero hindi hindi ako nakaharap sa pinto.

"Kyle." Boses palang napamulat agad ako at inikot ang upuan ko para makita siya.

Dali dali akong tumayo at niyakap siya. Niyakap si Gail. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak kaya in the end, umiyak kaming pareho.

"Namiss kita." Bulong niya at naghiwalay kami sa yakap. Pinunasan ko naman ang hula ko at mariing natawa dahil natawa siya sa sarili niya.

"Namiss din kita. Kamusta na? It's been six years." Sabi ko.
.

"Ito okay naman, sorry kung hindi na ako tumatawag at nawalan ng koneksyon sayo noon." Sabi niya.

Simula kasi nung umalis ako seven years ago, may koneksyon parin kami ni Gail at Darwin. Isang taon din kaming may koneksyon dahil pumunta pa nga sila sa states nung 18th birthday ko pero pagkatapos ng birthday ko, nawala na ang koneksyon namin. Balita ko din ay nalaman nina Sam na nakakapagusap parin kami ni Gail.

"Okay lang yun. Kamusta kayo. Ka-kamusta siya?" Nanghihinang sabi ko.

"Okay kami. Okay lang siya. Bumalik na sa dati." Sagot nito kaya mariin akong natawa at tumango. Umupo kami sa occupied couch sa office at dun nagkwentuhan.

Nalaman kong nalaman nga ni Sam an anguusap kami ni Gail kaya binantaan ni Sam si Gail na kung hindi titigil makipagusap sakin ay hindi na niya ito kaibigan. Nalaman ko ding silang dalawa ni Aaron ay galit sakin dahil sa pagiwan ko kay Jiro. Nalaman ko din na hindi na Jiro ang pangalan ni Jiro ngayon kundi Jareen dahil ang pangalang Jareen ang nagpasikat sa kanya sa mundo ng modeling, singing and acting. Nalaman ko ding sila na pala ni Gail at Darwin and Aaron and Sam. Nalaman ko ding alam na pala ni Daryl at Bryle kung bakit ako umalis, todo sorry pa si Gail kasi hindi daw sinasadyant marinig ng dalawa ang pinaguusapan nila ni Darwin.

"Okay lang, as long as wag nilang sasabihin kay Jiro, kahit magalit pa siya sakin okay lang basta alam kong safe siya." Sagot ko.

"Saan na nga ba si Mr. C? Buti pinayagan ka na dito sa Pinas." Sabi niya.

Yumuko naman ako. "He died, five years ago. Cancer." Sabi ko at naramdaman ko siyang niyakap ako.

"I'm sorry." Sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Okay na. Masaya na ako. Nagsorry din siya sakin nung huli." Sabi ko.

"Okay na din yun. Safe na kayo, pwede na kayo." Sabi niya.

Ngumiti ako at tumayo.








"Hindi na kami pwede."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now