Chapter 36: Partner

19 2 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW




Dahil malapit na nga ang christmas ay abala yung mga teacher namin para sa gaganaping christmas ball. Nagulat nga kami nang malaman na may ganon eh pero at the same time ay excited kasi makakaranas ako dito ng ball. Kailangan daw ng kapartner kaya kailangan ko nun haha....


"May naisip na ba kayong partner, boys?" Tanong ko since ako lang naman ang girl dito sa ground na kasama sina Bryle, Daryl, Darwin at Aaron.


"Ako wala pa." Sabi ni Bryle habang nangangain ng snacks.


Wala kasi sina Gail, Sam at Jiro dahil pinatawag sila sa Dean office.


"Hmm... Siguro si Anya akin... I don't know." Sabi ni Daryl na animo'y nagiisip. Sabagay, madami siyang girl...ay girls pala.


"Uh, Kyle..." Napatingin ako kay Aaron ng bigla niya akong tawagin.


"Bakit?" Tanong ko at tumabi siya sa tabi ko kaya napatingin kaming lahat sakanya.


"Tulungan mo naman ako.." Sabi niya at nakiusyoso naman yung tatlo.


"Saan?" Taka kong tanong.


"Pano ba mapa-oo ang isang babae?" Tanong niya na sinangayunan ng tatlo.


"Hmm...ako? Hmm... Simple lang.." Sabi ko.


"Ano? Pano?" Tanong nila kaya natawa ako.


"Seryoso kami, Kyle." Sabi ni Daryl.


"Seryoso kaya ako, oh." Sabi ko.


"Ano nga?"


"Simple but elegant way of surprise... Like, dalhin nyo sa isang place na maganda sa paningin niya tapos prepare kayo ng flowers then yayain nyo. Pwede namang mag-agaw eksena sa isang mall tapos may nakahandang kahit ano tsaka nyo nayayain. Pwede din yung simpleng pagpapakalat ng rose petals sa daan niya at pwede ding magprepare kayo sa isang room at kailangan ang nasa loob nun ay ang mga paborito niya tsaka tugtugan ng favorite music niya... Ganon, hehe..." Sabi ko at tiningnan ang mga lalaki, ayun tunganga..


"Ah, basta akin yung agaw eksena sa mall." Diklara ni Daryl.


"Akin yung sa isang magandang place.." Sabi ni Darwin.. Hmm..nga naman, tahimik siya.


"Akin yung sa isang room full of her favorites." Sabi ni Aaron.


"Akin yung rose petals." Sabi ni Bryle.


"Luh? Sineryoso niyo yun?" Tanong ko.


Tumingin naman sila sakin. "Oo."


"Teka! Bakit nga ba tinanong mo yun, Aaron?" Tanong ko at kitang kita ko ang gulat sa muka niya.


"Uh, ano kasi....ano.... Yayayain ko si Sam." Sabi niya at yumuko.


Matagal naman kaming nanahimik bago humagalpak kakatawa si Daryl.


"Seryoso?" Tanong ko.


"Oo at wish me luck." Sagot nito.


Nilapitan naman siya ni Bryle at Daryl tsaka tinapik sa likod sabay sabing...


"Wish me luck talaga, dre."


"Ikaw Darwin, sino yayayain mo?" Tanong ko. May feeling ako na si Ga--


"Si Gail." I knew it.


"Ay good luck, brader..." Sabi ni Daryl.


Sinabihan naman kami ng dalawa na wag maingay kaya nanahimik kami hanggang sa dumating sina Sam.


Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now