CHAPTER 1

36.8K 794 135
                                    




INFIDELITY

Walang patid ang pagtulo ng luha ni Fiona habang nagmamaneho ng sasakyan. Labong-labo na ang tingin niya sa kalsada pero patuloy lang siya sa pagmamaneho. Malalakas na busina ang naririnig niya sa tuwing magsu-swerve sa iba't-ibang lane ang sasakyan kaya pilit niyang kinakalma ang sarili. Pero kahit ano ang gawin niya, parang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman.

Nakilala na niyang likas na babaero si Ethan. Nagbago nga lang ng magkakilala silang dalawa. Hindi nga ba at nagkakilala sila ng lalaki dahil ka-fling ito ng ka-competitor niya sa negosyo na si Janie. It was just a challenge for herself. Guwapo at talagang malakas ang appeal ni Ethan kaya nakuha talaga nito ang atensyon niya. Fling lang sa umpisa. Iyon lang naman ang talaga ang gusto niya at para inisin si Janie. Sinusulot nito ang mga clients niya. Kaya ang ginawa niya, ang gustong-gusto nitong lalaki ang sinulot niya.

Hindi naman niya akalain na lalalim ng ganito ang relasyon nila ni Ethan. From a simple fling until they both entered the serious relationship. They became a couple. She was already in love with him. He showered her everything. Love, attention, affection. Kahit hindi na nga sa mga materyal na bagay. Alam naman niyang hindi kayang i-provide ng lalaki ang mga ganoon dahil hindi naman ito mayaman. Mas madalas nga, siya pa ang nagpo-provide ng ibang mga pangangailangan nito. Small amount at first. Madalas kulangin sa suweldo dahil mahilig din itong lumabas kasama ang mga kliyente. Bagay na hindi niya sinasaway ang lalaki dahil alam niyang kailangan iyon ni Ethan sa trabaho. Kasama iyon sa pagiging ahente ng lalaki. Pampalakas sa mga client para maka-close ng accounts. Naiintindihan niya dahil ganoon din madalas ang gawain niya.

Sa Bulacan pa umuuwi si Ethan at sa Makati nagta-trabaho kaya ng maging serious ang relationship nila niyaya na lang niya itong mag-stay sa place niya para hindi na ito mahirapan sa biyahe. Magmula ng lumipat sa condo niya ang lalaki, walking distance na lang nito ang pinapasukang car dealership. He has been living like a king in her own condo. She provided everything. Well, minsan nagbibigay din naman ng panggastos pero mostly, siya talaga. Kasal na nga lang ang kulang sa kanilang dalawa. She was expecting him to propose anytime dahil two years na rin naman silang live-in but madalas nitong sabihin, mag-iipon daw muna para sa future nilang dalawa.

Muling sumungaw ang mga luha sa mga mat ani Fiona ng maalala ang eksenang naabutan niya sa kanyang condo. Ramdam pa niya ang lagkit ng icing sa mga paa niya dahil sa nabitawang cake kanina. Nagda-drive nga siya ng nakapaa. Walang tigil ng kakatunog ang telepono niya pero hindi niya iyon sinasagot.

Huminto siya sa tapat ng Palisades Condominium at nakita niyang parang inip na naghihintay doon ang kaibigan na si Carol. Agad itong sumakay sa kotse niya at hindi na niya napigil ang sarili, napahagulgol na lang siya.

"I don't know what to say, Fi. Hindi ko akalain na magagawa ni Ethan iyon," maging ito ay parang maiiyak na rin.

"I loved him. I gave everything to him. Matatanggap ko pa kung ibang babae," sa pagitan ng mga hikbi ay iyon ang nasabi niya.

Napakagat-kagat si Carol sa mga kuko habang nakatingin sa kanya. Pinabayaan lang siyang umiyak ng umiyak.

"As in you found them together in bed?" Paniniguro nito.

Pumikit si Fiona at parang nagsisisi siya ng gawin iyon. Bumalik lang kasi ang eksenang nakita niya.

May bitbit siyang cake papasok sa kuwarto nila ni Ethan. Alam naman niyang hindi fan ng mga surprises ang boyfriend niya. Naisip niyang ito na lang ang i-surprise. Pagkatapos niyang ma-close ang isang big deal sa isang sikat na radio network, she decided to take the rest of the day off. Birthday naman niya. She decided to spend some quality time with Ethan since day off din nito sa trabaho.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon